Chapter 35

29.6K 912 220
                                    





"Umalis ka na nga," bulong ko kay kuya dahil halos hindi na ako makahinga sa dami ng mga taong gustong sumiksik sa banda namin.




Ilang minuto na kaming nakaupo rito sa medic station, ako lang ang doktor dito, ni nurses o volunteer ay wala. Ang sabi ni kuya ay nasa dalawang oras pa bago makarating ang red cross na ni-request ni Mayor dahil hindi sila galing ng Cebu.




Napabuntong hininga ako dahil ayaw akong iwanan ni kuya Sage. I already told him that I'm fine here alone, mas nakaka-bother pa itong nandito siya dahil nagsisiksikan at nagsisigawan ang mga tao para lang makalapit sa kaniya. Kahit may mga guards kaming humaharang, ay halatang hirap sila sa pag kontrol ng mga tao, lalo na ng mga kababaihan.




"E sinong kasama mo rito?" Katuwiran niya.




Nilingon ko siya, "Bakit? Sumama ba ako para magpa-bantay sa'yo? Nandito ako para mag volunteer. Ikaw, dumiretso ka na sa kung saan ba dapat ang mga banda. Nakakadagdag lang sa init ang pagdagsa ng mga tao rito. Baka ito pa ang maging dahilan para magkaro'n ng komplikasiyon ang mga tao." Sagot ko.




Mainit kasi, hindi naman gaanong tirik ang araw, ngunit dahil sa siksikan ang mga tao rito sa banda namin ay nararamdaman talaga namin ang init. Idagdag mo pa na hindi tumitigil ang mga tilian nila.




Ilang segundong tumingin si kuya sa akin na tila naninimbang. Kapagkuwan ay bumuntong hininga siya at nilingon ang mga taong isinisigaw ang pangalan niya. Unti-unti siyang ngumiti kaya lalo pang lumakas ang hiyawan. Talamak ang flash ng mga camera at marami pa ang nagtatanong kung ako ba daw iyong kapatid niyang galing sa ibang bansa o nobya ba.




"Saaaage! I love you, Sage!"




"Sage jowa mo ba ya—"




"Kapatid yata! Magkamukha, oh!"




"Sage! Sage! Dito!"




"Oh my God! He smiled! He smiled at me!"




Nagtaas ang kilay ko at nilingon si kuya. Sakto namang paglingon ko, ay nakita ko ang swabe niyang pagsulyap sa isang babaeng malapit sa amin. Napakurap ako sa kahihiyan at lalo pang kumunot ang noo ko nang halos mabaliw na ang mga babae sa kaniya. Dahan-dahan akong umiling at nagbuga ng hangin. I can't believe him.




"Alright, I'll just go to the mayor's office. Naroon daw sina Andrei. You sure you're fine here?" Tanong niya.



Tumango ako at tumingin sa lab coat na nakapatong sa hita ko. Galing ito sa LCDH. Ibinigay ni kuya Loren kasama ng mga medical equipments at paraphernalia na necessary sa mga ganitong okasiyon.




"If you need anything, just call me. Or we can go there togethe—" doon na ako napalingon sa kaniya. Hindi ko napigilan ang mahinang paghalakhak dahilan ng pagkatigil ni kuya. Napatitig siya sa akin na namamangha.




"Paano ako makakadalo kaagad sa posibleng pasyente kung naro'n ako sa loob?" I asked while smiling. He didn't drag his eyes away from me. "Mahalaga ang bawat segundong lumilipas sa mga pasyente. Hindi ako puwedeng mahuli kung sakali."




Ilang sandali kaming nagkatitigan. Seryoso lamang ang mga mata ni kuya habang ako ay nagtataka na. Kalaunan, ay nagulat ako nang bigla niya na lamang gulohin ang buhok ko.





"What are you—"




"It's so nice to see you smiling.."




Napakurap ako at natantong namamangha siya dahil masaya ako. Lumamlam ang aking mukha at lalo pang napangiti dahil doon. I don't know.. this just feels, so pure. I don't even remember myself smiling back then. I love the way I'm healed.




La Cuevas #3: Beautiful ScarsWhere stories live. Discover now