EPILOGUE 2/2

39.9K 1.2K 434
                                    

"Tang ina! Look what you did! Mas masasahol ka pa sa hayop, Raysita! How can you kill people?! How can you do that to her, huh?!" Sa galit ko, ay hindi ko na napigilan ang sarili nang sakalin ko siya. Kita ko ang takot sa mga mata niya habang nakatingin sa akin.

"I-I-" Hindi na siya nakapagsalita dahil sa sobrang diin ng pagkakasakal ko sa kaniya. Nagdidilim ang paningin ko dahil hindi ko na kailangan ng ebidensiya para patunayan na siya rin ang pumatay sa tatay ni Sadie. Siya mismo!

"I'm gonna kill you with my own two hands, you devil-" nabitawan ko siya nang may matigas na bagay ang humampas sa ulo ko. All went black after that. Nagising na lang ako na hindi ko na maigalaw ang mga paa ko dahil puno na ito ng dugo. I saw my knees almost wrecked and my mom with blood on her face.

Nanlaki ang mga mata ko. "Ma!" I called her but she won't respond. Ginapangan ako ng kaba na baka kung ano na ang nangyari sa kaniya. Nakatali ang mga kamay namin at sa tingin ko ay pinaghahampas nila ang mga tuhod ko para hindi ako makatakas. Napapikit ako sa sakit nang sinubukan ko iyong igalaw.

"If I were you, hindi ako magsasayang ng lakas."

Masamang tingin ang ipinukol ko kay Ray nang bumukas ang pinto at pumasok siya kasasma ang mga tauhan niya. Narito kami sa basement ng bahay namin. May mga monitors na nakapatong sa lamesa at nanlaki ang mga mata ko nang makita sina Sage at Loren na nasa labas. May isang kotse pero hindi ko nakita kung sino ang nasa loob. May kutob na ako kung sino ang naroon pero umasa pa rin ako na hindi. I missed her so much, but she can't be here.

"Aish, these bastards are so loud outside!" Reklamo ni Ray. Nilingon niya ako at nakakalokong ngumiti. "I heard sadie's with them.." at totoo nga, dahil habang kinakausap sila ng maid namin, ay lumabas si Sadie mula sa sasakiyan.

Narinig ko ang kausap ng lalaki sa aking tabi. "Target vissible. Permision to shoot, sir." Narinig ko iyon. At nanlamig ang katawan ko.

"Fuck you! Huwag niyo silang gagalawin! Ray!" my voice thundered. Tumawa lang si Ray at bahagyang umiling.

"Of course." She said. "How about a little torture?" She asked playfully.

Pilit kong kinalas ang pagkakatali ko pero masyado iyong mahigpit at hinang-hina ako. "Damn you, don't touch her! You can't touch her!"

"I know. But I know how can I torture her without touching.." She winked at me kaya lalo akong sinilaban ng galit. "I announced our wedding already, maybe that's why they're here. Ang mga bwisit na 'to.." She looked at the monitor before she turned to me. "Tuloy ang kasal. I'll let you talk to her through the phone. But know that I have my men hidden outside. They seem to have no securty right now.. kaya isang maling salita mo lang, pasasabugin ko ang ulo ng babaeng iyon, naiintindihan mo?"

A tear escaped from my eyes as I look at Sadie who's crying outside. Hawak niya ang teleponong ibinigay ni Ray habang nababasa ng ulan. Even at the distance, I can see how she's not feeling well. Naaawa ako sa kaniya at nasasaktan ako na kailangan ko siyang saktan para lang iligtas sila roon ngayon.

"Luke.." Her weak voice surfaced my ear. Pinilit kong lamigan ang boses ko. Kailangan na nilang umalis dito. Hindi ko alam kung ano ang papasok sa utak ni Ray. She needs to be away from here for me to be at ease.

"Sadie," hirap na ang boses ko. I don't know how will I say this to her. I don't really want to..

"She kept on saying that you love her. Sabi niya pakakasalan mo siya, e 'di ba hindi naman? You promised.. sabi mo hindi mo na ako sasaktan.. Luke, nangako ka-" I closed my eyes to suppress my broken voice. Ang sakit pakinggan ng iyak niya. Nadudurog ako.

"And you believed it?" natigilan siya. "You actually believed my lies, Sadie? How could you be so naive? I thought we're just playing around." Pikit mata akong lumunok habang nakatapat ang phone sa bibig ko. Ayoko siyang tignan habang umiiyak. Hindi ko kaya.

La Cuevas #3: Beautiful ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon