Special Chapter 1

211K 3.3K 123
                                    

"Son, you have a bright future ahead of you. Don't let that girl pull you down."

Kinunot ko ang noo ko. Something in me is forming, something bad that I just want to punch everyone in the face.  Nobody talks like that about my girl! At least not in front of me!

Kinuyom ko ang kamao ko at pilit na kinalma ang sarili ko. "Mom, you don't know her."

"Desiree told me she works in a fastfood chain. She's a scholar of the university. Yes, she's smart but son, you're still young! You still have so many things to see, at sa nakikita ko, magiging hadlang ang babaeng 'yon. You can have a girlfriend, kahit sino pa 'yan, but son, please. Not now. Your future is at stake here. Mataas ang rate ng early pregnancy and—"

"God, mom! We're not doing that if that's what you want to hear!" Singhal ko sa kan'ya. I can't believe her!

"Sa ngayon, baka hindi pa. But when you'll soon get tired of doing the same thing everyday, you will reach that. I've been there. Tyrone, makinig ka sa akin. Sabi ng mga maids dinala mo na siya dito sa bahay. Listen to me, son! Nakasalalay ang reputasyon natin dito. So you have to stop. Not now. You're too young!"

"Stop, ma. Just stop." Ginulo ko ang buhok ko at huminga ng malalim.

"No. You will break up with her or else mapipilitan akong—"

"What now, ma?" Mahinahon kong sambit habang nakalingon kay mommy. Daddy is beside her and speechless, or maybe he doesn't really care.

"Or else I'll talk to your principal to remove her scholarship." Matigas na sambit ni mommy, gusto kong matawa but she looks so damned serious and I know she is serious.

"You can't do that, mom. You're not gonna do that." Iling ko sa kan'ya, pero alam kong kayang kaya niya. She is one powerful woman and she can just do anything she wants.

"You know exactly what I can do, Tyrone. So break up with her."

Umiling ako. I'm not going to break up with her. They have no freaking idea how happy I am with her, and how I love her, kaya nong araw na iyon ay wala akong ibang nasa isip kundi ang makita siya. Whatever happens, I need to see her. Kung ayaw sa kan'ya ng mga magulang ko, itatanan ko siya. I don't even give a damn. I know she'll come with me. She has to. I'm gonna do whatever it takes to fight for us.

Tinignan ko ang laman ng bank account ko. This will be enough. Shit. I can't believe I'm doing this, but I will, just to be with her, I will.

Pero iba ang naabutan ko sa kanila.

"Hindi ko ho kayo maintindihan. Ano pong masama kung ipagpapatuloy namin ang relasyon namin?" Kinunot ko ang noo ko sa kan'ya.

Huminga siya ng malalim at doon ay nakikita ko ang pagkakapareho nila ni Yvette. Ng Yvette ko. Hinahaplos niya rin ang kan'yang tyan na ngayo'y malaki na. "Aminin na natin. Magkaiba ang estado niyo sa buhay. Mayaman kayo, samantalang kami ay isang kain, isang tuka. Nanggaling na ako d'yan, at tignan mo kung saan ako dinala." Humalakhak siya ng sarkastiko at tinignan ang tyan niyang may laman "Alam ko kung saan patutungo ang relasyon niyo. Malapit na kayo gumraduate sa hayskul. Magkakahiwalay lang din kayo sa kolehiyo. Saan ka ba mag-aaral? Sa malalaking unibersidad ng Maynila? Tapos si Yvette? Hindi siya magaaral, Tyrone. Hindi ko siya kayang pag-aralin. Sa tingin mo ba kaya niyo ang long distance? Sa tingin mo hindi ka makukuha ng temptasyon doon? Kakaunti lang ang nakakayanan ang long distance, and I can't risk my sister sa kaunting tsansang iyon. Makakahanap at makakahanap ka pa rin. Tapos si Yvette? Lalaki lang lalo ang insecurities niya. Sisisihin at sisisihin niya lang ang sarili niya. Kung hindi mo pa alam, Yvette is one fragile girl. At oras na napagod ka sa kakaintindi sa kan'ya, saan siya pupulutin? Tyrone, hijo, may maliit pa kaming kapatid na umaasa rin sa kan'ya. Oo, pwede mo siyang pasayahin, pero oras na maging sanhi ka ng depression niya, higit pa ang bagsak niya. Nakikita ko iyon sa kan'ya kaya't habang maaga pa, habang hindi pa ganon kalala. Please. Please, Tyrone, hiwalayan mo na muna si Yvette."

IntoxicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon