Chapter Fifty-four

146K 3.5K 335
                                    

Pagkababa ko ng Legazpi City Terminal ay humampas sa aking mukha ang malamig na simoy ng hangin. Huminga ako ng malalim. Umaasa akong dito na magsisimula ang buhay ko—kasama si Ate Heidi at si Gido.

Hila-hila ko ang aking maleta at naghanap ako ng mauupuan. Agad kong tinext si Ate Heidi para magpasundo. Kumakalam na ang sikmura ko. Hindi ko alam kung bakit ako gutom na gutom gayung kumain naman ako kaninang madaling araw. Peanut butter at sky flakes. I'm craving for those. Hinawakan ko ang tyan ko habang lumilinga-linga para tignan kung nakarating na ba si Ate Heidi.

"Yvette!"

Nilingon ko ang tumawag sa akin at nakita si Ate Heidi na may malaking ngiti. Sinalubong niya ako ng mainit na yakap at ang tanging gusto ko na lang sa mga sandaling iyon ay umiyak sa piling niya. Hindi ko alam kung bakit napaka-emosyonal ko, but one thing's for sure. Kailangan kong manatiling panatag.

"Nagugutom ka ba?" Kumalas sa yakap si Ate Heidi "Gusto mo kumain muna?"

Agad akong tumango. I feel famished, weak, emotional, and tired. Sumabay pa ang sakit ng ulo ko dahil sa byahe. Sumakay kami sa jeep na dumaan at bumaba din agad sa pinakamalapit na fast food chain. Bumuntong hininga ako at nagorder ng burger.

Nang makaupo kami ay agad kong binuksan ang burger na binigay sa akin, pero pinagsisihan ko din ito nang makita ang mayonnaise sa loob ng sandwich. Kakaibang amoy ang dumapo sa aking ilong na agad dumiretso sa aking sikmura. Napahawak ako sa aking bibig at mabilis na ibinaba ang burger na hawak. Huminga ako ng malalim pero amoy na amoy ko pa rin ang mayonnaise. Umikot ang tyan ko, and the next thing I know ay tumatakbo na ako papunta sa banyo.

"Yvette. San ka—" Tawag ni ate Heidi pero hindi ko na siya pinansin. Mabilis akong nagkulong sa cubicle at doon ay dumuwal.

Shit. Masyado sigurong magalaw iyong bus na nasakyan ko kanina kaya ngayon ay duwal ako ng duwal. Halos nanghihina na ako sa kakasuka at wala na rin akong maisuka, dahil wala pa naman talagang laman ang tyan ko.

"Yvette!" Katok ni Ate Heidi sa labas "Ayos ka lang ba d'yan?"

Napaupo ako sa sahig sa sobrang panghihina. Inabot ko ang lock ng cubicle at binuksan ito. Nakita ko ang gulat na ekspresyon ni Ate Heidi habang pinagmamasdan ako sa kinalalagyan ko. Dinaluhan niya ako at ipinatong ang kan'yang palad sa aking noo.

"May lagnat ka ba?" Nag-aalala niyang tanong.

Umiling ako.

Napahawak siya sa kan'yang bibig at nanlaki ang mga mata na para bang may biglang pumasok sa isip niya. "Buntis ka ba, Yvette?"

Kahit ako ay nanlaki ang mga mata sa sinabi niya. "H-Ha?"

Ang isipin pa lang na buntis ako ay bumabaliktad na ang sikmura ko at gusto ko na lang sumuka muli.

"Shit, mabuti pa umuwi na lang tayo. Hindi makakabuti ang nandito sa'yo," tinulungan niya akong tumayo sa kabila ng nangangatog kong tuhod. Tumango ako kay Ate para sabihing ayos lang ako at kaya kong maglakad mag-isa.

Hawak hawak ko ang ulo ko habang papalabas ng Jollibee. Nagpaiwan si ate para ipatake-out iyong inorder niyang spaghetti at para mabilhan na rin daw ako ng makakain. Gusto ko sanag sumama sa kan'ya pero hindi ko maatim iyong amoy ng mayonnaise.

"Tara?" Nilingon ako ni ate at dire-diretso lang siya sa paglalakad. Tumigil kami sa katabing drugstore.

"Bibili ka ng vitamins ni Gido?" Tanong ko sa kan'ya.

Umiling siya at dumiretso sa counter. "Miss, pregnancy test. Dalawa."

Natigilan ako sa sinabi ni Ate doon sa babae sa counter. Agad namang may kinuha iyong babae sa isang shelf at pinakita ito sa amin. Tumango lang si ate.

IntoxicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon