EPILOGUE

255K 3.9K 781
                                    

Epilogue

"In saecula saeculorum?" Nilingon ko siya nang nakakunot ang noo. "Ano ibig sabihin n'on?"

Binalik niya ang tingin sa akin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin natatanggal ang ngiti sa labi niya mula kagabi pa. Nilingon niya ang singsing na kanina ko pa tinititigan, pero ngayon ko lang napansin ang naka-carve na mga sulat dito. He intertwined our fingers together and kissed the ring on my finger.

"Unto the age of ages," ngumiti siya sa akin. Lalo akong napakunot ng noo "It means forever." He added.

Sa simpleng sinabi niya, napangiti ako. Muli kong tinitigan ang singsing sa kamay ko at binasa ang naka-sulat dito. "Pero wala namang forever, eh."

Napawi ang ngiti sa labi niya at sumimangot sa sinabi ko. "Sino namang gago ang nagsabi nyan?" aniya.

"Trending 'yun," napahalakhak ako sa reaksyon niya "Sabi ni Ysa, 'yung pina-follow ko sa twitter. Wala raw forever. Follow mo rin siya para malaman mo mga sinasabi ko, @MalditangYsaWP ang username niya."

Umiling-iling siya at sinandal ang kan'yang ulo sa balikat ko. "Unfollow mo na 'yun, hindi totoo mga sinasabi niya. Baka bitter lang kasi walang lovelife. Pangit siguro."

Umirap ako at lumingon na lang sa bintana nitong eroplano. Napangiti ako sa nakikita kong tanawin mula rito sa himpapawid. Pabalik na kami sa Maynila dahil may mga naiwang trabaho si Tyrone at ayoko namang ako muli ang maging dahilan ng pagbagsak niya. Bumuntong hininga ako. Ang ganda ganda talaga ng pagkakahubog ng Mayon Volcano kahit na napaka-clingy ng clouds at mukhang yumayakap dito. Nakakatuwa.

Nagulat ako nang maramdaman ang kamay ni Tyrone na biglang gumapang sa tyan ko. Hinahaplos haplos niya ito ng dahan-dahan, and it gave me a different kind of feeling. Pinaghalong saya, excitement, at kaba, at siya lang ang may kapasidad na iparamdam sa akin ang ganitong naguumapaw na emosyon. Siya lang.

"Baby, 'wag mo papahirapan si mommy ha. Baka mapagod siya," Umayos ng upo si Tyrone at nagpatuloy sa paghaplos ng tyan ko "Ako lang magpapagod sa kan'ya."

Nanlaki ang mga mata ko at hinampas ang balikat niya "The hell. Hindi pa nga lumalabas ang anak mo, kung anu-ano na ang tinuturo mo."

Humalakhak siya at bumalik sa pagkakahiga sa balikat ko. Ipinatong ko ang kamay ko sa kamay ni Tyrone na humahaplos sa tyan ko. "Anak, 'wag ka makikinig sa daddy mo. Baliw 'yan."

Naramdaman ko ang pagngisi niya sa balikat ko. "Daddy?" Bulong niya sa akin "I like that. You should call me daddy."

"Ha? Bakit? Tatay ba kita?"

Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa balat ko dala ng kan'yang paghalakhak. "No, but... You know. The usual thing married couples do, they call each other what they want their children to call them."

"But we're not yet married."

Muli siyang umupo ng tuwid at nilingon ako ng masama, na para bang may sinabi akong karumal-dumal at bawal.

"Doon din naman ang punta natin. Tell me, are you planning on ditching me? Cos there's no use, Yvette. I'll always chase you and bring you back to me."

Napahalakhak ako sa bigla bigla niyang bulalas. Mabilis ko siyang ninakawan ng halik sa pisngi bago pa may makahalata, at muli akong natawa nang manlaki ang mga mata niya at pumula ang buong pisngi niya. Napailing na lang ako sa reaksyon niya. Always priceless.

"Alam ko. Wala naman talaga akong kawala sa'yo dahil ikaw lagi hinahanap ko. Jeez, ano ba 'yan," napahalakhak ako dahil sa biglang pagsulputan ng sweet bones ko "Stop being paranoid. Hindi ako aalis. Dito lang ako, okay?"

IntoxicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon