Chapter Seven

199K 3.6K 314
                                    

Nasa labas pa lang ako ng gym ay rinig na rinig ko na ang hiyawan ng mga tao sa loob. Nag-dalawang isip tuloy ako kung tutuloy pa ako sa loob. Mas maganda sana kung narito si Princess. Kaso umuwi na ang bruha.

"Tyrone! Tyrone! Tyrone!"

Kinagat ko ang labi ko. Here, in this field, hindi na niya maiiwasan ang atensyon. Siya ang angat sa basketball, maybe because passion niya ito. Since elementary ay magaling na siya magbasketball. Palagi nananalo ang team nila sa Intrams. Ang mga pinsan niya ay walang hilig sa ganitong laro. Puro kasi pagsho-shoot lang ang alam nilang gawin.

I rolled my eyes heavenward.

My feet started walking towards the gym. Naabutan ko si Tyrone na nagshoshoot mula sa 3-points line. Nang makapasok ito sa goal ay naghiyawan ang mga estudyante.

Nakipag-high five si Tyrone sa iba niyang kateam at saglit niyang sinuyod ng tingin ang bleachers. Naghanap ako ng kakilala o di kaya'y mauupuan. Baka pwede pa ako magstay dito kahit 30 minutes lang. Muling naghiyawan ang mga estudyante nang makuha ni Tyrone ang bola.

Umakyat ako patungo sa pinakataas na bleachers kung saan ay walang masyadong tao. Ilang minuto pa ay nahanap ko ang sarili na sumasabay sa hiyawan nila. Hindi ko mapigilan. Masyadong magaling si Tyrone. Bawat kapit niya sa bola ay alam na nang lahat na makakashoot na naman sila. Bawat galaw niya ay tantyado. Bawat takbo ay hiyaw ng mga tao, kasama na ako.

Napakagulo ng buhok niya at basang basa na rin ito dahil sa pawis. Ang kan'yang suot na jersey ay may nakasulat na 7 Feledrico sa likod nito. Pamaya-maya ay ngumingiti siya dahil sa pagkakashoot at hindi ko na maiwasang ngumiti na rin dahil sa kan'ya. His smile is that influential. Kaunting pagangat ng dulo ng kanyang mga labi ay ang pamumula ng buong mukha ko. He's just too handsome when he smiles, at posibleng mahimatay na lang ako kapag tumawa na siya.

Isa pang shoot ay nagtime-out na ang coach nila. Practice game pa lang naman kasi iyon. Muli siyang nakipaghigh five sa katabing teammate at sabay silang naglakad papunta sa mga upuan kung nasaan nakapatong ang kanilang mga bag. Nagkaroon ako ng mas magandang anggulo ng titig sa kan'ya. Naroon pa rin ang ngiti sa kan'yang labi habang kinakausap siya ng teammate na mayroong numero 4 sa likod ng jersey.

Tumango tango si Tyrone at kinuha ang isang bote ng mineral water mula sa kan'yang bag. Ipinatong niya iyon sa kan'yang labi at uminom mula rito. Pakiramdam ko ay naging telescope ang mga mata ko dahil batid ko kung paano tumaas-baba ang kanyang adam's apple. Nagpatuloy iyong teammate niya sa pakikipag-usap sa kan'ya.

Nakalahati ni Tyrone ang laman ng bote ng tubig at ang iba ay ibinuhos niya sa kaniyang ulo, dahilan para maghalo ang pawis at ang tubig sa kan'yang magulong buhok, pababa sa kan'yang mukha at sa kan'yang leeg. Ginulo niya lalo ang buhok dahilan para tumalsik ang iilang butil ng tubig mula sa kan'yang napakasexy na buhok.

Kinuha niya ang puting face towel mula sa bag at ginamit ito pangpunas sa mukha at sa buhok. Muli siyang nakinig sa kinekwento ng kaibigan. Hindi lumampas ang titig ko nang humalakhak siya kasabay ni Mr. 4 at tinapik niya ang balikat nito. Napakagwapo niya. Napakagwapo, na hindi ko alam kung aakma pa ba ang salitang 'gwapo' sa kan'ya. It's an understatement. He is beyond that.

Isinabit niya ang face towel sa batok niya. How can he make it look so sexy?

Muling sinuyod ng tingin ni Tyrone ang mga bleachers, at sa bawat nadadaanan ng kan'yang titig ay ang mga babaeng halos mamatay na sa kilig. Ramdam ko ito dahil isa ako sa mga babaeng gusto na lang humilata at kiligin nang daanan ng kan'yang mga mata ang pwesto ko.

Hindi pa nakakarecover ay muling bumalik ang kanyang tingin sa gawi ko. Ngayon ay hindi na lang niya ako dinaanan ng tingin. Ngayon ay tinitigan na niya ako. As in titig. Ramdam ko ang muling paginit ng pisngi ko. Napalunok ako dahil gustong gusto ko nang magiwas ng tingin pero hindi ko magawa. He has this power na kaya niyang hatakin ang buong pagkatao ko na tumingin lang sakanya. Kaya niyang utusan ang mga mata ko.

IntoxicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon