Chapter Four

403K 3.6K 84
                                    

"First section? Huh?" Kinunotan ko ng noo si Princess habang papasok ako sa campus "Paano yun mangyayari? I ditched Chemistry." Inirapan ko siya at hinawakan ang dalawang strap ng backpack ko. Nilingon ko siya at muling kinunotan ng noo dahil sa laki ng ngisi niya. Princess is her current self—nakahati sa gitna ang buhok niya and braided hanggang sa dulo. Kung tititigan mo siya, mapagkakamalan siyang freshman student. All gooey and childish and sweet. The best part was, she's my bestfriend. Mas matangkad ako sa kanya dahil nasa balikat ko lang siya. Actually, ako ang pinakamatangkad na babae sa second section.

"Hindi ko nga alam eh," ngumuso siya "Ako tuloy na nag-aaral ng mabuti, hindi nakapasok." Kumapit siya sa kanyang mga libro then suddenly I felt bad for her.

"Namali lang 'yon. Baka typo."

Ayoko sa first section. Ayoko doon simula nang nangyari noong grade 5 ako. Noong inamin ko kay Tyrone na crush ko siya habang binibigyan niya ng flowers si Desiree. I was a kid, what do you expect?

Noong umamin ako sa kan'ya, hindi niya lang ako pinansin. Pinagtawanan kami ng buong klase, I mean, pinagtawanan ako. I wanted to be gone that day. Oo, matagal na iyon. Marahil ay nakalimutan na yon ng iba, o kaya ni Tyrone, pero hanggang ngayon hiyang hiya ako sa sarili ko. Kaya nung grade 6 ay nagpalipat ako sa second section kahit na overqualified ang academic standing ko para sa second section. Walang Tyrone doon, pero andon naman ang mga pinsan niyang ubod ng yabang.

Hindi naman sa mas matalino si Ty sa kan'yang mga pinsan. Si Jerome, yun. Matalino din yun. Kaso ayaw nila sa first section. The thing is, wala silang babaeng makukuha doon.

Una ay dahil walang pakialam ang mga tao doon kundi ang grades nila, ang quota, at mga deadline. Pangalawa ay hindi pasok sa taste nila ang mga babae sa first section. Pero iba si Tyrone sa kanilang magpipinsan.

Tyrone was the last person you'd look at kapag magkakasama na sila. He's this type of guy who'd walk behind the rest of the group, who'd sit farthest to everyone else. I figured he hates attention, kaya pinili niyang manatili sa first section, where every other girl just cares about grades, and not about flirting. He hates attention that's why he won't smile, won't laugh, won't say anything out loud, because he'd be recognized. God, he's so cute when he smiles, I've seen that a couple of times when I was still trying to get over him, when I was in that stage where I'd stalk him because I miss him. Dahil kahit ganun ang nangyari, he's still my ultimate crush.

Kahit na ayaw ni Tyrone ng attention, hindi niya naman ito mapipigilan. He's such a beautiful creature.

Bigla kong naalala iyong pagbibigay niya ng bulaklak kay Desiree noong Grade 5 kami, nung araw na halos gusto ko nang kainin ako ng lupa. As much as Tyrone hates attention, he's willing to give that up para lang ipagsigawan sa mundo kung sino ang gusto niya. Too bad they didn't end up together. Desiree's a chinese and there's a great wall between them.

"No, Ms. Arteta. Sa first section ka talaga nakaassign." Sagot ni Ms. Julienne habang kinakalikot ang mga papel sa table niya.

"Pero ma'am, akala ko po hindi na ako babalik doon." Yumuko ako at tinitigan ang mga daliri ko.

"I'm sorry, Yvette. Marami na kasi ang bumagsak sa first section, so overcrowded na ang second section. We needed to trim it and we also needed to fill in the space sa 1st. You're the top 1 in second section, at alam nating pareho na overqualified ka na doon kaya kailangan ka naming iangat."

Tinitigan ko siya na nag-aayos na ng bag, mukhang naghahanda na para sa kan'yang unang klase. "Sige na, I'll see you there."

Wala na akong nagawa. Hindi ko rin naman ito pwedeng tanggihan. Libre na nga ang tuition dahil sa kanilang scholarship program tapos ako pa ang tatanggi? Kung hindi dahil sa scholarship na 'to, malamang ay lumipat na ako sa state university kung saan hindi ko kailangan makipagplastikan sa mayayaman at sikat na mga tao.

IntoxicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon