Chapter Thirty-three

142K 3.1K 370
                                    

Masakit pala, 'no? Masakit pala 'yung gigising ka araw-araw tapos maaalala mong wala nang babati sa'yo ng Good morning. I love you, girlfriend.

 

Masakit pala 'yung wala ka nang magiging rason para pumasok sa school, 'yung katabi mo lang siya, pero parang isang mundo ang layo niya sa'yo. Masakit pala 'yung maalala mong dati ang dali-dali lang para kausapin siya at lambingin, pero ngayon ni hindi mo siya magawang titigan dahil alam mong babalik lahat ng alaala niyo.

Masakit pala 'yung para ka na lang hangin ngayon, samantalang dati ako ang mundo niya. 'Yung hindi na niya ako hihintayin pa para ihatid sa bahay, wala na iyong nakakahawa niyang mga ngisi. 'Yung halakhak niya, 'yung pamumula ng pisngi niya. Masakit pala 'yung alam mong binigay mo na ang lahat, pero kulang pa rin pala.

Magdadalawang oras na akong nakatitig sa kisame. Wala pa akong tulog, at namumugto rin ang mga mata ko dahil sa pag-iyak. Para bang walang katapusan ang sakit na nararamdaman ko. Kung hindi ko lang napansin ang pagtaas ng araw ay hindi ko pa maaalala na kailangan ko nga palang bumangon dahil kailangan ako ni Viviene.

Tumayo ako at nagluto ng pang-umagahan naming dalawa. Nanghihina man at masakit ang ulo, pinilit kong pumasok sa school. I can't risk my scholarship dahil lang sa lecheng puso kong 'to. Kung pwede lang sana 'tong ipatanggal matagal ko nang ginawa.

Nang pumasok ako ay wala pa si Tyrone. Nakahinga ako ng maluwag. Paano nga ba mag-move on kung araw araw ko siyang nakikita? Araw-araw sa akin pinapaalala ang sakit at ang katangahan ko. Gustuhin ko man magalit sa sarili ko, hindi ko pa rin magawang diktahan ang puso kong tumigil.

Yumuko ako nang makita kong naglalakad na siya papalapit sa upuan niya. At sa pagpikit ng mga mata ko ay tumulo ang luha ko. His mere presence can make me feel worthless, na parang wala na lang lahat ng pinagsamahan namin. Alam kong maikli lang ang panahong ibinahagi ko sa kan'ya, pero bakit ganito kasakit?

Hindi ko alam kung paano ko pa nakakayanan ang araw-araw na makatabi siya. Masokista na kung masokista pero ang alam ko lang ay kailangan kong gumraduate kahit high school lang.

"Good evening, Yvette," Bati sa akin ng guard sa pinagtratrabahuhan ko "Mukhang nadadalas ang pagpupuyat mo ah?"

Nilingon ko siya at ngumiti ng tipid. Mukhang halatang halata na nga sa akin ang pagpapabaya sa sarili. Mabilis akong nagbihis sa staff room at nag-report sa trabaho. Na-assign muli ako sa cashier kaya't pinilit kong lagyan ng sigla ang mukha ko. Pero mabilis itong napawi nang makita ko sa pila ang isang pamilyar na babae. Maputi, may mahabang buhok, at mapula at matabang pisngi. Nakasuot siya ng isang puting dress, and she looks like a doll. A porcelain doll.

Lalo akong natigilan nang makita si Tyrone sa likod niya. Nakakunot ang noo at nakapamulsa habang nakikinig sa mga sinasabi ng babae. Humahalakhak pa iyong babae kahit na mukhang hindi naman interesado si Tyrone.

"Miss? Nakuha mo ba 'yung orders ko?"

Mabilis kong binalik ang tingin sa customer sa harap ko pero hindi ko magawang ibaling ang buong atensyon ko sa kan'ya. Malakas ang tibok ng puso ko habang pinipindot sa screen ang mga orders. Ang daming tanong na pumapasok sa utak ko. Gustong tumulo ng luha ko pero inipon ko ang lakas ko para huwag itong tumulo.

At pakiramdam ko ay hindi na ako nakahinga nang makita ko silang dalawa sa harap ko. Dahan dahan akong nag-angat ng tingin at nakita ko ang gulat na ekspresyon ni Tyrone. Dapat ay ngingiti na ako sa kanila tulad ng training sa amin, pero kahit plastic na ngiti ay hindi ko mabigay.

"Miss, burger po."

Nalipat ang tingin ko sa maputing babae na kasama ni Tyrone. Lumalabas ang kan'yang dimples sa kaliwang pisngi habang nagsasalita. Napakaganda. At siguradong sigurado na akong kilala ko siya. Siya iyong babae na itinuro ko kay Tyrone n'ong nasa ilalim kami ng puno sa school.

IntoxicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon