Special Chapter 2

150K 2.8K 120
                                    

Special Chapter 2

I'm sorry, but I need to do this.

 

Napapikit ako ng mariin sa papel na hawak ko. After goddamned years of misery, I can't believe I let her go. . . again. Alam ko na eh. Alam na alam kong siya na iyon nong gabing iyon. Why didn't I ever trust my instincts? Siya lang ang nakakapagbigay sa akin ng kakaibang kaba, kakaibang excitement, and that night I felt it again, na para bang matagal nang nakabaon ang mga pakiramdam na iyon sa akin, at nang muli ko siyang mahawakan ay doon lamang nabuhay muli ang aking sistema. She is the life I have, and now that she's again gone, I don't know where to start.

Siya ang naging inspirasyon ko sa lahat ng bagay. May mga panahong nalulungkot ako nong nag-aaral ako sa States, pero tuwing iniisip ko ang mga bagay na pwede kong ibigay kay Yvette kapag naging successful na ako ay bumabalik ang motivation ko. She's the sole reason of my existence. Yes, I tried dating other girls, too. Xena and I attended the same college, and she taught me a lot of things and experiences. We had our benefits, it was a win-win situation, but both of us know that nothing was going on between us. She did not demand anything from me, and so did I. Pero kahit gaano pa siya kagaling sa kama, I know it was not the same. Ibang iba ang hinahanap ng katawan ko. At ibang iba ang naramdaman ko nong gabing iyon.

Kahit ako ay nagulat sa sarili ko. Bibihira lang ako maakit ng babae, I should have known from the start! Ni wala na akong pakialam kung nagtatrabaho siya bilang dancer, wala na nga rin akong pakialam kung sinong nakauna sa kan'ya, I just want her back to me.

But she was a virgin. Damn. I had her first. Hindi ba siya nagkaroon ng boyfriend? Shit. Iniisip ko pa lang na may ibang lalaking humahawak sa kamay ng girlfriend ko ay gusto ko nang manuntok.

"Sir, wala pa pong balita sa kan'ya. Hindi na rin daw po bumalik sa handler nila si Ms. Arteta. Hindi nga daw po nakuha ang sweldo nong gabing iyon," Ani ng private investigator na kinuha ko.

Kinuyom ko ang kamao ko. "Syempre may contact naman siya kay Yvette, diba?" Huminga ako ng malalim.

"Wala daw po. Nag-part time lang daw po kasi siya at kakasimula pa lang niya nong gabing yon." Umiling iling siya na para bang kahit siya ay sumusuko na.

Damn. Hindi ako pwedeng sumuko. Hindi ngayon kung kailan malapit na. Hindi ngayon kung kailan naayos ko na ang buhay ko at may mapapatunayan na ako sa kan'ya. No. Shit. No.

"Please. Do your best to locate her. I need her." Nanghihina kong sambit.

Huminga ako ng malalim habang pinagmamasdan ang alak sa baso ko. Ang lakas lakas ng musika sa loob nitong bar pero wala akong maramdamang kahit anong kasiyahan. Ininom ko ng isahan ang alak at muling humingi sa bartender.

Ginulo ko ang buhok ko. Bakit ba napakatanga ko? Ang laki kong gago! Tang ina!

Panay lang ang inom ko. Ni wala na akong pakealam kung makakauwi pa ba ako. Damn it, kailangan kong mahanap si Yvette. Bakit ba ang hirap hanapin ng taong ayaw magpahanap? Muli akong lumagok ng alak at nang ibinaba ko ang baso ay dumoble na ang paningin ko.

Napahawak ako sa ulo kong pakiramdam ko ay babagsak na lang. Nilingon ko ang dance floor at lalo akong naduling sa neon lights na sumasabay sa sayawan. Pinikit ko ang mga mata ko. Nakita ko sa isip ko ang magandang mukha ni Yvette. I can visualize her pinkinsh lips, her fat rosy cheeks, the way she crinkles her nose whenever she disapproves, and those dark brown eyes that held the mysteries of the universe. Damn. Tuwing tititigan ko lang ang mga mata niya ay kakaibang emosyon na ang nararamdaman ko. She got me. Got me so freaking bad.

"Sir?"

Halos hindi ko na mabuksan ang mga mata ko pero pinilit ko.

"Sir, iuuwi ka na po namin sa in'yo." Pilit akong tinatayo ng isang babaeng may maiksing buhok. Napakunot ako ng noo at gusto kong bawiin ang braso ko sa balikat niya pero wala akong lakas. I need her. I feel so fucking wrecked without her. Gusto ko nang sumuko dahil pagod na pagod na ako. Tao pa rin ako at nasasaktan, but damn it, mas masakit ang wala siya. Mas masakit ang makitang hindi siya ang kasama ko hanggang sa pagtanda. Now tell me what to do because I don't even know! Hindi ko na alam...

Everything's a blur. Hindi ko alam kung paano ako nakauwi sa condo ko, I just found myself on my bed. Pinagmasdan ko ang babaeng pinupunasan ang katawan ko. Napakunot ako ng noo. Those eyes. Those damn eyes. . .

Yvette. . .

I pulled her to me and kissed her passionately. Hindi ko na pinansin ang kakaibang pakiramdam ko nang maglapat ang aming mga labi—like there was nothing so special about her. No. Si Yvette ito at lahat ng tungkol sa kan'ya ay espesyal. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha sa mga mata ko. Too much longing and desire is actually killing me. Fuck this shit. She moaned against my lips when I reached for her breasts.

"S-Sir. . ."

I can't think straight anymore. Lumayo ako para titigan siya kahit na nanlalabo ang paningin ko. I need to look at her eyes and say how much I need her, I want her, and how much "I love you," Yvette.

 

Nanlaki ang mga mata niya at muli ko siyang hinalikan. I started to unhook her brassiere. I lay her down on my bed and positioned myself on top of her. I started kissing her neck to the back of her ears.

"I-uh. . . I love you too, Tyrone."

Natigilan ako nang marinig ang pangalan ko. It sounded different. It didn't sound so special tulad ng nararamdaman ko tuwing si Yvette ang bumabanggit nito. Bakit kakaiba ang nararamdaman ko? Wala akong nararamdaman tuwing naglalapat ang aming mga balat. Hindi katulad ng gabing iyon. I again looked at her ngunit bago ko pa iyon nagawa ay dumilim ang paningin ko at hindi ko na alam kung ano ang sunod na nangyari. Fuck that Bacardi.

IntoxicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon