Chapter Fifty-eight

162K 3.6K 377
                                    

No one could ever realize how happy I am right now. Nagkabati na kami ng kapatid ko and that's what's important sa ngayon. May mga problema pa rin ako, oo, pero masaya akong nabawasan na iyon. Reconciling with the people you love is the one of the best feelings in the world, dahil alam mong nalagpasan niyo ang pagsubok sa relasyon niyo.

Nakangiti akong pumasok sa trabaho kinabukasan pero agad ako napabusangot at natigil sa paglalakad nang makita sina Tyrone at Xena sa restaurant ng hotel. Kumakain sila at panay ang halakhak ni Xena dahil sa kinekwento. Napairap ako sa kawalan. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang dapat kong gawin. Wala pa akong pinagsasabihan ng tungkol sa kalagayan ko dahil natatakot ako, sa totoo lang. Natatakot akong baka malaman niya at hindi ko na alam kung ano ang mangyayaring sunod.

Dalawang bagay lamang iyon—ang bumalik siya sa akin dahil sa baby namin, o tanggihan niya ang anak ko. Muli kong naalala iyong huli niyang sinabi n'ong umalis ako. He doesn't like to see me anymore because he wants to move on. Ayaw niyang bumalik na ako, and him pushing me away hurts. Pero naiintindihan ko—dahil nasaktan ko siya.

Kung tatanggihan man niya ang anak ko, hindi ko yata iyon kakayanin. Kaya kong makaramdam ng rejection, pero ang rejection para sa taong mahal ko? Para sa baby ko? Ikamamatay ko. I will forever suffer the consequence of that. If Tyrone will reject our baby, I'll always get hurt whenever I look at our child and knowing what his father did to him. Hindi ko yata kaya iyon.

Nagtama ang tingin namin at naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko. He looked at me, emotionless, with his soft light brown eyes. Pilitin ko man mag-iwas ng tingin, he has this force that kept my eyes locked on him, na para bang kinokontrol niya ang mga mata ko na tumingin lamang sa kan'ya. Napalunok ako at napahawak sa dibdib ko. Napakalakas ng tibok ng puso ko at hindi ko alam kung dahil sa kaba, excitement o dahil miss na miss ko na siya.

"Yvette, huy."

Natauhan lang ako nang may kumiblit sa balikat ko. Doon lang ako nagkaroon  Nakita ko si Nica na mukhang papasok pa lang din tulad ko. Tinignan niya ang direksyon ng titig ko kanina at bigla siyang ngumisi ng nakakaloko. Bigla niya akong siniko.

"Crush mo 'no?"

Nanlaki ang mga mata ko. Agad akong umiling. "Hindi 'no!"

"Weh? Ba't ka namumula?" Binalik niya ang tingin kay Tyrone pero nanatili akong nakatitig kay Nica "Nakatingin din sa'yo oh. Uyyy!"

"Ha? Halika na nga! Dami mong alam." Nagsimula akong maglakad at pasimpleng sumulyap kay Tyrone. Tama si Nica. Nakatingin nga siya sa akin. Mabilis akong nag-iwas ng tingin bago niya muling makontrol ang mga mata ko.

"Joke lang. Hindi pala sa'yo nakatingin. Sa akin pala," humalakhak si Nica "Ya'n mo, crush ko rin 'yun. Hindi ka nag-iisa. Kaso may fiancée na, eh."

Napairap ako muli. Hindi niya naman kailangang ipaalala sa akin paulit-ulit ang kalagayan naming dalawa ni Tyrone. Nakakainis. Naiinis ako dahil nasasaktan ako kahit na hindi dapat. Nagseselos ako kahit wala akong karapatan! Kahit paulit-ulit kong sabihin sa sarili ko na hindi na siya akin, hindi ko pa rin magawang ikumbinse ang sarili kong wala na nga talaga kami. He belongs to someone else—and that's no longer me.

"Meron ka ba ngayon, Yvette?" pagpupuna sa akin ni Ynna "Ang taray mo ah."

Ngumuso ako at hindi siya sinagot. Nakita ko si Edgar na papalabas ng elevator na may dala-dalang tray ng pagkain para sa isang tao at isang soda in can. Lumapit siya sa akin at kumindat. Napangiwi ako. Itsura nito, kapal ng mukha.

"Yvette babes, pakidala naman nito doon sa dulong room. 'Yung executive suite." Ngumisi siya at muli akong napangiwi dahil sa klase ng ngisi na ibinigay niya. The hell.

IntoxicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon