Chapter Seventeen

173K 3.2K 277
                                    

"This is your gown," itinaas ni Ma'am Julienne ang isang puting gown sa harap ko. Tube ito at ang ganda ng pagkakagawa. May mga sequens sa bandang dibdib kaya kumikinang kinang din. Mukhang mahal yata 'to. "Sukatin mo na, and ireready ko lang 'yung sports attire mo."

Tumango ako at dahan-dahan itong kinuha mula sa kan'ya. Delikado. Mamaya baka masira ko ito, naku wala ako pambayad.

I looked at Tyrone na nakaupo sa couch ng fashion house na pinuntahan namin. Napalunok ako nang makitang nakatitig siya sa akin, mukhang malalim ang iniisip. Nag-init ang pisngi ko at umiwas ng tingin.

"Dito, hija." Nginuso ng baklang designer ang dressing room. Tumango ako at pumasok na doon.

Napalunok ako habang tinitignan ko ang sarili ko. I look so pale. Sana lang magbagay sa akin itong gown.

Bumuntong hininga ako at hinubad ang uniform ko. Hinubad ko rin ang bra ko dahil may foam naman itong gown. I started wearing it at laking pasasalamat kong kasyang kasya ito sa akin. Ngumiti ako para kahit papaano ay bumagay sa akin ang damit. I smiled with full teeth. I need to practice this kahit hindi ako sanay.

Nang mapagtantong hindi bagay sa akin ang pagngiti ay sumimangot na lang ako at ngumuso. I turned around para tignan ang sarili ko. Malaking parte ng likod ko ang exposed, halos kalahati. Lalo akong naconscious. Huminga ako ng malalim bago lumabas mula roon. Agad akong dinaluhan ni Ms. Julienne.

"Wow! Perfect!" Palakpak niya.

"Uhm, ma'am. Pwede po yung ano... Zipper pakiakyat?" Tumalikod ako at narinig ko ang pagakyat ng zipper sa likod ko. Pinaharap niya ako pagkatapos. "Beautiful!"

Lumapit sa amin ang designer at pinasadahan ako ng tingin. Ngumisi siya pagkatapos. "You have the body and looks, hija. You have to flaunt it." Lumapit siya sa akin at ikinumpol ang buhok ko para itaas. "Ayan. Itataas ko na lang ang hair mo tomorrow para umaliwalas ang mukha mo. Smile ka nga."

I smiled awkwardly.

"Ang ganda! Sure winner na!" Declared Ms. Julienne. Napangiti ako sa sinabi niya at napalingon kay Tyrone na nakatitig pa rin sa akin.

Itinaas ko ang kilay sa kan'ya para humingi ng reaksyon o opinyon. His face softened at ngumiti siya sa akin. "Beautiful." He mouthed.

Napalunok ako at mabilis na hinawakan ang pisngi ko dahil umiinit na naman ito.  Ang lakas lakas ng tibok ng puso ko kaya't binalingan ko na lang si Ms. Julienne na mukhang wala namang napansin.

"May boyfriend ka na ba, hija?" Halakhak ng designer.

Nalaglag ang panga ko sa tanong niya. "W-Wala po!" umiling iling ako.

"Naku, for sure, after ng pageant, marami nang manliligaw sa'yo." Napalingon siya kay Tyrone na nakahalukipkip lang "Kaya kung ako sa kanila," muli siyang tumingin sa akin "Uunahan ko na." kumindat siya sa akin at ibinaba ang buhok ko.

Humalakhak si Ms. Julienne. Ako ang nahiya sa sinabi niya kaya't napayuko ako.

"Tyrone. Your turn. Isukat mo na 'yung tux mo." Naglakad si Ms. Julienne papunta sa kan'ya at inabot ang kulay itim na tuxedo. Tumayo din ito agad at inabot ang tuxedo. Nilagpasan niya kami lahat at pumasok sa dressing room na pinasukan ko kanina.

"May something ba sa inyo?" Agad usisa ng designer.

Hindi ko alam kung may iiinit pa ba ang pisngi ko. Umiling-iling ako para agad i-deny.

"Sus. Halatang halata na, eh. Nanliligaw?" Ngisi niya pa.

Ngumuso ako. "Hindi rin po."

"Ay. Torpe. Mahina." Humalakhak siya.

IntoxicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon