Chapter Forty-nine

142K 3.2K 344
                                    

Girlfriend,

I'm sorry. I love you. Come back to me.

Bumuntong hininga ako at ibinalik iyong cake sa kahon. Ipinasok ko na rin ito sa ref bago pumunta sa sariling kwarto.

Hindi ko alam kung paano nangyari ang lahat ng ito. Hindi ko alam kung paano humantong lahat sa ganito. Napakabilis ng mga pangyayari. Sa sobrang bilis, napakasakit ng pagbagsak ko.

No. Hindi ito tungkol sa pagpaparaya ko. Hindi tungkol sa kasiyahan ko. Hindi ko naman ipinamimigay si Tyrone, dahil wala akong sinabing gustuhin niya rin ang kapatid ko. Alam kong hindi ko iyon kayang diktahan. Alam ko ang lugar ko.

Nakipaghiwalay ako hindi dahil gusto kong maging sila, kundi dahil nasasaktan ako. Tungkol ito sa nararamdaman ko ngayon--bilang ate na iginapang ang kapatid. Halos hindi ko pinakagat sa lamok ang kapatid ko, tapos bigla ko na lang malalaman na may lalaki nang tumama sa kan'ya.  Pakiramdam ko ininsulto ako, at binastos ang kapatid ko.

Tungkol din ito sa nararamdaman ko bilang kasintahan--dating kasintahan ni Tyrone. Masakit malaman ang lahat ng iyon. Kahit na alam kong sa akin may gusto si Tyrone, kahit manatili ako sa kan'ya, masakit pa rin, eh.

And now, gusto ko na lang makalimot. I don't want to feel anything.

"Good morning, ate!" Bati sa akin ni Viviene kinabukasan. Nakasuot na siya ng kan'yang pang-office attire at nag-lalagay na ng make-up para sa trabaho. Ngumiti ako ng tipid sa kan'ya. Kahit iwasan ko siya, kailangan ko pa ring gumising ng maaga para makapasok ako sa shift ko.

"Morning," hinila ko ang upuan at umupo doon. Bumuntong hininga ako. Alam kong darating din ang araw na kailangan ko siyang kausapin, kailangan kong aminin ang totoo.

Hinarap ko siya. "Pwede ba tayo mag-usap?"

Nilingon niya ako saka muling binalik ang tingin sa salamin "Sure, ate, tungkol saan? Mabilis lang ba? Ma-lelate na kasi ako."

Ngumuso ako. Siguro kapag nakauwi na lang siya.

"Sige, mamaya na lang." Kumuha ako ng pandesal mula sa hapag at kinain ito.

"Alam mo ba ate," sambit niya.

Nilingon ko siyang nilalagay sa bag ang lipstick na hawak niya. Humarap siya sa akin at umupo sa tabing upuan. Nilunok ko ang pandesal na kinakain ko. Hinawakan niya ang kamay ko nang mahigpit.

"Sabi nung friend ko kanina sa HR, pinahanap daw ni Sir Tyrone 'yung form ko. Oh my God!" She squealed at pinaypayan ang sariling mukha gamit ang kan'yang kamay. Halos mabulunan ako kaya't agad ko inabot ang tubig at uminom doon bago niya pa mahalata ang reaksyon ko. "I can feel it, ate. Malapit na. He likes me, too!"

Napangiti ako ng mapait sa sinabi ng kapatid. Pakiramdam ko nawalan ako ng gana kumain. Nanikip ang dibdib ko at namuo ang bara sa lalamunan ko. Lalong bumaluktot ang dila ko. Lalong nawalan ako ng gana na huwag na muna sabihin kay Viviene, lalo na't halata sa kan'yang itsura ang kan'yang pagkagusto kay Tyrone.

"Tinutukso na nga ako ng officemates namin," Ngumuso siya "Hindi naman daw kasi 'yun nagkainteres talaga sa kahit kanino. Ang mahal nga kahit ng smile niya, eh. Gan'on ba talaga siya kahit n'ong hayskul, ate? Kwentuhan mo naman ako kung paano siya noon."

Nag-iwas ako ng tingin at muling uminom ng tubig para maibsan kahit papaano ang nanunuyo kong lalamunan. Hindi ko yata kaya ang pinapagawa ng kapatid ko. "H-Hindi ba malelate ka na?"

"Ay shit!" Tinignan niya ang kan'yang relo "Oo nga pala. Sige, ate. Ay teka, humingi pala ako ng cake. Sa'yo daw 'yun sabi ni Ate Heidi. Uyy, si ate. May boyfriend." She giggled and leaned forward to kiss my cheeks. "Bye, ate!"

IntoxicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon