Chapter Forty-two

173K 3.6K 323
                                    

Nangyari ang sinasabi ni Viviene. Kinabukasan ay hindi ko na naabutan ang kapatid ko dahil pumasok na siya sa trabaho, pero may nakahain nang almusal sa mesa. Pagkatapos ko kumain ay dumiretso ako sa sala para manuod. Maya-maya pa ay may kumatok na sa pinto. Binuksan ko ito at bumungad sa akin ang isang babaeng malaki ang ngisi. May kasama siyang isang bakla at pareho silang may dalang parang kahon na metal.

"Ms. Yvette?" Ngiti sa akin nung babae.

Kumunot ang noo ko. "Ako nga."

"My name's Jocelle. Ito naman si Gian," turo niya sa kasama niyang bakla na mas mukha pa sa aking babae. Ngumiti ito sa akin at ngumiti rin ako pabalik "Your sister hired us for your makeover."

Nanlaki ang mga mata ko. Gusto kong tumanggi pero nahihiya ako dahil mukhang maayos na ang lahat, at mukhang nanggaling pa sila sa malayo. Bumuntong hininga ako at tuluyan na silang pinapasok.

Pumunta muna ako sa kusina para paghandaan sila ng juice. Kinuha ko ang cellphone mula sa bulsa ko at nakakita ako ng iilang mensahe doon. Hindi ko na muna iyon pinansin at agad kong tinext si Viviene.

Viviene, ano 'to? Bakit kailangan ng makeover?

Binuksan ko ang mga mensahe para sa akin.

From: Viviene

Ate, good morning! Umalis na ako pero may pagkain ka na d'yan. Nga pala, ngayon dadating d'yan yung friend kong si Jocelle. I-aassist ka nila. Tapos ngayon na rin 'yung blind date mo!! Mamaya after lunch. I'll text you the details. Hihi.

Napasapo ako sa noo ko. Did I sign up for this?

Binuksan ko ang iba pang mensahe.

From: Tyrone

Good morning, Yvette. Punta lang akong office and I'm all yours after lunch. Where d'you wanna go? Movie date?

Patay.

Huminga ako ng malalim at nag-isip. Sigurado akong hindi ako makakatanggi kay Viviene. She always insist these past days. Alam kong gusto lang naman niyang makabawi sa akin and these are her ways, kaya't ayoko namang sumama ang loob niya. It's just a friendly date, right? Nag-reply ako kay Tyrone.

May pupuntahan ako after lunch.

Nagtimpla ako ng juice at bago bumalik sa sala ay muli kong tinignan ang text niya.

From: Tyrone

Saan? I'll come with you.

I cursed mentally. Should I tell him the truth? Na makikipag-'blind date' ako? Geez, I know him. Hindi niya maiintindihan. He's too possessive. Ibinulsa ko na ang phone ko at piniling 'wag na mag-reply. Lumabas ako dala dala ang baso ng juice at nakita ko silang prenteng nakaupo sa sopa, ayos na ayos na ang mga nakapatong sa mesa na make-up at kung anu-ano.

Dahan dahan kong inabot sa kanila ang juice na itinimpla ko. Ininom nila iyon at ibinaba sa mesa.

"Okay lang ba kung maligo muna ako? Kakagising ko lang din kasi." Nilingon ko ang orasan at nakitang 10AM na pala. Mukhang masyado akong napuyat kagabi.

"Sure. Take your time."

Mabilis akong naligo. Labag man sa loob ko ay pumayag pa rin ako magpaayos sa kanila sa huli. Nang muli akong lumabas sa sala ay naabutan ko silang nagkekwentuhan. Pareho nila akong tinapunan ng tingin at agad pinaupo sa isang silya. Sinimulan nila ang aking 'make-over'. Iyong si Jocelle ay nagsimula sa pagboblower ng buhok ko, habang si Gian ay may ginagawa sa kan'yang foundation at mga brush.

Bumuntong hininga ako at hinayaan na lang sila sa kanilang mga ginagawa. Halos mangalay na ako sa upuan nang sa wakas ay pinamulat na ako ng mata ni Jocelle.

IntoxicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon