Chapter Twenty-seven

173K 3.1K 358
                                    

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Narinig ko ba ng tama? Sa bahay daw nila?

"Anong gagawin natin d'on?" Halos nag-hyhysterical na ako. Bakit niya ako dadalhin doon? Kailanman hindi pa ako nakakapunta sa bahay ng lalaki na kaming dalawa lang. Lalo na sa bahay ng tulad niyang mayaman!

"Ipapakilala kita sa parents ko." Simple niyang sagot na para bang sumagot lang siya ng simpleng math problem. Lumakas ang tibok ng puso ko sa narinig. The Feledrico Senior, one of the owners of Feledrico Group of Companies. Hindi ko alam kung kaya ko silang harapin. Malalaki silang tao at hindi pa ako nakakakilala ng mga katulad nila. Kaya hindi ko alam kung paano nga ba ako aasta, paano gagalaw kapag nasa harap na nila.

Bago pa man ako nakapagprotesta ay nakita ko na ang isang malaking gate na kulay itim. Dahan-dahan itong nagbukas at agad kong nasilayan ang isang napakalaking bahay. Modern ang pagkakadisenyo na pinaghalong kulay ng cream, black, at red. Napakaeleganteng tignan. Halos palibutan na ito ng malalaking glass windows at napakaraming ilaw ang nagbibigay liwanag dito lalo na't malapit na mag-gabi.

Lalo akong kinabahan habang nagdadrive si Tyrone papasok ng lote ng bahay nila. Mukha na itong mansyon sa laki. Nanikip ang dibdib ko at napagtantong halos hindi na ako humihinga. Ipinark ni Tyrone ang sasakyan sa kanilang garden at muli akong tinignan, pero nanatili ang tingin ko sa napakalaking mansyon nila.

"Girlfriend..."

Hindi ko siya nilingon. Kinakabahan ako. Ang daming pumapasok sa utak ko. Anong sasabihin ng mga magulang niya kapag nalaman nilang ako ang girlfriend ng kanilang anak? Ano na lang ang magiging reaksyon nila? Mandidiri?

"Uy," Hinaplos ni Tyrone ang braso ko at doon lang ako napalingon sa kan'ya. Napahalakhak siya ng mahina nang magtama ang aming mga mata "You nervous?"

Mabilis akong tumango. I'm not just nervous, I'm super nervous!

"Cute," Humalakhak siya muli at kinulong ang magkabilang pisngi ko sa palad niya. Natigilan ako nang unti-unti siyang lumapit sa akin. Muli kong pinigilan ang paghinga. Gusto kong pumikit but I don't wanna miss the chance na masilayan ang kan'yang magandang mukha. This beautiful creature. Sobrang namiss ko siya.

Dahan dahan siyang pumikit. Nang nagtama ang aming mga labi, pakiramdam ko tumigil ang oras, tumigil ang mundo. Tumigil lahat ng nangyayari at lahat ng focus at atensyon ko ay napunta sa aming mga labi. Magkadikit, nakalapat sa isa't isa. Rinig na rinig ko ang lakas ng tibok ng puso niya, na sumasabay sa bilis ng tibok ng puso ko.

Hindi gumagalaw ang labi niya, hindi rin gumagalaw ang labi ko. We just stayed there, nagpapakiramdaman sa puso naming dalawa, sa kuryenteng bumabalot sa mga labi namin. Tulad ng inaasahan ay nag-shut down ang utak ko, nag-shut down lahat ng organs sa katawan ko. Tanging ang labi ko lang ang may pakiramdam at ang pisngi kong hinahawakan niya. Para bang sa kan'ya ako kumukuha ng lakas, para bang siya ang may dahilan kung bakit nakakaramdam ang labi at pisngi ko.

Kumalas siya sa halik at muli ay tumingin sa akin. Hinaplos niya ang pisngi kong siguro ay kamatis na sa pula. Ngumiti siya at hinalikan ang noo ko.

"Don't worry. I'm with you, alright?" Kumindat siya at bumaba sa sasakyan. Nagwawala pa rin ang puso ko. Ganito ba talaga siya katagal nawala at mukhang exaggerated na makapag-react 'tong puso ko? Napailing ako at pinilit na ibalik ang kaluluwa kong mukhang gumagala na sa universe. Binuksan niya ang pinto ng passenger's seat at inilahad niya ang kan'yang palad sa akin. Mabilis ko iyon kinuha at lumabas ng sasakyan.

May lalaking tumakbo papunta sa amin. Nakasuot ito ng slacks at dark blue na polo, mukhang uniform. Inabot ni Tyrone ang susi ng sasakyan dito.

"Good afternoon po," Bati niya sa aming dalawa. Ngumiti ako ng tipid hanggang sa naramdaman ko ang pag-akbay sa akin ni Tyrone. Inilapit niya pa lalo ang katawan ko sa kan'ya at muli ay nagwala ang puso ko.

IntoxicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon