Chapter Fifty-nine

176K 3.6K 384
                                    

"If she's okay, then why the hell is she still asleep?!"

 

"Wake up... Wake up now. Please."

 

***

Binuksan ko ang mga mata ko, pero agad ko rin itong sinara dahil nasilaw ako sa ilaw na nanggagaling sa kung saan. Pinakiramdaman ko ang katawan ko at muling sinubukang buksan ang mga mata ko. Tumambad sa akin ang puting ceiling, puting pader at puting mga kurtina.

Tubig. Kailangan ko ng tubig. Nanunuyo ang lalamunan ko at hindi ko magawang magsalita.

"Make sure that asshole ends up in jail."

 

Nang makita ko ang isang lalaking nakatalikod at may kausap sa telepono ay agad bumalik sa akin ang mga nangyari—si Edgar, si Tyrone, ang police car... Ang baby ko.

Ang baby ko.

Napabalikwas ako ng upo pero agad nandilim ang paningin ko kaya't bumalik ako sa pagkakahiga hanggang sa makuha ko na muli ang paningin ko. I groaned as I felt the pain on my head. Parang pinupukpok ito ng kutsilyo. Mabilis na lumingon sa akin si Tyrone at binaba ang telepono niya. Dinaluhan niya ako at agad inabutan ng tubig.

Nanghihina man ay uminom ako mula sa baso.

"Thank God you're awake. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyaring masama sa'yo." Umupo siya sa kama at mabilis na sinuri ang mukha ko. Napapikit ako nang maramdaman ang mainit na luha sa pisngi ko. Hinaplos ko ang tyan ko at pinakiramdaman ito.

"A-Ang baby ko?" Halos pabulong kong sambit, natatakot sa kung ano'ng reaksyon ang makukuha ko. Wala na akong pakialam kung malaman niya o kung masira ang relasyon nila ni Xena. All I want is to know that my baby is safe.

Hindi ako namulat ng mata. Natatakot ako sa sagot niya, at lalo lang akong kinabahan nang marinig ang malalim niyang buntong hininga.

"Why didn't you tell me?" Mahinahon niyang sambit.

Tuloy-tuloy na ang pagbagsak ng luha ko at hindi ko na naiwasan ang pagbukas ng mga mata ko. I looked at him and tried to be calm pero hindi ko kaya.

"Asan ang baby ko?" Hysterical kong tanong. Sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko, pakiramdam ko anytime ay pwede na lang itong tumigil bigla. "Tyrone," humagulhol ako at halos magmakaawa na "Ang baby ko..."

Hinawakan niya ang kamay ko at nang mag-angat ako ng tingin sa kan'ya ay nakita ko ang malambot at pamilyar niyang ekspresyon "Our baby's fine. Our baby's fine now."

Nanlaki ang mga mata ko at nakahinga ng maluwag. Napahiga ako ng maayos at napapikit. He's okay. My child's okay. Napangiti ako at hinaplos ang tyan ko. I whispered a prayer thanking Him for not letting my greatest fear happen.

Namulat ako ng mata nang maramdaman ko ang kamay ni Tyrone na nakapatong sa kamay kong hinahaplos ang tyan ko. Muli akong naibalik sa katotohanan na siya pa rin ang ama ng anak ko. I looked at him, who's also looking at my tummy. He's looking at it with awe, and that's the first time I saw how his eyes lit with excitement.

"And'yan ba siya? And'yan siya sa loob?" Tanong niyang nakapagpangiti sa akin.

"Wala. Nasa pwet ko si baby," napahalakhak ako pero nilingon lang niya ako ng masama at nakakunot ang noo. Lalong lumaki ang ngisi ko "Malamang nand'yan."

Nawala ang pagkakakunot ng noo niya. His eyes softened and his smile grew bigger "Oh, God." Maluha-luha niyang sambit. He looked at me, his smile reaching his eyes. It was contagious, his happiness was palpable, I can feel it inside me as well. He is happy and that makes me happy.

IntoxicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon