Chapter Twenty-two

168K 3.5K 312
                                    

From: Tyrone (boyfriend)

What's your plan today, girlfriend?

Kinagat ko ang labi ko at itinago ang cellphone ko nang lumabas si Viviene mula sa banyo. Kakaligo niya lang at excited na excited nang pumunta sa family day. Kahit naman ako, naeexcite dahil makakasama namin si mama.

"Halika rito." Pinaupo ko siya sa kama at sinuklayan ang buhok niyang humahaba na pala.

"Gising na po ba si mama?" Tanong niya habang sinusuot ang medyas.

"Hindi pa yata." Sinalapid ko ang buhok niya tulad ng braid na ginagawa ni Princess. Namiss ko naman bigla ang babaeng 'yun. Ang tagal na rin naming hindi nag-uusap.

"Teka, gisingin ko lang." Tumayo ako mula sa kama at nagsimulang maglakad palabas ng kwarto. Nang maisara ko ang pinto ay mabilis akong nag-type ng reply kay Tyrone.

May family day yung kapatid ko. Whole day yata yun. Ikaw?

Muli kong tinago ang phone ko. Naglakad na ako papunta sa kwarto ni mama at kumatok ng tatlong beses bago binuksan ito. Naabutan ko si mama na nakahiga sa kama pero gising na.

"Ma?"

Liningon niya ako at ngumiti. "Anak, masama ang pakiramdam ko."

Agad ko siyang dinaluhan. "Ano pong masakit sa inyo?"

"Trangkaso lang 'to. Hindi yata ako makakapunta sa family day ni Viviene. Kayo na lang." Bumuntong hininga siya "Kanina ko pa kasi pinipilit na tumayo."

Nalungkot ako bigla. Masayang masaya si Viviene kanina lalo na't makakasama si mama, pero ngayon, mukhang malabo na itong mangyari. Naiisip ko pa lang ang disappointed na mukha ng kapatid ko, nalulungkot na ako.

"Kuhanan po kita ng gamot." Dumiretso ako sa kusina at mabilis kumuha ng gamot para sa trangkaso at pati na rin tubig. Nang bumalik ako ay pinainom ko si mama na siyang nagpahinga din naman pagkatapos.

Sinara ko ang pinto ng kwarto niya sabay muling buntong hininga. Paano ko naman kaya ito ipapaliwanag sa umaasang kapatid ko? Bago ako naglakad pabalik sa kwarto ni Viviene ay nilabas ko ang cellphone ko para humugot ng lakas ng loob. And my only source of strength right now is my boyfriend.

From: Tyrone (boyfriend)

Ilan kayong magkakapatid? Saan siya nag-aaral? Wala. Tutunganga lang dito sa kwarto maghapon. Lulunurin ang sarili sa pagkamiss sa girlfriend ko. Mag-iimagine.

Automatic na napangisi ako at nagtype ng reply. Sinabi ko sa kan'yang tatlo kaming magkakapatid, at sinabi ko rin kung saan siya nag-aaral. Ilang segundong hindi siya nagreply ay nagtext muli ako.

Ano naman ang iimagine mo?


Wala pang isang minuto ay may reply na siya.

Your presence. Your voice. Your eyes. Your smell. Your lips. You.

Uminit ang pisngi ko at kinagat ang labi ko para pigilan ang muling pag-ngisi. Magrereply na sana ako pero narinig ko ang boses ni Viviene.

"Ate? Asan na po si mama?" Excited na tanong ni Viviene. Naka-jeans at naka-pulang t-shirt na siya at naghihintay na lang sa amin. Tinago ko ang cellphone ko at muling nalungkot para sa kapatid ko. Lumapit ako sa kan'ya at lumuhod para mapantayan ang tangkad niya.

"Viviene, may lagnat kasi si mama..." Sa simpleng sambit ko nito ay mabilis nabura ang ngiti sa labi niya. Napalitan ng lungkot ang masaya at excited niyang mukha. Her eyes almost watered dahil doon. Ngumuso siya at tinitigan ang pinto ng kwarto ni mama. Binuksan niya ang kan'yang mga labi para magsalita pero sinara na lang niya ito at nagbuntong hininga. Yumuko siya at... "Okay po."

IntoxicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon