Chapter Thirty-two

138K 3.3K 501
                                    

Tyrone Kean Feledrico is single

Maraming comments, maraming likes, maraming natuwa, maraming nalungkot, maraming nanghinayang. Pero ako? Pakiramdam ko namamanhid ang kamay ko habang hawak hawak ang cellphone ko. Nagpalit na rin siya ng Profile Picture. Mag-isa lang siya dito at mukhang stolen shot.

Lumunok ako ng maraming beses. Gusto kong sampalin ang sarili ko ng maraming beses para magising sa kung ano mang masamang panaginip na ito. Kakayanin ko lahat ng sakit dahil sa mga problema ko sa pamilya pero mukhang hindi ko 'to kakayanin pa.

Masakit.

Hindi siya nagparamdam sa akin. Panay lang ang send ko sa kan'ya ng messages, pero kahit Seen ay wala akong natanggap.

Tyrone, asan ka? Bakit single ka na dito sa Facebook?

Tyrone? May problema ba tayo?

Anong nangyari?

I'm sorry. May nagawa ba ako? I'm sorry. Please. Kausapin mo ako.

At nang isesend ko na ang huling message ko, bigla na lang lumabas ang check icon. Seen 10:31 pm

Napaupo ako sa kama ko. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Alam kong may explanation siya para dito, pero natatakot pa rin ako sa maririnig ko mula sa kan'ya. Natatakot akong sabihin niyang napagod na siya sa akin. Natatakot ako.

Tyrone Kean is typing...

Hindi ko na napigilan ang luha ko. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko.

Seen 10:31 pm

Napapikit ako ng mariin. Tumigil siya sa pagta-type. Hinawakan ko ang dibdib ko. Ang bigat bigat ng nararamdaman ko. Hindi ko na maipaliwanag. Naghalo-halo na lahat. Lahat ng nangyari sa mga nagdaang araw. Pero higit sa lahat, mabigat ang nararamdaman ko dahil hindi ko narinig ang boses ni Tyrone na tinatawag ako bilang girlfriend.

Nang binuksan ko ang mga mata ko ay mabilis akong nag-type ng irereply.

Tyrone. Kausapin mo 'ko, anong problema? Bakit hindi ka nagrereply? Please. 'Wag ka nang dumagdag pa, ang hirap hirap na kasi.

Nang pinindot ko ang send ay nanlaki ang mga mata ko sa sunod na nabasa.

You cannot reply to this conversation


Nataranta ako. Halos nabitawan ko ang phone ko. Nang pinindot ko ang icon ng kan'yang profile ay hindi lumalabas ang account niya. Hindi ko alam ang dapat maramdaman. Nanlalamig ang mga kamay ko. Hindi pwedeng binlock niya ako. Hindi pwede.

"Yvette, may customer!" Sigaw ng manager.

Napatalon ako sa gulat at agad kinuha ang order ng babaeng nasa harap ko. Simula nang i-block ako ni Tyrone sa Facebook at  hindi ko siya ma-contact ay lagi na akong tulala. Ni hindi ko siya matawagan dahil wala naman akong pang-load, at hanggang ngayon ay hindi pa siya pumapasok sa klase. Nakakapanlumo ang mga pangyayari.

Nang pumasok ako sa school ay gan'on pa rin ang tinginan nila sa akin. May halong galit at awa. Pero hindi ko na sila pinapakialaman. Masyado akong maraming iniisip para bigyan pa sila ng katiting na atensyon.

"Si Tyrone?"

Natigilan ako sa paglalakad nang marinig ang pangalan niyang binanggit sa kung saan. Para akong pusang nakaamoy ng isda, mabilis akong lumingon sa grupo ng babaeng nag-uusapsa di-kalayuan. Lahat ng atensyon ko ay napunta sa kanila.

"Yup. Si Tyrone Feledrico. She's dating Xena. Nakita mo sa twitter? Ang daming posts ni Xena."

Pakiramdam ko nanagutan ako ng hininga sa narinig. Xena. . . Sino si Xena?

IntoxicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon