Chapter Forty-three

210K 3.8K 349
                                    

"I hope that's your last date. Baka makapatay na ako sa susunod." Bumuntong hininga si Tyrone habang pinapaandar ang makina ng kan'yang sasakyan.

Hindi ako sumagot.

"So tayo na lang ang magdate?" Nakangisi akong hinarap ni Tyrone at muling binalik ang tingin sa daan. Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan kami pupunta ngayon.

"As if may choice naman ako." Humalakhak ako para lalo siyang maasar pero mukhang hindi natatanggal ang ngisi sa labi niya. He looks so happy at sa ngiti niya pa lang ay gumagaan na ang pakiramdam ko. Ang sarap sa pakiramdam ng ganito, walang iniisip na problema. Tanging kaming dalawa lang.

"So what you wanna do?" Patuloy lang siya sa pagdrive "Wanna go for a movie or—"

"Nagugutom ako." Sagot ko sa kan'ya. If he wanted to really make this work, might as well lubus-lubusin ko na.

He looked at me and I saw how his eyes lit up na para bang may bigla siyang naisip. Lumaki ang ngisi niya sabay kinagat ang labi at binalik ang tingin sa daan. Isang kamay lang ang gamit niya sa pag-dadrive samantalang ang kabilang siko ay nakasandal sa pinto ng kan'yang Genesis. Ang kan'ya namang hinlalaki ay pinaglalaruan ang ibabang parte ng kan'yang labi.

"Ano?" I furrowed my brows. Hindi ko maintindihan ang inaasal niya. "Saan ba kasi tayo pupunta?"

"Sa condo. I wanna cook for you."

Saglit akong nag-isip. Pero di kalaunan ay pinagbigyan ko na rin siya. Kung gusto niyang manligaw, I wanna know what he got. Gusto kong malaman kung ano pa ang mga magagawa niya at kung hanggang saan lang siya.

"Talaga? Marunong kang magluto?" Gulat kong tanong. Hindi naman sa hindi ako naniniwala, pero nakakagulat lang isipin na ang isang tulad niya ay marunong palang magluto.  I mean, rich boys usually don't know how to do anything about household chores.

"Loud and proud, baby." Humalakhak siya at muli akong hinarap para kumindat.

Uminit ang pisngi ko at nag-iwas na lang ako ng tingin. Pinakiramdaman ko ang ko ang puso kong nagwawala. Minsan hindi ko na rin alam kung tama pa ba itong nararamdaman ko. It feels so intense na pakiramdam ko may mali na. I hate myself for this, and I hate that he let that happen, dahil sa bawat pag-ilag ko ay siyang paghihila niya sa akin para lalo akong mahulog.

Pinagmasdan ko ang loob ng kan'yang sasakyan. Very manly and sophisticated. His car himself symbolizes his personality. Complicated yet interesting. Lahat ay nasa tamang ayos, proper order, proper functions. Parang siya lang—bawat galaw niya ay kalkulado, na para bang isang malaking bawal ang magkamali para sa kan'ya.

Itinigil niya ang sasakyan sa carpark ng building ng condo unit niya. He unbuckled his seatbelt at dali-daling lumabas ng sasakyan. Umikot siya para pagbuksan ako pero hindi ko na ito hinayaan. Bago pa siya tuluyang makapunta sa gawi ko ay binuksan ko na ang sasakyan niya at tuluyan nang lumabas. Kinunot niya ang noo niya sa akin pero nginisian ko lang siya.

Tulad ng sinabi ko, ayokong masanay sa kan'ya. Ayokong idepende ang mga bagay sa kan'ya gayung alam kong kaya ko naman iyon gawin kahit wala siya. Mahirap kapag nasasanay, dahil kapag nawala, hahanap-hanapin na ito ng sistema mo. So if possible, I don't wanna get used to this.

Bumuntong hininga na lang siya at sinundan ako sa paglalakad papunta sa loob ng building. Binati siya ng guard pero ni hindi niya ito tinanguan. Snob. Still snob. His attention is worth gold. I smiled inwardly at the thought.

Tahimik lang kami sa loob ng elevator, pero hindi ito iyong komportableng katahimikan. This is the awkward silence, dahil rinig na rinig ko sa dibdib ko ang tibok ng puso ko. Natatakot akong marinig din niya ito. Natatakot akong baka malaman niya ang nararamdaman ko.

IntoxicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon