Chapter Thirty-four

146K 3.3K 355
                                    

Mabagal ang pagdaan ng panahon. Kung noon ay hindi ko maramdaman ang pagdaan ng bawat buwan, ngayon ay parang parusa ang bawat araw. It became hell for me. Lalo akong nasasaktan bawat pagpatak ng oras. Gustong gusto kong sabihin sa kan'ya na bumalik na siya sa akin, pero tuwing maglalakas loob ako para kausapin siya, muling nagpeplay sa utak ko ang pagtakwil niya sa akin n'ong gabing iyon.

Pinagmasdan ko ang likod ni Tyrone habang naglalakad siya palabas sa room namin isang hapon nang tumunog ang bell para sa dismissal. Ang kan'yang bag ay nakasabit sa isang balikat, may earphones sa tenga. Inaamin kong hanggang ngayon, umaasa pa rin akong lilingon siya sa akin, babalikan ako, at sasabihing ihahatid niya ako pauwi. Araw-araw ko iyon naging routine, araw-araw umaasa, at araw-araw din nasasaktan.

"Look who's alone," Umalingawngaw ang boses ng isang babae nang makalabas ako sa classroom. Hindi ako nagpatinag, dire-diretso lang ako sa paglalakad. Nararamdaman ko ang yabag ng mga paa na sumusunod sa akin pero hindi ko na iyon pinansin pa. I'm too weak for more emotions.

Napapikit na lang ako ng mariin nang makaramdam ng sakit sa anit ko dahil sa pagsabunot ng kung sino. Nahulog ko ang mga gamit ko at nakarinig ako ng ilang halakhak ng mga babae. Pilit kong tinatanggal ang mga paghablot nila sa buhok ko, tumutulo na rin ang luha sa pisngi ko. Halo-halo na. Gutom, puyat, panghihina, galit, sakit. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong maramdaman.

Bumagsak na lang ako sa sahig nang magsawa sila. Nag-angat ako ng tingin at nakita sina Kelly, Blair at iba pang babae mula sa lower sections na nakangisi sa akin, na para bang isa akong baboy sa palengke. Lahat sila ay may pulang lipstick at maiiksing uniporme. Nagulat ako nang makita si Desiree sa likod nila. Plastik na ngiti ang ipinapakita niya, na para bang may parte sa kan'yang tumututol sa nangyayari.

"A-Ano bang kasalanan ko sa in'yo?" Humikbi ako at nilingon si Desiree na agad napawi ang ngiti "Desiree, 'di ba ikaw pa ang nagtulak sa akin kay Tyrone? Ikaw ang nagpumilit sa akin na sumali sa Ms. Intrams, bakit ngayon ganito?"

"Ang tanga mo pala talaga," Humalakhak si Kelly "I wonder kung paano ka nakapasok sa first section. Binenta mo ba sarili mo sa principal?"

"Who's gonna save you now, bitch?" Sabi ni Blair sa maliit na boses "Wala na si Tyrone. Nagsawa na sa'yo."

Tinakpan ko ang mukha gamit ang mga palad. Kaya kong tiisin ang mga ginawa nila, pero ang ipamukha nila sa aking ayaw na ni Tyrone ay hindi ko kaya.

Tama sila. No one's gonna save me. Wala na akong tatawaging pangalan. Muling nagflash sa utak ko ang halakhak ni Tyrone, ang kan'yang ngiti na ako lang ang nakakakita. Totoo kaya lahat ng iyon? Lahat ng pinakita niya sa akin?

I feel so weak. Parang kaunting tulak lang sa akin ay matutumba na ako. Kaunting salita lang, mapapapaniwala na ako.

"Kelly, stop." Isang malalim na boses ang nakapagpatigil sa halakhakan nila. Dahan dahan akong nag-angat ng tingin at nakita ang nakalaglag nilang panga habang may tinititigan sa bandang likuran ko.

I turned to my back at napahikbi muli ako nang makita si Spencer, looking directly at me. Pinunasan ko ang luha kong hindi na tumitigil sa pagtulo.

"Spencer!" Nanginig ang boses ni Kelly, ibang iba sa kanina "We were just... Just... Uhm"

Nilingon siya ni Spencer at nag-igting ang kan'yang panga. Hindi ko alam kung bakit narito siya ngayon, the last time I checked, we were not on good terms. Ibang iba ang ekspresyon ng mukha niya. Matigas at seryoso. I've never seen him this way, at dito ay muli kong nakikita ang pagkakapareho nila ni Tyrone.

"Leave."

"P-Pero, Spence..." Ani Blair

Kumunot ang noo ni Spencer "I said, leave. Her. Alone."

IntoxicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon