Chapter Twelve

178K 3.1K 39
                                    

Chapter Twelve

I've been looking at him for what feels like forever. It's like my eyes have their own law-maker and I just can't take it off him.

I cleared my throat after getting back to my senses. "I, uh... I need to go home," itinago ko ang crumpled paper sa bulsa ko nang palihim. He looked at me with disapproval at nawala na ang hint ng kan'yang pagpipigil ng ngisi.

"Ngayon na?"

Tumayo ako and made my way towards where our bags are. Kinuha ko ang akin at inilgay ang notebook at iyong crumpled paper dito. "Yes." Dumidilim na at hindi matutuwa si mama kapag late na ako makakauwi. To be honest, ayoko pa talaga umuwi. I'm really enjoying his company and I like how happy he makes me feel. Kaya lang, may mga responsibilidad akong kailangang harapin.

"Hatid na kita," he offered at kinuha na rin ang sariling bag. Ipinapasok niya ang kan'yang notebooks sa bag pero sa akin siya nakatingin. I immediately shook my head.

"Hindi na." I said, almost embarrassed. Ayokong magpahatid sa kan'ya dahil una sa lahat ay nakakahiya ang bahay namin. Sigurado akong compared sa kanila ay magmumukhang bahay lang ng mga baboy ang bahay namin.

Second is because I don't want him to have a glimpse of my life. Tama na yung kinakaawaan ko na ang sarili ko, i don't need his sympathy. Baka mag-iba pa ang tingin niya sa akin once he finds out how shitty my life is.

"No. I'll drive you home." He said with finality at isinabit muli ang kan'yang bag sa right shoulder niya.

Lalo lang ako nagpursige na 'wag magpahatid sa kan'ya. He has a car, at sigurado akong environment pa lang ng lugar namin ay hindi na babagay ang kan'yang kotse. I've seen his car before, it's a white Hyundai Elantra, at ang alam ko ay mahal na mahal niya ang sasakyan niya na hindi siya nagpapasakay dito dahil sa takot na baka madumihan ito.

"Hindi na." Nagsimula akong maglakad palabas ng locker room. In-off naman niya ang ilaw kaya't nauuna ako sa paglalakad pero humabol din siya sa akin. Hinawi niya ang strap ng shoulder bag ko sa balikat ko para abutin iyon pero mabilis ko siyang napigilan.

"Akin na bag mo," Ngiti niya sa akin na para bang gustong gusto niya ang ideya ng bag ko sa balikat niya.

"Bakla ka ba?" It went out unexpected. Shit, nawala ang filter ng bunganga ko! Natigilan ako at tinitigan ko siya, nawala na ang ngisi sa labi niya. Tumigil din siya sa paglalakad.

Shit! Shit! Shit!

Kumunot ang noo niya at ngayon, kahit napakagwapo niya kapag nakakunot ang noo, ay hindi ito maganda. "Sa gwapo kong 'to." Bulong niya pero narinig ko pa rin. Sa totoo lang, never ko pa siya narinig magsabi ng mga ganyan, yung pinupuri ang sarili. Palaging kay Spencer ko naririnig ang mga iyan kaya't hindi bagay sa seryosong mukha ni Tyrone ang sinabi niya.

Natawa ako. Hindi lang tawa, humalakhak ako. That was a first! He's never arrogant at ang awkward lang ng pagbanggit niya, para bang hindi siya sanay sa sinabi niya. And it's been a long time since tumawa ako ng ganito, yung walang naiisip na problema. Talagang masaya lang ako. When was the last time I laughed so hard? I couldn't even remember being this happy.

"What?!" Pagalit ang tono niya pero unti-unting bumubuo ang ngiti sa labi niya. Hindi ko mapigilan ang tawa ko.

"What's funny, Yvette?" Tanong niya muli kaya't kinagat ko na ang labi ko para pigilan ang paghalakhak. "Hindi ba ako gwapo?" Ngumuso siya and he looks like a puppy! Sarap niyang kurutin!

"Hindi," humalakhak ako lalo at nagsimula muling maglakad. Sumunod naman siya. Heck, that's the most epic lie of all times! Obvious na obvious yung sagot pero dahil gusto ko nga siyang tuksuhin ay nagsinungaling pa ako.

IntoxicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon