Chapter Forty-eight

154K 3.1K 310
                                    

Nakatulala lang ako sa kawalan. Hindi ko alam kung saan huhugot ng lakas ng loob matapos ng lahat ng nangyayaring 'to. Hindi ko magawang harapin sina Viviene at Ate Heidi pagkatapos ng araw na iyon. Natatakot akong baka alam nila ang nangyayari. Natatakot akong sabihin nilang nagpakatanga ako para sa isang lalaking tulad niya.

Hindi ko na rin maintindihan ang dapat kong maramdaman. Nangingibabaw ang galit sa sistema ko, at alam kong ang pagmumukmok sa kwartong ito ay hindi makatutulong. Kaya naman kinabukasan ay maaga akong umalis sa bahay para maghanap ng pwedeng mapag-trabahuhan. Kahit ano na lang, tatanggapin ko. Kailangan kong magpaka-busy sa bawat araw.

From: Tyrone Feledrico

I'm gonna tell Viviene about us. I'm not asking for your permission, I'm informing you.

Napapikit ako sa inis. Kung may dapat magsabi n'on ay ako 'yon. Ako ang dapat kumausap sa kapatid ko, at hindi siya. Mabilis akong nag-type ng reply.

'Wag mo 'yan gagawin.

Mahigpit kong hinawakan ang cellphone ko at naghintay ng kan'yang irereply. Kagabi pa siya text ng text sa akin pero lahat ng iyon ay binubura ko lang. Ngayon lang ako nagreply dahil involved na ang kapatid ko.

From: Tyrone Feledrico

Then answer my damn calls.

Agad kong dineactivate ang call divert function ng phone ko at hinintay ang tawag niya. Hindi ako papayag na manggaling sa kan'ya ang mga iyon. Masasaktan si Viviene. I'm not gonna let that happen.

Sinagot ko ang tawag niya sa pangatlong ring at inilapat ang phone ko sa tenga ko. Hindi ako nagsalita, wala ring nagsasalita sa kabilang linya, ngunit rinig na rinig ko ang kan'yang mabigat na hininga.

"Girlfriend..." Namamalat ang kan'yang boses.

Pero hindi pa rin ako nagsalita.

"Bakit ayaw mo sabihin sa kan'ya?"

Pumikit ako at pinunasan ang tumulong luha sa mata ko.

"Please, Tyrone. 'Wag mong sirain ang relasyon namin ng kapatid ko."

"Kaya 'yung relasyon natin ang kailangang masira?" Suminghap siya. "Damn it."

"N-Nakikiusap ako. Ako ang magsasabi. Pero hindi pa ngayon. 'Wag mong sirain ang mayroon kami." Agad kong binaba ang tawag at pinatay ang cellphone ko. Niyakap ko ang sarili ko. This is too much, too much to bear.

---

Dala-dala ko ang resume ko nang pumasok ako sa isang cake shop di kalayuan sa bahay namin. Binasa ko ang nakasulat sa bond paper na naka-display sa pinto ng shop.

Now Hiring!

Cashier/all-around helper

Male/female

At least high school graduate

Computer literate

With pleasing personality

At least 5'3 in height

Please bring your updated resume.

Kinagat ko ang labi ko at inayos ang magulo kong buhok bago tinulak ang pinto. Mabango ang loob ng shop. Amoy kape at nang makita ko ang mga naka-display na pastries ay agad ako nakaramdam ng gutom. Sinalubong ako ng isang lalaking naka-cap at kulay pink na uniporme. Nasa likod siya ng counter at mukhang siya lang ang mag-isang nagtatrabaho dahil wala nang iba pang naka-uniporme dito.

IntoxicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon