Chapter Thirty-eight

158K 3.4K 301
                                    

"Jusmio, Yvette!" Bungad sa akin ni Iris nang pagbuksan niya ako ng pinto ng apartment niya. Gulong gulo pa ang buhok niya at ang mata ay halatang galing sa tulog. Pinagmasdan niya ako ulo hanggang paa saka lang ako naisipang papasukin sa apartment niya.

Umupo ako agad sa sofa dahil hanggang ngayon ay mahapdi pa rin ang gitna ng hita ko. She eyed me suspiciously. "Anyare, teh?" Nakapamewang pa siya.

I shrugged kahit na umiinit muli ang pisngi ko dahil sa lahat ng nangyari kagabi. Umiwas ako ng tingin dahil natatakot akong malaman niyang may tinatago ako.

"Nakipag-sex ka kagabi, ano? Binigay mo na, ano?" Medyo malakas niyang sambit.

Napangiwi ako at muli siyang tinapunan ng tingin. Kunot na kunot ang kan'yang noo and I know she's disappointed, pero tinikom ko muli ang bibig ko.

"My goodness!" Aniya at napasapo sa noo "Okay, alam ko, gwapo siya, hot, suplado, mayaman. Pero virgin ka pa! Ni hindi ka niya kilala. Bakit mo binigay naman agad sa kan'ya? Ang virginity nating mga babae, binibigay lang sa taong mahal natin." Bumuntong hininga siya at umupo sa tabi ko. "At ano 'yang suot mo? Hinatid ka man lang ba niya? Hindi ka man lang binihisan ng maayos! Anong klaseng lalaki ba 'yan!"

Pero hindi pumasok sa utak ko lahat ng sinabi niya. Lumabas lang agad ito sa kabila kong tenga. "May pagkain ka ba? Nagugutom na 'ko."

Muli siyang bumuntong hininga at padabog na tumayo. "Malamang gutom at pagod ka! Dyoskupo. Sana alam mo 'yang ginawa mo." at dumiretso sa kusina. Sinundan ko siya at nakitang naghahanda ng dalawang itlog sa mesa. Uminit ang pisngi ko. Kinagat ko ang labi ko. Ano ba 'yan, kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko.

Umupo ako at pinagmasdan si Iris na nagpiprito. Pamaya-maya ay sinesermonan at kinokonsensya niya ako pero wala talaga akong naramdaman na kahit anong guilt at panghihinayang. Sa totoo lang, masaya akong sa kan'ya ko binigay ang virginity ko.

"Juskong Yvette 'to, kapag nalaman 'yan nung bakla nating handler," inilapag niya sa harap ko ang niluto niyang itlog saka bumalik sa kusina para magsandok ng kanin "malamang hindi ka na makakaulit."

Umupo siya sa harap ko at muli akong minata "Huy! Nakikinig ka ba? Bakit mukhang ang saya saya mo naman?"

"H-ha? Wala 'no. Hindi na ako babalik para magtrabaho bilang dancer." Nagsandok ako ng kanin at nilagay iyon sa plato ko.

"Bakit?"

"Meron na 'kong pangtustos ng graduation ni Viviene." Ngumiti ako at kumuha ng itlog.

"ANO?!" Hysterical na sabi ni Iris. "Binayaran ka niya para sa sex? Jusko! Yvette! Hindi ka prostitute! Kaya ba binigay mo sa kan'ya?"

Natigilan ako sa pagsubo sana ng pagkain ko. Nilingon ko si Iris. No. Hindi 'yun dahil doon. Hindi dahil sa pera kaya pumayag ako, kundi dahil hanggang ngayon ay mahal ko siya.

"Iris, kung gabi gabi naman ako mababastos kakasayaw para sa iba't ibang lalaki tapos kakaramput lang ang kikitain natin, mas gugustuhin kong isang lalaki na lang ang bumastos sa akin." Nagkibit balikat ako at muling bumalik sa pagkain "Isa pa, kilala ko siya."

"Hayy!" Ani Iris saka kumuha na rin ng sarili niyang pagkain "Ewan ko, bahala ka. Ginusto mo 'yan."

Pagkatapos kumain ay pinahiram din ako ni Iris ng damit niya para naman hindi magtaka si Viviene pagkauwi ko. Pinagmasdan ko ang hubad kong sarili sa harap ng salamin ng banyo ni Iris. Kakatapos ko lang maligo at ngayon ko lang napansin na ang dami niyang iniwan na kiss marks sa aking dibdib. Kinagat ko ang labi ko. This is how he saw me, itong katawang ito. I can't help but feel conscious dahil hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya n'ong mga oras na iyon. Did he like what he saw?

IntoxicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon