Chapter Thirty-nine

158K 3.5K 300
                                    

Nalaglag ang panga ko nang makita si Spencer sa tabi ko. Naka-suot siya ng dark blue na polo shirt at faded jeans. Mayroon pa rin siyang hikaw sa kaliwang bahagi ng kan'yang tenga at ang kan'yang buhok, tulad ng dati, ay magulo pa rin ang pagkakaayos. Sa loob ng siyam na taon, kapansin-pansin ang pagbabago ng hubog ng kan'yang katawan. Ngayon ay mas na-develop na ito, halatang halata na ang kan'yang bicep at hindi na niya iyon kailangan ipilit para lumabas. Ngumunguya siya ng bubble gum at sa bawat pagbuka ng kan'yang bibig ay ang pagsilip ng malalim niyang dimples.

Nakapamulsa siyang nakatitig sa akin, nakakunot ang noo na para bang pinag-aaralan niya ako. Ginapangan ako ng hiya. Maayos naman ang suot ko, naka-suot ako ng floral dress na binili ko pa talaga para sa okasyon na 'to, pero nahihiya ako dahil ang laki na ng pinagbago niya samantalang ako ay kahit anong gawing pag-bihis ay hindi na talaga matatakpan ang katotohanan na lugmo pa rin ako sa putikan.

"Ikaw nga, Yvette." Humalakhak siya at humakbang papalapit sa akin. Hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin. Hiyang hiya ako at hindi ko alam kung bakit. Paano kung alam nila? Iyong nangyari sa akin n'ong gabi? Wala na akong mukhang ihaharap.

Umatras ako pero humakbang muli siya. "Kamusta ka na? You look... wow. Hot!" Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo at paa.

Ngumiti ako sa kabila ng kinakabahan kong puso. Kailangan kong makaalis agad dito.

"Anong ginagawa mo rito?" Ngisi niya sa akin.

" 'Y-yung kapatid ko..." Hindi ko na natuloy ang sasabihin. Nanunuyo ang lalamunan ko at hindi ko alam kung paano ako mag-rereact sa nakikita ko. Yeah naging close kami n'ong high school pero napakatagal na n'on. Ni hindi ko alam na kilala pa pala niya ako.

"Ah, gumraduate?" Tumango tango siya "Congrats to her, then. Nagkita na ba kayo ni Tyrone? Andito siya. Nakita mo na ba siya?"

Dumoble ang tibok ng puso ko. Napalunok ako sa pagbigkas ni Spencer ng tanong niya, na para bang nagtatanong lang siya ng isang simpleng math problem. Pinilit ko ang sarili kong 'wag ipahalata na naaapektuhan pa rin ako sa simpleng pagbanggit ng pangalan niya pero mukhang nabigo ako.

"Ow.." Bumuntong hininga siya na para bang na-gets niya ang nararamdaman ko "Sorry. No worries, my mouth is zipped."

Pakiramdam ko nabunutan ako ng tinik sa sinabi niya. Nakahinga ako ng maluwag. Magpapaalam na sana ako nang bigla akong nakaramdam ng yakap mula sa likod ko.

"Ate!"

Halos matumba na kaming dalawa ni Viviene dahil sa pagkakayakap niya sa akin. Nawala lahat ng iniisip ko kanina, ramdam na ramdam ko ang kasiyahang nararamdaman ni Viviene. Hindi man ako ang nakarating sa gan'ong achievement, pakiramdam ko ako ang naging tulay niya para marating ang kung anong inaasam niya ngayon.

Hinalikan niya ako sa pisngi at gusto kong muling maluha dahil sa simpleng pagpaparamdam niya sa akin ng kan'yang pasasalamat. Sa nakaraang mga taon, hindi siya naging pasakit sa akin. Ni minsan hindi ako pinatawag ng dean nila o kaya ng principal. Wala akong narinig na mayroon siyang bisyo hindi tulad ng ibang bata d'yan. She has no idea how that helped me.

"Sino siya, ate?" Biglang bulong sa akin ni Viviene. Naalala kong kasama nga pala namin si Spencer.

"Viviene, ang kuya Spencer mo." Pagpapakilala ko sa kanilang dalawa. Biglang nagningning ang mga mata ni Viviene at pakiramdam ko nanigas siya sa kinatatayuan niya.

"S-Spencer? Melvin Spencer Feledrico?" Utal utal niyang tanong.

Bago ko pa man ito masagot ay inunahan na ako ni Spencer. "Yup." He said proudly at inabot ang kan'yang kamay kay Viviene. "Nice to meet you, Viviene."

IntoxicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon