Chapter Fifty-five

137K 3.3K 194
                                    

Sa pagdaan ng bawat araw ay lalo akong nalulungkot, lalo na't wala naman akong pinagkakaabalahan. Ilang beses ko nang inamin sa sarili ko na nasasaktan ako. Nasasaktan ako na pinakawalan ko siya, pero wala na 'kong magawa ngayon kundi ang tumunganga at titigan itong magazine na hawak ko na siya ang cover.

Hinaplos ko ang tyan ko. Sa loob nito ay may bagong buhay na naghihintay.

"Baby, ito si daddy," ngumiti ako ng mapait "Ang gwapo niya, 'no? Ang successful pa." Bumuntong hininga ako at pinagmasdan ang papel kung saan naka-print ang gwapong mukha ni Tyrone. Hindi siya nakangiti sa cover ng magazine na ito, at ang kan'yang kamay ay nasa magkabilang bulsa. He looks hot with his hair brushed up.

Amazing how one decision can change your life; how I can be this far from him when at one point in the past, he can't even take his eyes off me. Nawala lahat in a snap of a finger. Muling lumandas ang luha sa pisngi ko. Ganito na lang ang ginagawa ko araw-araw, nanlulugmo sa panghihinayang.

Ngunit hanggang ngayon ay ayaw kong aminin sa sarili kong nagsisisi ako. Masakit, oo, pero ayokong magsisi. This is the decision I made—para na rin ito sa kan'ya. Pero paano na ngayon? Ngayong may bata sa loob ng sinapupunan ko? Paano ko siya bubuhayin kung kahit sarili ko, hindi ko kaya? Ni pampacheck-up, walang wala ako ngayon. Ayoko namang umasa na lang lagi kay Ate. Sapat na ang tinanggap at pinakain niya ako rito.

I tried so many times contacting Tyrone. Baka sakaling may babalikan pa ako, pero tuwing bumabalik sa akin ang sinabi niya, nasasaktan ako. Nasasaktan ako para sa kan'ya. Tama siya. I just can't throw him and pick him up again once he's already broken.

"Umiiyak ka na naman," buntong hininga ni Ate Heidi na kakauwi lang mula sa kan'yang trabaho. Tinanggal niya ang kan'yang sapatos. Tumayo ako para salubungin siya at kunin ang mga pinamili niya. "Gan'yang gan'yan ako n'ong buntis pa ako."

Napangiwi ako. Hindi ko pa naman sinasabi kay Ate Heidi ang tungkol sa resulta ng pregnancy test pero siguradong sigurado na siyang buntis na nga ako.

"Asan si Gido?" Tanong niya sa akin.

"Tulog na po. Umalis na rin si Shai."

"Siya nga pala, yung kaibigan ko HR Manager d'yan sa hotel... Ano ngang hotel yun" Kumunot ang noo niya habang sinasara ang pinto "Ah. Yung Oriental Hotel. Job hiring sila. Napakiusapan ko 'yung kaibigan ko na bigyan ka ng kahit anong trabaho."

Nanlaki ang mga mata ko at binaling ko ang buong atensyon ko sa kan'ya "Trabaho po?"

Ngumiti sa akin si Ate. "Oo. Kaysa magmukmok ka dito buong araw, para may pinagkakaabalahan ka."

Tumubo ang pag-asa sa akin. Magkakaroon na ako ng silbi sa bahay na ito. Masayang masaya ako kinabukasan habang dala-dala ang mga papeles na kakailanganin ko. Mabuti na lang at hindi pa umbok ang tyan ko kaya't napahiraman pa ako ni Ate Heidi ng maayos-ayos na damit. Bawat galaw ko ay dinadahan dahan ko dahil alam kong hindi na lang ako ang maaapektuhan sa kilos ko ngayon kundi pati ang baby ko.

Nag-tricycle ako papunta sa hotel at agad akong napabuntong hininga nang makita ito. Ang laki ng hotel at napakaganda ng ambiance. May isang malaking shell sa gitna ng building at may nakasulat na The Oriental Legazpi. Nangatog ang tuhod ko habang tinatahak ang daan papasok sa hotel. Sinalubong ako ng lobby na puno ng upuan at magagarang chandelier.

"Guard, saan po 'yung job hiring?" Tanong ko sa guard na agad naman ako sinagot. Umakyat ako sa main office at nagulat ako nang makita kung gaano kadami ang applicants na gusto makakuha ng trabaho. Kinagat ko ang labi ko.

May connections si ate, makukuha ako dito. Bulong ko sa sarili. Ipinasa ko iyong resume ko doon sa babaeng nasa lobby na mukhang busy na rin sa dami nang nagpapasa.

IntoxicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon