Chapter 41 - The Proposal

102K 4K 1.1K
                                    

CHAPTER 41 - THE PROPOSAL

"LONG LIVE THE QUEEN! LONG LIVE THE QUEEN! LONG LIVE THE QUEEN!"

Nagpalakpakan lahat pagkasabi na pagkasabi ko palang ng pangalan ni Vincent. I'm shaking. Di ko alam kung dahil sa kaba o dahil sa naiiyak ako.

I officially made a choice. Si Vincent.

Nakita ko sa mukha nila Ate Amethyst ang saya. At ang ingay nila King Vladimir. Tuwang tuwa rin si Ate Ruby. Syempre, tuwang tuwa si Vincent. Halos lahat masaya.

I think this is for the better. I think tama ang naging choice ko.

Sasaya rin ako. Sana.

[Paki-play po yung video sa multimedia section :)]

Nakangiting lumapit sa akin si Vincent at inilahad ang kamay niya. Kumanta na ang mga pixie at nagdim na ang lights. Nagsimula nang magsayaw ang ibang tao. Inilahad ko na rin ang kamay ko at dinala niya ako sa gitna.

All eyes are on us. Watching our every move. I need to act normal.

♬♪ 'Di kita malimutan
Sa mga gabing nagdaan
Ikaw ang pangarap
Nais kong makamtam' ♪♬

He's smiling at me. I keep on telling myself na si Vincent na ang right guy. Na tama ang pinili ko. Na I made the right decision. Pero bakit ang mata ko ay may hinahanap na iba?

Bakit hinahanap ko parin siya? Bakit parang nagsisisi ako?

Then I saw him.

Nakatayo sa malayo. Kasama sina Zac. Nakatingin sa akin. Matt. Why are you looking at me like that?

Naiiyak nanaman ako. Sabi nga nila, you don't always get what you want. At kung hindi talaga kayo, hindi talaga kayo.

Wag mo nang ipilit, Emerald. Kalimutan mo na siya. You're just going to hurt yourself. All over again.

♬♪ 'Ikaw pa rin ang hanap ng
Pusong ligaw
Ikaw ang patutunguhan at
Pupuntahan' ♪♬

Biglang lumuhod sa harap ko si Vincent. Holding a red box. Wala na akong ibang marinig. Parang tumigil ang mundo at tumahimik.

Sht. No... this can't be happening.

"I have loved you more than anyone else, Emerald. I want to tell you and everyone around us that you mean a lot to me and that... I want to be a part of your life forever. I want you to know that I want to marry you not just because I want to be a King, I want to marry you because you're a girl who has beautiful smile, who has breathtaking green eyes, and who has a kind heart. And I love every single thing about you. I want to formally propose to you even though I know that we're going to get married anyway. That's why I'm doing this. In front of everyone that we love and care for," binuksan niya yung red box and I saw a ring. Emerald ring. "Queen Emerald Prescott, will you marry me?"

♬♪ 'Mayroong lungkot at pananabik
Kung wala ka'y kulang ang mga
Bituin' ♪♬

Naiiyak ako. Here is Vincent na sinasabi sa akin ang mga ganitong salita na gusto kong marinig mula sa ibang tao. Kay Matt. I feel sorry for Vincent.

Tumingin ako sa paligid. Lahat sila ay nakangiti sa akin. Lalong lalo na sila Ate Ruby. Syempre pati sila King Vladimir. Everyone's urging me to say yes.

I searched for Matt. Nakita ko na palabas na siya ng Great Hall. Walking away from us. From me. Wala na siya.

Nakakatawa. Literal na wala na siya. Pahiwatig yata 'to.

I feel sorry for myself.

"Yes... Vincent."

Niyakap niya ako at binuhat. Yung tipong inikot niya pa ako.

♬♪ 'Pag ibig mo ang hanap ng
Pusong ligaw
Mula noon, bukas at
Kailanman' ♪♬

Doon na tumulo ang mga luha ko. Akala nila tears of joy. Pero ang totoo naiiyak ako kasi ang tanga ko talaga magdesisyon.

Palagi nalang iba ang iniisip ko. Kailan ko kaya iisipin naman ang sarili ko?

~*~*~* MATT'S POV *~*~*~

"Matt!" rinig kong tawag sa akin ni Zac. "Saan ka pupunta?"

"Sa malayo."

"Bro, okay ka lang?" rinig kong tanong ni Brix.

"Nakakabullshit naman yung nangyari sa Great Hall. Nagpropose pa talag si bading!" sambit ni Jared.

Tumigil na ako sa paglalakad. Nasa garden na pala kami at gabi na pala.

"Okay ka lang, Matt?" tanong ulit sa akin ni Zac.

"Hindi."

"Bakit hindi mo pinaglaban?" tanong sa akin ni Jared.

"Di pa nga nagsisimula ang laban, talo na ako."

"Kaya ba naduwag ka? Kasi alam mo nang matatalo ka?" tanong naman ni Brix.

"Oo."

"Eh gago ka pala eh." Napatingin kami bigla kay Brix. "Kung mahal mo ang isang tao, kahit alam mong talo ka na ipaglalaban mo parin. Hindi ka dapat susuko agad. Mahal mo eh."

"Sino ba nagsabing mahal ko siya?"

"Wag mo nga kaming lokohin, Matt," sabi ni Zac. "If you don't fight for what you love, don't cry for what you lose. Simple as that."

"Sino ba nagsabing iiyak ako?"

"Leche. Ikaw pala ang tunay na bading," sabi ni Jared habang binabatukan ako.

Pumasok na ulit kami sa castle at umakyat papunta sa mga kwarto namin. Hindi ko makalimutan yung mukha ni Emerald kanina nang lumuhod si Vincent sa harap niya. Bullshit. Ako dapat yung lumuluhod sa harap niya eh. Ako dapat.

"Matt?" Napatingin ako sa harap ko. Nandito na pala ako sa tapat ng kwarto ko.

At nandito pala si Emerald. Papasok palang din sa kwarto niya.

"Oh?" sabi ko. Act normal, Matt. Wag mong ipahalata.

"Nawala ka kanina. Hinanap kita. Saan ka pumunta?"

Bakit kailangan mo pa akong hanapin? Bakit kailangan mo pa akong kausapin? Sinasaktan mo ba talaga ako Emerald? Bakit ba kasi ako naduwag?

"Emerald... nagpropose sayo si Vincent kanina?"

Natigilan siya bigla at napatingin sa lapag.

"Please tell me you said no. Sabihin mo sa aking hindi ka pumayag. Please."

______________________________________________________________________________

Author's Note:

Thank you sa mga naiyak lasy chapter. Natouch ako kasi namotivate ako na paiyakin kayo lalo HAHA :)) ✌

-Onneechan

EMERALD (Published Under Pop Fiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon