Chapter 18 - Winter Ball

140K 4.8K 615
                                    

CHAPTER 18 - WINTER BALL

"Saan pupunta si Ate Ruby?" tanong ko nang makitang sumakay si Ate Ruby sa isang chariot. Nakita ko nanaman ang dalawang creature na nagdala sa akin noon dito. Yung creature na may katawan ng lion pero may ulo at pakpak ng eagle. Ang gryffin.

Tumakbo kami ni Matt papunta sa chariot. Nakatayo malapit doon at sina Mama, Ate Amethyst, Ate Jade at Ate Sapphire. Nakita kong inaabot nina Meredith at Aliyah ang mga gamit ni Ate Ruby sa loob ng chariot.

"Anong pong meron? Saan po pupunta si Ate Ruby?" tanong ko. Nakita kong nakasakay din sa chariot si King Vladimir.

"Susubukan nilang mabuhay nang magkasama," sabi ni Mama. "They'll try to work things out."

"Nang dahil kay Thelessa, magkakaayos na si Ruby at si King Vladimir," sabi naman ni Ate Amethyst.

"Nararamdaman ko na ang Chant ni Thelessa. Magkakaanak nga si Ate Ruby at si King Vladimir," sabi naman ni Ate Jade.

Pinanood namin silang umalis. Di ko mapigilang maging malungkot. Paano na si Thelessa? Mabubuhay nalang talaga siya mag-isa?

Bago kami pumasok sa loob ng castle ay nagsilabasan lahat ng pixies namin. Yehey! Nakita ko nanaman si Tipsy!!! Mataba parin siya at ang cute cute parin!

Lumapit si Tipsy sa akin. "Nipapasabi po nila na Invited daw po kayo sha annual winter ball ng North Cashtle. Shuotin nyo daw po ang pinakabongga niyo pong gown. Sha next week na daw po yun."

"Winter Ball?"

"Hindi nyo po ba alam 'yon? Every year po nagpapaparty party po shila sa North Cashtle tuwing winter. Invited po palagi lahat."

"Ah. Okay. Kumain ka na?"

"Hindi pa po. Pupunta na po ako sa kitchen. Babush!"

Nawala na siya bigla. Nalungkot naman ako. Namiss ko si Tipsy eh :(

Pero ano nga ba yung sinabi niya? Winter Ball? Party?

"Yehey! Winter Ball na!" masayang sabi ni Ate Sapphire.

"Seriously, excited ka?" bored na tanong naman ni Ate Amethyst.

"Syempre, makikita ko na ulit ang hubby ko!"

"Hubby?" nagtataka kong tanong.

"Hubby. Husband. Palagi na kasi siyang busy eh." Muntik ko nang malimutan na may mga asawa na pala ang mga ate ko. Hindi kasi halata. Ang babata pa kasi nila para mag-asawa. Dati, pangarap kong mag-asawa kapag 25 years old na ako. Pero mukhang hindi matutupad yon dahil kailangan ko nang magpakasal.

"Ano po ba ang mga ginagawa sa Winter Ball?" tanong ko. Bakit ba? First time ko to eh. Ha ha.

"Nagtitipon-tipon sa North Castle ang lahat ng royal families at noble families para mag-salo-salo. Sa North Castle palagi ginaganap dahil doon palago ang may pinakamalamig na klima kapag winter," sabi ni Ate Amethyst. "May mahahabang hilera ng lamesa na punong puno ng mga pagkain. Pagtapos ng kainan ay sasayawin ang traditional dance. Tapos magkakaroon ng announcements at speeches. Boring pero meron namang sayawan at pagkain kaya okay lang."

"Meron pa! May Queen of all Hearts pa!" malakas na sabi ni Ate Sapphire. Halatang excited na excited siya.

"Queen of all Hearts?" tanong ko.

Bumuntong hininga si Ate Amethyst. "Oo nga pala. Queen of all Hearts. Every year namimili si Queen Cazelle, Queen ng North Castle, ng pinakamagandang babae sa Winter Ball. Siya ang tatanghaling Queen of all Hearts."

"Si Mama nanalo na dati noong medyo young pa siya," natatawa sabi ni Ate Jade.

"Matanda na ba ako ngayon?" biglang singit ni Mama. Nakikinig pala si Mama kahit magkausap sila ni Matt.

"Anyway, sino magiging escort mo Emerald?" biglang change topic ni Ate Sapphire.

Teka, escort?!

***

Bumaba na kami sa chariot na sinakyan namin. Grabe sobrang lamig nga dito! Ang hirap pa gumalaw dahil sa ball gown na suot ko.

Pagtingin ko sa harap ay napanganga ako. Sobrang ganda ng castle. Eto ba ang North Castle? Ang ganda! The walls are as white as snow. Malawak at makinang talaga. [Tignan ang attached photo sa multimedia para makita ang mismong itsura ng castle].

Napatingin ako sa katabi ko. Sa escort ko.

Sana maging masaya ang Winter Ball.

______________________________________________________________________________

Inuulit ko po, hindi po magiging movie ang Special Section :))

-Onneechan

EMERALD (Published Under Pop Fiction) Where stories live. Discover now