Chapter 29 - Princess Frog

106K 4.3K 834
                                    

CHAPTER 29 - PRINCESS FROG

"Sino kayo?" tanong agad ni Rocco pagkapasok palang namin.

Anong ginawa niya kay Vincent?!

"Ikaw dapat ang tinatanong namin. Ano ang ginawa mo sa Prinsipe?" tanong ni Zac.

"Wala kayong pakialam," sagot ni Rocco. Inilapit niya ang kutsilyo sa leeg ni Vincent.

Vampire si Vincent diba? Bakit natalo siya ni Rocco?

"Kung ako sayo, susuko na ako. Apat kami, isa ka lang," sabi ni Brix.

"Kayang kaya ko kayong patayin," maangas na sabi ni Rocco. Napatingin siya sa akin. "Magtataka na sana ako kung bakit nalaman niyo na nandito ako. Pero mukhang may nagsabi na sa inyo. Hello, mahal na prinsesa."

*Kokak! Anong ginawa mo kay Vincent?! Kokak!*

Tumawa siya. "Nakalimutan kong sabihin sayo na hindi lang ako magnanakaw. May isa pa akong trabaho."

Isa pang trabaho?

"Anong sinasabi mo?" tanong ni Jared.

Nagkamalay na bigla si Vincent pero halatang naghihina siya. Doon ko lang napansin na may sugat siya aa tiyan.

"Isa siyang... Isa siyang hunter..." mahinang sabi ni Vincent. Hunter? Ano naman kung hunter siya?

"Vampire Hunter..." bulong ni Matt. "Yung kutsilyo niya. May lason ito na nakakapagpahina sa mga vampires."

"Tama. Ang kutsilyong ito ay may lason. Pinahiran ko ito ng dugo ng taong patay na. You see, nakakalason sa mga vampire ang tinatawag nilang dead man's blood," paliwanag ni Rocco bago ngumiti ng nakakaloko. "Isang tusok ko lang sa puso niya, mamamatay na siya agad."

*Kokak! Wag! Kokak!*

Nilabas na agad nina Matt yung mga swords nila. Nilapag muna nila ako sa isang lamesa. Please. Wala sanang masaktan.

"Subukan niyong lumapit," banta ni Rocco. "Isasaksak ko agad sa puso niya ang kutsilyo kapag lumapit kayo."

"Ano bang gusto mo?!" galit na tanong ni Matt.

"Simple lang. Gusto ko ang gusto ng lahat ng tao sa lugar namin," sagot ni Rocco. "Gusto namin ng pera. Ng pagkain. Ng gamot. Ilang taon na kaming naghihirap. Kasalanan ng mga vampire ang lahat ng nangyaring masama sa amin."

"Wala... kaming... kasalanan..." sabi ni Vincent. "Kayo ang tumatanggi sa mga tulong namin. Kayo ang lumalayo sa amin. Kayo ang sumisira sa mga sarili ninyo."

"Huwag kang magsalita!" sigaw sa kanya ni Rocco. "Pinatay ninyo ang mga magulang ko! Nabuhay kami ng mga kapatid ko nang walang mga magulang! Naghirap kami!"

"Pinatay namin sila dahil papatayin nila dapat kami! We were just protecting ourselves!"

"Shut up!" Sasaksakin na dapat ni Rocco si Vincent pero naudlot ito.

Mabilis ang mga nangyari. Nakita ko kung paano binato ni Matt yung sword niya. Nakita ko kung paano ito sumakto sa ulo ni Rocco. Nakita ko kung paano ito bumaon sa noo niya. Nakita ko kung paano namatay si Rocco.

Once again, nakakita nanaman ako ng dugo. At si Matt nanaman ang pumatay.

Binuhat nina Jared at Brix si Vincent at inihiga sa kama. Si Zac naman ay lumabas para ipaalam kay King Vladimir ang nangyari.

"Okay ka lang?" tanong sa akin ni Matt.

*Kokak! Oo. Kokak!*

"Kailangan na nating malaman kung paano ka maibabalik sa dati. Ang weird kasing kausapin ka kasi palaka ka. Mukha akong baliw dito na nakikipag-usap sa isang hayop." Dinedma ko nalang siya. Paano na ako makakabalik sa dati?! Wala na si Rocco. Wala na akong pag-asang makabalik sa dati.

EMERALD (Published Under Pop Fiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon