Chapter 17

127K 5.1K 1.6K
                                    

CHAPTER 17

"Hello, King Vladimir." Bati sa kanya ni Mama. "What is the reason you came here?"

"Is it wrong na pumunta lang dito para dumalaw?" nakangiti nitong sabi.

Ang awkward ng atmosphere.

"Meredith, Lucinda, Aliyah and Felicity, ihanda ninyo ang dining hall at ang mga pagkain," utos ni Mama. "Perhaps, nabalitaan mo na nandito si Thelessa kaya pumunta ka."

"Ano naman ang pakialam ko sa taga-gubat na 'yan?" Biglang dumilim ang aura sa paligid. Napatingin ako kay Thelessa at nakita kong galit siya.

"Taga-gubat? How dare you?!" galit na sabi ni Thelessa. Nagpatay-sindi ang ilaw. At biglang humangin.

"Oh, namumula ka nanaman sa galit. Nawawala ang ganda mo," pang-asar na sabi ni King Vladimir.

"Stop it." Natahimik sila bigla sa malakas na boses ni Mama. Naging normal na ang paligid. Ganito pala magalit si Thelessa.

"Kung mag-aaway kayo, wag kayo sa teritoryo namin," sabi ni Ate Ruby. Tinignan ko si Ate Ruby. Hindi ba't asawa niya si King Vladimir? Bakit parang hindi sila magkakilala? Ano kaya ang nararamdaman niya?

"Why don't we all go to the dining hall at magkaroon ng maayos na merienda?" sabi naman ni Ate Amethyst. Finally, pumunta na kami sa dining hall.

Nakahanda na ang iba't ibang pagkain. Umupos sa tabi ko si Thelessa at katapat niya si King Vladimir na katabi ni Ate Ruby. Katabi ko sa kabilang side si Ate Sapphire.

Nagsimula na kaming kumain pero paminsan ay nahuhuli kong tumitingin si King Vladimir kay Thelessa. At minsan naman ay tumitingin si Ate Ruby kay King Vladimir.

Bakit kaya ganon? Bakit kaya minamahal natin ang mga taong kahit kailan ay hindi naman tayo kayang mahalin?

"First of all, I would like to thank Thelessa dahil ginamot niya si Emerald," sabi ni Mama. Nginitian niya si Thelessa.

Magsasalita sana si Thelessa pero biglang may nabasag. Bumagsak pala ang hawak niyang baso. Bigla siyang tumayo at naging silver ang mukha niya. Nakakatakot nanaman ang itsura niya. Isa nanamang Chant?

'Ang mag-asawa ay mag-asawa.
Magkakaanak ng Isa.

Ang Engkantada ay Engkantada.
Mabubuhay mag-isa.' ♬♪

Bumagsak bigla si Thelessa sa upuan niya. Sa isang kurap ay nasa tabi niya na si King Vladimir.

"Thelessa? Okay ka lang?" nag-aalalang sabi nito.

"Lumayo ka sa akin, King Vladimir," mahinang sabi ni Thelessa. "Layuan mo ako."

"Ha? B-Bakit..."

"LAYUAN MO AKO!" Tumutulo na bigla ang mga luha ni Thelessa. Tumayo na siya at lumabas ng dining hall. Hindi ko napigilan ang sarili ko na habulin siya.

Narinig kong tinawag ako ni Mama pero hindi ko siya pinansin. Hinabol ko parin si Thelessa. Naramdaman ko na sinusundan ako ni Matt.

"Thelessa, wait!" sigaw ko. Nakarating na kami sa garden ng castle.

Lumuhod siya sa damuhan at umiyak.

"Thelessa..."

"Sorry..." naiiyak niyang sabi. "Patawarin sana ako ni Vincent..."

Napatingin ako kay Matt na nakatayo na sa tabi ko. Pati siya ay naguguluhan.

Lumapit ako kay Thelessa at umupo sa tabi niya. "Thelessa... bakit?"

"Alam mo ba kung gaano kahirap mag-isa?" Tuloy tuloy ang pagluha niya. "Alam mo ba na forever na akong mag-isa? Hindi ako pwedeng mag-asawa. Hindi ako pwedeng magmahal. Ang Engkantada ay Engkantada."

Tumayo siya at tumingin sa langit. Maggagabi na pala.

"I love him. I love him so much. Pero bawal." Tumingin siya sa akin. "I let him go. Sinaktan ko siya para iwanan niya na ako. Dahil hindi kami pwede sa isa't isa."

"Thelessa... si King Vladimir ba ang tinutukoy mo?" tanong ni Matt. Tinaasan ko naman siya ng kilay. Duh! Malamang si King Vladimir yon! Tanga nito.

"Thelessa, bakit... bakit bawal? Mahal mo siya diba? Bakit sumuko ka agad?" sabi ko. "Kasi ang alam ko, you don't give up on the people you love."

"May mga bagay kasi na hindi na dapat pinipilit kapag alam mo namang hindi talaga pwede."

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang pisngi ko. "Mararanasan mo din ang nararamdaman ko ngayon, Emerald. Kapag nangyari 'yon, tanungin mo rin ang sarili mo ng mga tanong na itinatanong mo sa akin ngayon. Maiintindihan mo rin ako, Emerald."

Tumalikod na siya sa amin at biglang nawala.

______________________________________________________________________________

I-tweet daw at ihashtag ang #SpecialSectionTheMovie para daw madiscover :))

Hello kay MisterStar, Kisses, Vera Gold, Graciela, Sophia, Rhiyanne, at sa iba pang Onneechan Readers na love na love ako. Mahal ko kayo ;)

-Onneechan

EMERALD (Published Under Pop Fiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon