Chapter 39 - The Choice

102K 3.9K 847
                                    

CHAPTER 39 - THE CHOICE

"Hahanapin po namin si Kuya Zeke," sabi ni Aerielle bago sila sumakay aa white horse ni Eric. Oo, nagkabalikan sila. Haynako.

"Goodluck," sabi ko at nginitian sila.

"Ayaw mo po bang makita si Kuya Zeke?"

Gusto ko pa nga ba makita si Zeke? Napatingin ako kay Matt na nakatayo sa tabi ko.

"Hindi ko na kailangan pang makita si Zeke."

***

"Emerald, gising na." Napadilat ako sa boses nina Meredith. Panibagong araw nanaman.

"Goodmorning!" bati ko.

"Dalian mo. Maligo at magbihis ka na," sabi ni Lucinda.

"Teka, bakit kayo nagmamadali? Maaga pa naman ah," sabi ko.

"Pinapatawag ka na ni Princess Amethyst sa dining hall," sabi ni Felicity.

"Bakit daw?"

"Secret~" sabay sabay nilang sabi. Haynako.

Anong araw naman? Tatlong araw nalang, coronation day ko na. Kinakabahan ako. Hindi pa ako handa.

Wala pa akong matakbuhan.

Pagbaba ko sa dining hall ay nandoon na silang lahat. Sina Ate, Sina Vincent, Francis at Allen, Sina Matt. Lahat sila. Anong meron?

"Umupo ka na, Emerald. Kumain ka na," utos ni Ate Amethyst. Reluctantly, umupo na ako at kumain.

"Tatlong araw nalang at Coronation Day mo na. Nakahanda na ang Great Hall at yung gown na susuotin mo," sabi ni Ate Sapphire.

"Nakahanda na din ang mga guests na pupunta," dugtong ni Ate Amethyst. "Kasama ang Kings and Queens mula sa ibang castles. Kaya inayos ko talaga ang Great Hall. Perfect na ang lahat."

"Naayos na rin namin ay after party. Nakahanda na ang mga pagkain na lulutuin at ang mga pixies sa pagkanta nila," sabi naman ni Ate Jade.

Perfect na pala lahat eh. Bakit pa nila sinasabi sa akin lahat ng ito? Unless lang kung may kulang.

"Isa nalang ang kulang," sabi bigla ni Ate Amethyst. Oh diba. May kulang pa nga.

"Ang desisyon mo nalang ang kulang, Emerald."

Desisyon ko?

"Sino na ba ang napili mo?" tanong sa akin ni Ate Jade. Dark na dark nanaman ang kanyang mga mata.

Nakikita kaya ni Ate Jade yung totoo kong nararamdaman ngayon? Kung sino talaga yung gusto kong piliin?

Wala pa akong napipili.

"Hindi pa ako handang pumili Ate," mahina kong sabi.

"ANO?!" malakas na sabi ni Ate Amethyst.

"Hindi 'yon pwede, Emerald," sabi naman ni Ate Sapphire. "Kailangan mo nang pumili."

"Hindi ka pa handang pumili o wala sa kanilang tatlo ang gusto mo?" biglang sabi ni Ate Jade.

Tinitigan ko sila. Naiinis na ako. Wala na silang ibang ginawa kundi guluhin at utusan ako. Palagi nalang sila ang nasusunod.

"Kailan ba dadating ang panahon na ako naman ang masusunod?!" sigaw ko. Napatulala sila bigla sa akin. I took the time na tumakbo paalis.

Paalis mula sa kanila na walang ibang ginawa kundi sundin lang ang gusto nila. Natanong ba nila ako kung anong gusto kong kulay ng gown? Kung anong gusto kong design ng Great Hall? HINDI. Ang gusto lang nilang maging desisyon ko ay kung sino ang gusto kong pakasalan. Natanong ba nila ako kung handa na ba ako magpakasal? HINDI DIN. Punong puno na ako.

Nakarating na pala ako sa garden. Sa tagal kong nandito, never akong nainis sa lugar na 'to. Ngayon lang.

"Princess Emerald?" Napalingon ako sa lumapit sa akin na babae.

"Po? Sino ka po?" tanong ko.

"Ah, ano po, servang niyo po dito. Si Dinah. Pinapatong lang po ni Prince Vincent kung pwede ka daw po ba niyang makausap," sabi ni Dinah. "Andun po siya oh."

Nakita kong nakatayo sa di kalayuan si Vincent at kinawayan ako. Tumango naman ako at umalis na si Dinah. Servant pala siya dito? Bakit hindi ko alam? Sabagay, marami kasing servants dito.

"Okay ka lang?" Umupo siya sa tabi ko. Nakaupo kasi ako sa bench sa tapat ng fountain.

"Kung tatanungin mo lang ako kung sino pipiliin ko, umalis ka na," mataray kong sabi.

"Remind me next time na wag kang galitin. Nakakatakot ka palang magalit 'no?" natatawa niyang sabi. "Sorry kung napepressure ka ha."

Nginitian ko nalang siya. "Pagod na agad ako hindi pa nga nagsisimula."

"Kaya nga pinapapili ka na ng mga Ate mo," sabi niya. "Para hindi mo na kailangan pang gawin mag-isa yung mga trabaho mo. Para may katulong ka na."

Napabuntong-hininga nalang ako at tinignan ang fountain na may statue ng King dati. Ng tatay ko. Ganito rin kaya sila ni Mama dati? Di rin kaya nila mahal ang isa't isa nung nagpakasal sila?

"Nandito lang ako, Emerald. Handa akong tulungan ka. Hindi kita iiwan." Hinawakan bigla ni Vincent yung kamay ko. Ang lamig niya.

"Vincent..."

"Kaya ko, Emerald."

"Ang alin?"

"Kaya kong gawin ang lahat para sayo."

Natawa ako bigla. Natawa rin tuloy siya. Totoo nga yung sabi nila Matt. Ang baduy nga niya. Nasaan kaya si Matt?

"Seryoso na ako, Emerald. Kapag ako pinili mo, gagawin ko ang lahat mapasaya at maprotektahan ka lang." Seryoso bigla si Vincent.

"Vincent... ayoko pa ngang magdesisyon."

"Alam ko. Pero ito ang gusto kong malaman mo." Humarap siya sa akin. "Kaya kong protektahan ang buong Middle Village pati ang Middle Castle mula sa Dark Side. Vampires kami. 10 times stronger pagdating sa speed at strength."

"Vincent. Ayoko munang pag-usapan 'yan."

"Gagawin ko ang lahat para sayo, Emerald. Gagamitin ko ang lahat ng tauhan ko para sayo. Ang mga Vampires ay magiging tauhan ko din kapag ako pinili mo."

"Bakit ba ako, Vincent? Dahil ba magiging Queen na ako? Kailangan mo ba ang posisyon ng King?"

Natahimik siya bigla.

"Nung una, gusto ko pang talaga maging King. Pero habang nakikilala kita, nagugustuhan na kita. I truly like you, Emerald."

How can I trust him? Tsaka... paano si Matt. Kahit wala namang pakialam sa akin si Matt, ayoko paring magpakasal sa taong hindi ko naman mahal.

"You need me too, Emerald. Kailangan mo kami laban sa dark side. Sina Allen at Francis... hindi talaga sila seryoso sa panliligaw sayo. Ako, gusto ko."

Sumasakit na ang ulo ko. Ako lang naman ang may gusto kay Matt. Wala naman siyang gusto sa akin. At hindi kami pwede sa isa't isa.

Si Vincent... isang prince. May gusto sa akin. Kayang protektahan ako at ang Middle Village.

"Emerald." Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. "Pick me. Choose me. Love me."

Napatingin ako sa likod ni Vincent. Napatingin ako sa lalaking kakarating lang. Si Matt.

I want to cry. I have no choice.

"Okay... Vincent."

______________________________________________________________________________

Hello kay Dinah Narj :)) Eextra ka pa sa ibang chapters! ;)

-Onneechan

EMERALD (Published Under Pop Fiction) Onde as histórias ganham vida. Descobre agora