Chapter 27 - Kokak!

105K 4.3K 1.8K
                                    

Random confession #1:

Naiinspire ako magsulat dahil sa comments niyo <3

-Onneechan na maganda at engkantada.

______________________________________________________________________________

CHAPTER 27 - KOKAK!

"SHIT!" Tumakbo ako at isinara ang bintana. Nasan na? Nasaan na yung p@#&$*#*ng hayop na yon?!

"Kalma lang," bulong ko sa sarili ko. "Wala na. Wala na yung palaka. Matutulog na nga ako. Kaloka."

Humiga na ako at pinatay ang mga ilaw. Ugh. I hate frogs! I need to close my eyes and sleep. Pero parang may nakatingin saken.

Pagdilat ng mga mata ko...

*Kokak!*

"asdfghjkl!" I don't even know how I said what I said pero WHAT THE HELL!

"Lumayo ka saken asdfghjkl!" Naiiyak nako. Bakit may palaka sa kama ko?! Ano bang nagawa kong masama?! Bakit ba ako nandito?! Badtrip naman eh :'(

*Kokak! Wag kang ma-scared, ples. Kokak!*

Huminto bigla ang pagtulo ng luha ko. Parang umakyat pabalik sa mata ko. What just happened? Nagsalita ba 'tong hayop na 'to?

*Kokak! I'm mabait. I won't make sakit sakit to you. Kokak!*

Okay. That's it. Baliw na nga talaga ako.

*Kokak! Make usap to me, ples. Kokak!*

"Siguro kailangan ko ulit magpagamot kay Thelessa," bulong ko.

*Kokak! Don't make isnab isnab to me! Kokak!*

"Alis ka na dito, please," naiiyak kong sabi.

*Kokak! But I kailangan you. Ples, make tulong tulong to me. Kokak!*

"Ano ba yon? Kailangan mo ng foods? May lamok sa labas. Doon ka nalang," naiinis ko nang sabi. Nababadtrip nako. Pagod nako tapos may palaka pa dito. Ugh.

*Kokak! I'm not gutom. Me hindi kain lamok. Diet me. Iba wish ko. Ples, help me. Kokak!*

"Ano ba kasi kailangan mo?!" At bakit ba kasi ganito 'tong hayop na 'to magsalita? Parang ewan. Nakakainis lang lalo.

*Kokak! Kiss me. Kokak!*

Tagal kong napatunganga sa maliit na hayop na nasa harap ko.

"May dala ba akong kutsilyo? Parang may gusto akong hatiin sa gitna," bulong ko.

*Kokak! Ples, i'm not making biro. Make seryoso ka naman. Kokak!*

"NABABALIW KA BA?! WALA PA NGA AKONG FIRST KISS TAPOS IKIKISS KITA?!" inis kong sabi.

*Kokak! Kapag kiniss moko, magiging tao na ako uli. Kokak!*

"Ha?!"

*Kokak! Sinumpa kasi ako ng isang witch. Sa sobrang gwapo ko kasi, nainlove siya saken. Kaso di ko siya bet kaya nabroken siya. Sinumpa niya na magiging palaka ako at magiging tao lang ako ulit kapag may kumiss sa akin na isang princess. Ples, make tulong to me. Kokak!*

"Hindi. Ayoko." Tumayo ako at may kinuhang tela. Ginamit ko ito para hawakan yung palaka at itapon sa labas ng bintana.

Finally, makakatulog na ako.

EMERALD (Published Under Pop Fiction) Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang