Chapter 4 - The Vladimirs

212K 7.1K 3.3K
                                    


This chapter is dedicated to jennybiee dahil pinasaya niya ako today :))

------------------------------------------------------------------------------

CHAPTER 4 - THE VLADIMIRS

"Kailangan ko ba talaga isuot 'to?"

"Ofcourse, princess." sabi ni Felicity.

Eto nanaman ang tawag nila sa akin. Sumimangot ako. Ayokong tinatawag akong Princess. Ang awkward eh. Parang..di bagay sa akin. Hindi ako sanay.

"Please. Wag niyo akong tawaging princess. Please." sabi ko habang sinusuot nila sa akin ang red dress ko. Mahaba at vintage style ang dress. Formal na formal. Kung white 'to, baka magmukha akong ikakasal.

Inupo nila ako sa harap ng mirror ko na may emerald stones na design sa gilid. Naramdaman kong tinatalian ako ni Lucinda.

"Mga Guardians ko rin kayo diba?" bigla kong tanong. Tumango naman silang apat. Nilalagyan ni Meredith ng nail polish ang kamay ko samantalang si Aliyah naman ang naglalagay sa paa. Si Felicity naman ang naglalagay ng blush on sa mukha ko. Hindi ako comfortable. Sobrang dami nilang ginagawa sa katawan ko.

"Ibig sabihin.. marunong kayo makipag-laban?" tanong ko.

"Nagtraining na kaagad kami simula palang noong bata kami." sabi ni Meredith.

"Bakit naman? Diba dapat, nasa school kayo?" sabi ko.

"Bukod sa nag-aaral kami, nagtatraining din kami para maging Guardians mo." sagot naman ni Felicity.

"Ha? Ibig sabihin.. dati palang.. alam niyo na?"

"Ipinanganak ka palang, planado na agad ng King. Bago siya mamatay, naayos niya na ang future mo." sabi ni Lucinda.

"Ang King ang nagsabi sa mga magulang namin na magiging Guardian mo kami. Pati nga ang mapapangasawa mo ay planado na." sabi naman ni Aliyah.

Nanlaki naman ang mga mata ko.

"Pati mapapangasawa ko?! Ikakasal ako?!" gulat kong tanong.

"Syempre naman." sabi ni Meredith.

"Papakasalan ko ang isang taong hindi ko naman kilala?"

"That's part of you being a princess. Kailangan mo pakasalan ang isang prince o isang tao na may power o pera para sa kaharian mo." sabi ni Lucinda.

Nalungkot naman ako. Pangarap ko pa naman magpakasal sa isang taong mahal ko talaga.

"Sino ba yung future husband ko?" tanong ko.

"Hindi rin namim alam. Ang Queen lang ang nakakaalam." sabi ni Meredith. "Pero don't worry. Hindi ka pa naman ikakasal. Ikakasal ka kapag 19 o 20 ka na."

Tapos na sila ayusan ako. Sinuot ko na ang Red high heels na shoes na hinanda nila. Sinuot sa akin ni Meredith ang Emerald Locket ko.

"Para saan 'to? Parang di naman bagay sa suot ko." sabi ko.

"Napakaimportante niyan Emerald. Wag na wag mong huhubarin 'yan. Mapoprotektahan ka niyan." sabi nila.

Tinignan ko naman ang Emerald Locket.

*poof!*

Napangiti ako nang nag-appear sa harap ko si Tipsy. Isang maliit na pixie. My very own Pixsenger.

"Shabi ng Queen bumaba na daw shi ikaw kashi malapit na daw ang mga bishita." bulong sa akin ni Tipsy. Sobrang cute niya talaga.

*poof* nawala na si Tipsy.

EMERALD (Published Under Pop Fiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon