Chapter 3

205K 7.4K 2K
                                    

CHAPTER 3

"Goodmorning, Princess!"  Napanganga ako sa nasa harap ko. Ang daming pagkain!

Pagkagising ko palang ay pinaligo na ako kaagad at sinuot ang niready na damit nila Meredith, isang yellow sleeveless floral dress na hanggang tuhod lang with white doll shoes. Sinuotan pa nila ako ng hair clip na made of small emerald stones.

Inassist ako nila Meredith papunta sa dining room at nakita ang mahabang lamesa. Nakaupo sa gitna ang Queen at nasa right side ng lamesa nakaupo yung apat na kapatid ko.

It's still weird na may kapatid ako. 18 years akong nabuhay na walang Ate. Tapos kahapon, instant na nagkaroon ako ng apat na Ate.

"Goodmorning, sweetheart. Sit down next to Sapphire. I want tell you something at may mga gusto rin ako ipakilala sayo." nakangiting sabi ng ni.. ano nga ba ang dapat kong itawag sa kanya? Queen? o Mommy?

Umupo na ako sa tabi ni Sapphire. Nginitian niya ako at medyo lumapit sa akin.

"Mother ang tawag namin sa kanya. Ayaw niya kasi ng Mommy o Mama o Mom." bulong niya saken. Wait, paano niya nalaman yung iniisip ko kanina? "And, I don't read minds. I just know kung ano iniisip mo dahil sa facial expressions mo."

"Emerald, sweetie, I want you to meet these brave lads." sabi ni, err, Mother. May pumasok na apat na lalaki kasunod sila Meredith, Lucinda, Felicity at Aliyah. Namukhaan ko sa apat na lalaki yung dalawang nagdala sa akin dito.

"This is Mattheus Pearson." tinuro ni Mother yung blue eyed guy na nagdala sa akin dito. Ang sungit parin ng awra niya. "Anak siya ng pinaka-skilled na noble knight dito."

"Eto naman si Jared Crawford." tinuro naman niya yung blonde guy na naghatid sa akin kahapon. "He is from a noble family."

"This is Brix Clarck. Anak din ng isang well-known noble knight." sunod na itinuro ni Mother yung isang lalaki na blonde din. Napakamatipuno ng katawan niya! Ilan kaya abs niya? 6? 8? Ugh. Stop imagining Emerald! Ew. Dirty mind.

"And lastly, Zaccharius Lockwood. A descendant from our closest family friend." tinuro niya yung last na lalaki. Naspeechless ako sa itsura niya. Beyond perfection. Sobrang gwapo. He's like a greek God. A playful smirk appeared on his face nang magtama ang tingin namin. Naramdaman kong uminit ang mukha ko.

"Psst. Sis. Bunso." rinig kong bulong ni Ate Sapphire. "Mag-ingat ka sa mga 'yan. Mga babaero yan. Off limits. I forbid you."

"Oy, anong pinagbubulungan niyo diyan? Isali niyo ako." natawa ako sa sinabi ni Ate Jade. Akala ko masusungit sila dahil hindi nila ako masyadong pinapansin kahapon.

"As I was saying, Emerald. These are your Guards. Kasama yung 4 beautiful ladies na nag-aayos ng mga kailangan mo." sabi ni Mother. Napatingin naman ako kanila Meredith. Nginitian nila ako.

"Guards?" I manage to say. "Kailangan ko po ng Guards?"

"Itong 8 na ito ang magbabantay sayo wherever you go. Syempre ang girls lang ang allowed sa loob ng kwarto mo pero kapag lalabas ka ng castle ay dapat may atleast 1 or 2 kang kasama mula sa Guards mo." Paliwanag ni Mother.

"Kailangan po ba talaga na may Guards ako?" tanong ko.

"Ofcourse!" biglang sabi ni Ate Amethyst. Ngayon niya lang ako kinausap simula nang dumating ako dito. "Hindi natin alam kung kailan ka pwede dakipin ng Dark Side!"

"And hindi lang ang Dark Side ang pwede manakit sayo. May mga creatures din sa labas na delikado." sabi naman ate Ruby.

"Your sisters are right." sabi ni Mother.

*poof!*

Magsasalita sana ako ulit pero napanganga ako. May bigla nag-appear sa tabi ni Mother.

Is that..?

"IS THAT A FAIRY?" sigaw ko. Maliit lang siya at kasing laki lang ng kamay ko. She has small wings at pinalilibutan siya ng glitters.

Bigla namang natawa ang lahat ng nasa paligid ko. Bakit? May nasabi ba akong nakakatawa?

"Sis hahahahaha hindi yan fairy! Hindi naman nag-eexist ang mga fairy! Hahahaha!" natatawang sabi ni Sapphire. Grabe. Pagtawanan ba naman ako ng mga 'to. Malay ko ba! Hindi naman ako dito lumaki eh! Kahit yung masungit na si Matt ay natawa.

"It's a Pixie, Emerald." sabi ni Ate Amethyst. "We sometimes call them as the Pixsengers. Sila ang instant messenger dito. Phones don't exist here. At mas mabilis ang Pixsengers. Nag-aappear sila bigla sa taong gusto mong padalhan ng mensahe. And may privacy dahil ibubulong nila sayo ang mensahe na dala nila."

Tinitigan ko yung lumilipad na pixie sa tabi ni Mother. Ang cute cute. Ang liit liit.

"Can I have one?" tanong ko while still looking at the pixie.

"You already have one. Tipsy yata pangalan ng sayo." sabi ni Mother bago humarap sa pixie niya para kausapin.

"Try calling her sis. Sa isip mo lang siya tawagin at lalabas na kaagad siya." sabi ni Ate Sapphire. Sa isip lang?

Pumikit ako.

'Tipsy?'

Narinig kong may nagpoof sa harap ko. Pagdilat ko ay sinalubong ako ng isang green pixie. Lalaki siya at ang cute cute kasi chubby siya!

I stretched out my hand at umupo siya sa kamay ko. Ang adorable! Nakakagigil!

"Oy. Baka kainin mo 'yan ah." Nagtawanan kami sa sinabi ng Brix. Umupo na pala sila sa mga bakanteng upuan sa tapat namin. Humarap na sa amin si Mother pagtapos niyang makausap ang pixie niya na nawala nalang bigla.

"Mattheus." seryosong sabi ni Mother. Lumabas bigla sa awra niya ang awra ng isang powerful Queen. "Gusto kong bantayan niyo si Emerald nang mabuti. May parating na mga bisita bukas."

"Why, Mother? Sino ang mga bisita?" tanong ni Ate Amethyst.

"Ang Vladimirs."

Nanahimik bigla sa buong dining hall. Parang biglang lumamig ang paligid. Narinig kong nabitawan ni Sapphire ang kutsara niya. Di pa pala kami nakain.

"WHAT?!" sigaw bigla ni Ate Amethyst.

"Mother, hindi pwede!" bigla namang sabi ni Ate Ruby.

"Nararamdaman kong may masamang mangyayari bukas." sabi naman ni Ate Jade. Hinilot ni Mother ang noo niya.

"Unexpected ang pagdalaw nila dito kaya nagulat din ako. Pero we don't have a choice. It's part of the alliance. Kakampi natin sila. Panget naman kung tatanggihan natin ang pagpunta nila dito." sabi ni Mother.

"Excuse me, Queen Diamond, pero diba po hindi masyadong nalabas ang Vladimirs sa castle nila?" tanong ni Lucinda.

Teka nga? Sino ba 'tong mga Vladimirs? Noble Family din ba?

"Malamang kaya sila pupunta dito ay para makita si Emerald." sabi ni Ate Amethyst. "Mother, baka may gawin silang masama."

Teka! Bakit nasama bigla ang pangalan ko?

"Kaya nga pinapabantayan ko sa mga Guardians si Emerald para ligtas siya."

"Wait," sabi ko bigla. "Mother, sino po ba itong mga Vladimirs?"

Tumahimik nanaman bigla ang buong dining room. Tumingin silang lahat sa akin. May malamig nanaman na atmosphere.

"Trust me, You don't want to know."

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

EMERALD (Published Under Pop Fiction) حيث تعيش القصص. اكتشف الآن