THELESSA'S POV

124K 4.1K 959
                                    

"ALL HAIL THE KING!"

"LONG LIVE THE QUEEN!"

Nagpalakpakan ang lahat at nagdiwang para sa bagong kasal na hari at reyna ng Middle Village.

Queen Emerald Prescott-Pearson at King Mattheus Pearson.

Lumapit ako sa kanila at nginitian sila. "Congratulations!"

"Thank you po Thelessa," nakangiting sabi ni Emerald at niyakap ako.

'Thelessa. Makinig ka.'

Nagdilim nanaman ang paningin ko at naririnig ko nanaman siya. Naramdaman kong bumitaw sa akin si Emerald.

"Matt... si Thelessa," rinig kong sabi ni Emerald.

"Isang Chant." bulong ni Matt.

Napaluhod ako. May binubulong nanaman siya sa akin. Pinapakita nanaman niya sa akin ang mga mangyayari. Ilang beses ko nang napanaginipan ito. Mas malinaw ko nang nakikita ang lahat di tulad ng dati.

"Thelessa?" Napatayo na ako at hinawakan sa balikat si Emerald.

"Magkakaanak ka."

Ngumiti siya at tumingin kay Matt. "Narinig mo ba 'yon? Magkakaanak tayo!"

"Hindi pa ako tapos." Napawi bigla ang mga ngiti nila. "May lalaki na dilaw ang buhok. May babae na dilaw din ang buhok. Isa sa kanila ay magiging anak ninyo. Pareho nilang tatapusin ang lahat."

"Anong ibig sabihin nito..." mahinang sabi ni Matt. "Anong tatapusin nila?"

"Isa ay magiging anak ninyo, ang isa naman ay manggagaling sa ibang mundo. Alagaan ninyo sila pareho," sabi ko at lumayo nang konti kay Emerald. "Magkakaroon ng digmaan sa tamang panahon. Kapag sila'y nasa tamang edad na."

"Digmaan?" naguguluhan tanong ni Matt.

"Hindi mo ba alam?" tanong ko. "Digmaan ang pinili ni Emerald para makasama ka."

Napahawak bigla si Emerald sa bibig niya. "Nasusuka ako."
______________________________________________________________________________

May nagtanong bakit daw buntis agad eh kakakasal palang. Malay nyo, may nangyari muna bago sila ikasal ;)

BITIN BA ULIT? HAHAHA. DI BALE, MAY GINAGAWA NA AKONG BAGO ;)

-Onneechan

EMERALD (Published Under Pop Fiction) Where stories live. Discover now