Chapter 32 - Three Sisters

113K 4.6K 1K
                                    

CHAPTER 32 - THREE SISTERS

"Sino ba 'yon?" tanong ko kay Matt habang nakatingin sa statue ng lalaki na binubuhat na nila Zac palabas ng castle.

"Si Alden. Servant lang dito. Siya yata yung isang tagaluto sa kitchen."

"Kailangan talaga may kadugtong na LANG yung servant? Kailangan talaga servant LANG? Hindi dapat minamaliit ang mga servant. Sila ang bayani ng pamilya nila," sabi ko.

Tinitigan naman ako ni Matt. "Kumalma ka nga."

Kaya pala hindi ko kilala yung servant. Never pa kasi akong nakapunta sa kitchen. Pero anong nangyari sa kanya? Paano siya naging statue?

"Emerald," tawag sa akin ni Meredith. "Nakahanda na ang hapunan."

Naglakad na kami papunta sa dining hall. Ang mga nakakasalubong naming mga katulong ay nagbubulungan tungkol sa kay Alden. Nagtataka rin sila kung bakit naging statue si Alden.

At kung bakit nakatayo sa tapat ng kwarto ko.

Pagdating namin sa dining hall ay naabutan namin si Mama na kausap yung pixie niya. Busy nanaman yata. Kung iisipin, hanggang ngayon ay hindi parin kami nagiging close. Ilang buwan na rin akong nandito pero never pa kaming nagkaroon ng time na kaming dalawa lang talaga ang magkasama.

Umupo na ako sa upuan ko. At as usual, nakatayo sa likod ko sina Matt. Tahimik lang yung mga Ate ko. Si Ate Jade ay may binabasang libro. Si Ate Sapphire naman ay kausap din ang pixie niya. Habang si Ate Amethyst naman ay may sinusulat.

Akala ko ba dinner time na? Diba dapat busy na kami sa kakakain ngayon?

Napatingin si Mama saken. May binulong siya sa pixie niya at nawala na ito. "Amethyst, Sapphire at Jade, itabi at itigil niyo muna 'yang mga ginagawa niyo. Kumain muna tayo."

"Oo nga pala," sambit nila Ate at itinigil na mga ang mga ginagawa nila.

Nagsimula na kaming kumain. Nagkwento si Ate Jade tungkol sa librong binabasa niya. Tungkol daw ito sa dalawang pixie na nainlove sa isa't isa. Hindi ako masyadong nakinig kasi bitter ako.

Patapos na kaming kumain nang magsalita si Mama. "Emerald, binalita sa akin ng pixie ko yung nangyari kay Alden. Kailan mo balak sabihin sa akin 'yon?"

Oo nga pala. Nalimutan kong sabihin kay Mama. Expected ko kasi na sila Matt na ang magsasabi.

"Nakalimutan ko po, sorry."

"Bakit, Ma? Anong nangyari kay Alden?" tanong ni Ate Amethyst.

"He somewhat turned into stone," sagot ni Mama.

Tumingin sila bigla kay Ate Sapphire na umiiyak na ngayon. Bakit? Close sila nung Alden?

"Kalaro kasi ni Sapphire yun nung bata pa sila. Bestfriend niya kumbaga," bulong saken ni Ate Jade. Bata pa pala yung Alden? Hindi ko kasi napansin dahil naging statue na siya. At hindi ko naman siya nakita ever since dumating ako dito.

"Ma," tawag ni Ate Jade kay Mama. "Parang may nabasa na akong libro na familiar sa nangyari kay Alden."

"Meron nga. Sundan niyo ako. Pupunta tayo sa library. Now na."

Bakit kami pupunta sa library? Anong meron? Tumayo na nga kami at sumunod kay Mama.

Nararamdaman kong may mangyayari nanaman. Nanaginip nanaman ako kagabi eh. Tapos may statue bigla sa tapat ng kwarto ko.

"May napanaginipan ka nanaman ba kagabi?" tanong sa akin ni Matt. As usual kasi, nakasunod nanaman sila nina Jared sa akin.

Teka, sasabihin ko ba? Sige na nga. Baka magalit nanaman 'to sa akin eh. Ugh.

EMERALD (Published Under Pop Fiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon