Chapter 16

130K 5K 710
                                    

CHAPTER 16

Nakakunot lahat ng noo ng mga tao sa paligid. Pati saken. Bakas sa mga mukha namin ang pagtataka.

Naramdaman ko na nasa likod ko na pala sina Matt, Zac, Jared at Brix. Binantayan ako bigla. Tinignan ko ang mga ate ko, maputla ang kanilang mga mukha.

"A-Ano--"

"Yun lang ba ang narinig mo, Thelessa?" seryosong tanong ni Mama sa kanya.

"Opo, mahal na reyna. Yun lamang po. Nawala na po siya agad," malumanay naman na sabi ng engkantada.

Narinig? Anong narinig? Wala naman akong narinig kanina bukod sa kanta niya?

"Matt, dalhin niyo na si Thelessa at si Emerald sa Royal Living Room," utos ni Mama. Royal Living Room? Yun ba yung room sa likod namin? Sa likod ng thrones namin kung saan ako dinala ni Mama noong first time ko palang dito?

Tama. Doon nga kami pumunta. Gaya ng dati, ganoon parin ang itsura ng kwarto. May fireplace. May gold designs ang walls. May diamond chandelier. May dalawang mahabang sofa.

Umupo na ako at umupo sa tapat ko si Thelessa. Nginitian niya ako. Kahit natakot ako sa kanya kanina, ang ganda niya parin.

Sobrang ganda niya talaga. Hindi ko maexplain kung gaano siya kaganda. Siguro kung tatanungin ko kayo kung sino ang pinakamagandang artista na kilala niyo, mas maganda si Thelessa doon ng sampung beses.

"Natakot ka ba sa akin?" malumanay niyang tanong.

Nung una, nahirapan akong magsalita dahil nashoshock parin ako sa ganda niya. "Opo..."

"Bihira lang ako magkaganon. Nangyayari lang yon kapag kinakausap niya ako. Kinakausap lang niya ako kapag mahalagang mahalaga ang mensahe. Parang sinasapian niya ako panandalian. Kinakanta niya palagi ang mga mensahe na binibigay niya sa akin kaya kumanta ako kanina," sabi niya saken.

"Niya? Sino po siya?"

"Goddess of the light forest. Ang nanay naming mga Engkantada," sabi niya.

Goddess of the  light forest? Meron pala 'non?

Lumapit na siya sa akin at hinawakan ang braso ko na naging itim dahil sa witch. Lumiwanag ang kamay niya at gumaan ang pakiramdam ko. May binubulong siya pero hindi ko marinig. Maya-maya'y pagtingin ko, wala na ang itim.

Binitawan niya na ang braso ko at sumandal sa inuupuan niyang sofa. Nakatayo lang malapit sina Matt, Zac, Brix at Jared sa pinto. Tinignan ko lang si Thelessa.

"Gusto mong tanungin kung ano ba ang ibig sabihin ng kinanta ko kanina 'no? Ng binulong sa akin ng Goddess?" Tumango ako. Ano ba kasi ang ibig sabihin niya? "Uulitin ko para sayo."

Kinanta nita ulit ang kanta.

'Wala sa kanila ang hinahanap.
Madilim ang magiging hinaharap.
Isa lang ang makakapagligtas,
Tumatakbo na ang oras.

Makakahanap ng pag-ibig na bawal.
Babalutin ng dilim ang hindi dapat.
Mabibigo sa dapat na pinapangalagaan.
Kamatayan ang magiging kapalit ng lahat.'

"Maliwanag na ba sayo?" tanong niya.

"Hindi parin po."

"Ikaw lamang ang makakaalam ng sagot sa awit, Emerald. It is, after all, your Chant."

"Chant?"

"Iyon ang tawag namin sa awit ng Goddess. Sinasabi ng Chant ang future mo. Ang mangyayari sayo. Ang kahahantungan mo."

Napalunok ako. Ibig sabihin... parang hula 'yon? Parang mga manghuhula sila?

"Hindi ka naniniwala?" Tumango ako. "Hindi rin naniwala ang ilan sa Chant namin. Pero alam mo bang nagkatotoo ang lahat? Kilala mo si Noria diba? Noria Arraya?"

"O-Opo... Paanong... Bakit niyo po siya kilala?" Paano niya nakilala ang dating pangulo ng bansa namin?

"Narinig niya ang Chant namin sa panaginip niya. Sa panaginip niya, we warned her na lahat ng masamang ginawa niya ay may kapalit. Pero she didn't listen. Hindi siya naniwala. Look what happened."

What the hell? "Seryoso?! Ibig sabihin ba nito'y mangyayari sa akin ang lahat na nasa kanta mo kanina? Makakahanap ako ng pag-ibig na bawal? May mamamatay? May magliligtas? Tumatakbo ang oras? Naguguluhan po ako."

May kumatok sa pinto at bumukas ito.

"Pinapatawag kayo muli ng mahal na reyna. May bisita daw po tayo," magalang na sabi ni Meredith. Tumango kami at lumabas na. Umupo na ako muli sa throne ko habang si Thelessa ay nakatayo sa tabi ko.

"Sino po ang bisita Mama?" tanong ko.

"Si King Vladimir."

Naramdaman ko ang pagkagulat ni Thelessa. Bumukas ang malaking pinto ng great hall at isinigaw na nga ng kawal ang pangalan ni King Vladimir. Lahat kami'y nakatingin sa kanya habang siya ay naglalakad papasok.

Pero siya ay sa iisang tao lang nakatingin.

Kay Thelessa.

______________________________________________________________________________

EMERALD (Published Under Pop Fiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon