Chapter 5 - Bitten

158K 6.7K 648
                                    

Dedicated ang chapter na ito sa mga masisipag na nagbabasa ng story na 'to kahit hindi naman siya ganun kaganda :)) Thank you <3

-Onneechan

~*~*~*~*~*~*~*~~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

CHAPTER 5 - BITTEN

"Anong ginagawa mo?!" gulat kong tanong. "Lumayo ka nga saken!"

Sinubukan kong itulak siya pero walang nangyari. Sobrang lakas niya.

Nakakatakot ang mga mata niya. Pulang-pula. Parang umaapoy. Hindi ko maalis ang tingin sa mga mata niya. Parang may bumubulong sa akin na wag sumigaw.

Hindi ko namalayan na unti-unti na pala siyang lumapit sa leeg ko. Nawala bigla ang mga bumubulong na naririnig ko kanina. Naramdaman ko nalang na may dalawang tumusok sa leeg ko.

A different kind of sensation filled my body. Nagpanic ako bigla.

WHAT THE HELL? VAMPIRE?

Mas lalong dumiin ang pressure sa leeg ko. Biglang pumasok sa isip ko. Si Matt.

"MATT! MAAAAAATT!" sigaw ko. Humigpit ang hawak ni Vincent sa bewang ko at mas lalong dumiin ang kagat niya sa leeg ko. Naghihina na ako. Lumalabo na ang paningin ko.

"Matt.." bulong ko. Bumukas ng malakas ang pinto ng kwarto ko at nakitang pumasok sila Matt, Brix, Jared at Zac.

Nakita kong Hinatak nina Brix at Jared si Vincent papalayo sa akin. Pulang-pula parin ang mga mata niya.

"Emerald? Emerald? Naririnig mo ba ako?" tinapik ni Matt yung pisngi ko. Tinitigan ko lang siya. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko rin maigalaw ang katawan ko. Ang init ng lalamunan ko at parang may kumakalat sa buong katawan ko.

"ZAC! Tawagin mo si Amethyst!" utos ni Matt. Umupo siya sa tabi ko. Inangat niya ang ulo ko at nilapag sa lap niya.

Nakita kong naglabas ng kutsilyo si Brix. Akmang pupugutan niya na ng ulo si Vincent nang dumating sila Mother kasama si King Vladimir.

"Itigil mo yan Brix." napasimangot naman sila Brix kay Mother. Kahit ako, hindi ko siya maintindihan.

"Wala siyang kasalanan! Blood season ngayon. Hindi mo ba nakita ang kulay ng buwan?" sigaw ni King Vladimir.

"Emerald!" tumakbo papalapit sa akin si Ate Amethyst. Hawak niya ang kwintas niya na may kakaibang Amethyst stone sa gitna. Nakita kong pumasok din sa kwarto ko yung iba kong mga Ate.

Hindi na ako makahinga. Umiinit nang umiinit ang lalamunan ko.

"AHHHHHHH!" nagalaw ko ang kamay ko at napahawak ako sa leeg ko. "AHHHHHHHHH!"

"AMETHYST! DALI NA!" rinig kong sigaw ni Matt. Namumutla na siya.

Hindi ko na marinig ang mga sinasabi nila dahil sigaw na ako nang sigaw. Kumakalat ang init sa lalamunan ko.

Hanggang sa wala na akong maramdaman. Nagdidilim na ang paligid. Wala na akong makita.

~+~+~+~+~+~+~+~+~+~+~+~+~+~+~

Nasa gitna ako ng madilim sa gubat.

"Matt?" tawag ko. "Meredith?"

Nag-echo lang ang boses ko sa madilim na gubat. Tumingin ako sa taas at nakita ang kulay ng buwan.

Kulay pula nanaman.

May narinig akong gumalaw sa likod ko. Pero pagtingin ko wala naman.

"Emerald~" may bumulong ng pangalan ko. Inikot ko ang paningin ko sa paligid.

"Emeraaaald~" may bumulong mismo sa likod ko. Paglingon ko, walang tao. Malamig na hangin ang bumalot sa buong katawan ko.

Halos mapasigaw ako nang may lumabas sa likod ng isang puno.

"Vincent?! Prince Vincent?!"

Sobrang bilis siyang tumakbo papunta sa harap ko. Buong pwersa niya akong hinatak at tinulak sa isang puno.

Kakagatin nanaman niya ako! Pinikit ko ang mga mata ko. Nanginginig na ako sa takot.

"Ayoko! Ayoko! Please! Tulooong! Matt! MATT!"

Naramdaman kong may humawak sa balikat ko.

"Emerald?" isang pamilyar na boses ang narinig ko. Naramdaman kong may umupo sa tabi ko.

Teka, panaginip lang pala yung kanina?

Dinilat ko bigla ang mga mata ko. Unang-una kong nakita ang emerald chandelier ng kwarto ko.

"Matt?" tawag ko. Bigla namang gumalaw yung nasa tabi ko at nagsalita.

"Oh? Bakit?"

"Hindi ako namatay?" tanong ko. Alam kong ang tanga lang ng tanong ko dahil halata naman na buhay ako ngayon.

"Hindi ba obvious?"

"Pero.. paano?" tanong ko. "Ang huli ko lang naalala ay ang mukha mo at ang mukha ni Ate Amethyst."

"Hindi ka naman kasi talaga mamamatay eh. Magiging vampire ka lang kagaya ni Vincent. Ginamot ka ng Ate Amethyst mo kaya hindi natuloy." tuloy-tuloy niyang sabi. So far, ito na yata ang pinaka-mahabang usapan naming dalawa.

"Nasaan si Vincent?"

"Bakit mo naman hahanapin 'yon?" galit niyang tanong. "Last week palang, umalis na sila."

Last week?

"Anong last week? Eh kahapon lang sila nandito," sabi ko.

"Last week 'yon. Isang linggo ka nang tulog."

Isang linggo?!

_________________________________________________________________________________

EMERALD (Published Under Pop Fiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon