Chapter 14 - Dark Prince

136K 5.4K 1K
                                    

CHAPTER 14 - DARK PRINCE

=x=x=x MATT x=x=x=

"Zac," sabi ko habang kinakatok ang pinto ng kwarto niya. "Zac, gumising ka nga dali."

Tsk. Ayaw niyang gumising! Baka umalis na si Gretel. I tightly held my sword at tumakbo na.

Paglabas ko, wala na sila. NASAAN SILA? Nasaan na si Emerald at si Gretel?

"Emerald?!" sigaw ko. Walang sumagot. Ang tigas talaga ng ulo ni Emerald! Sabi ko hintayin ako eh!

Saan kaya sila pumunta? Malalagot ako sa Queen kapag hindi ko naibalik si Emerald! Tsk.

Tumingin ako sa malayo at ang tanging nakikita ko lang ay ang dark forest.

'Tulungan niyo po ako! Kakainin na po si Kuya Hansel ng witch!' naalala kong sabi ni Gretel kanina.

Witch. Dark Forest.

Tama. Puno ng madidilim na elemento ang dark forest. Baka nandoon ang sinasabing witch ng bata. Baka doon sila pumunta.

Mabilis na akong tumakbo papunta sa dark forest. Ang tanga mo talaga Emerald! Lagot ka saken pag may nangyari sayong masama!

=x=x=x EMERALD x=x=x=

"Ate Emerald! Sigurado po ba kayo na magpapaiwan kayo dito?" tanong sa akin ni Gretel.

"Oo, sigurado ako." Tumingin ako sa matanda. "Pakawalan mo na ang mga bata."

"Paano ako nakakasiguro na hindi niyo ako lolokohin?" tanong niya.

"I don't break promises."

Lumawak ang ngiti niya. "Lumayo ka na sa mga bata!"

Humigpit ang hawak sa akin ni Gretel. Naiyak siya. Nginitian ko siya at binitawan na. Umatras ako at sumandal sa pader. Lumapit yung matanda sa dalawang bata at may inilabas na gold key. Inilabas niya na si Hansel sa kulungan.

"Labas! Wag na kayong babalik dito!" sigaw ng matanda kay Hansel at Gretel. "Kapag tumawag kayo ng tutulong sa Prinsesa, susumpain ko kayo!"

Tinignan muna nila ako bago kumaripas ng takbo palayo sa bahay. Nakangiting tumingin sa akin yung witch at itinuro ang matulis niyang kuko sa akin.

"Esishasm meshieto eskiana merisa..."

Nanigas bigla ang aking buong katawan. Hindi ako makagalaw. Anong nangyayari? Ano 'yang binubulong niya?

"Matutuwa siya kapag dinala na kita sa kanya!" Tumawa ng malakas yung witch. Sino? Kanino niya ako dadalhin?

Lumapit siya sa akin at hinatak ako sa braso.

"ARAY!" Pagkahawak na pagkahawak palang niya sa akin ay napaso na ako. "D-Dark side ka..."

Tumawa nanaman siya. "Darling, lahat ng masasama sa mundo ay Dark Side. Bakit? Napapaso ka ba kapag nahahawakan ka namin? Ikaw nga ang hinahanap niya!" Hinigpitan niya pa ang hawak niya sa akin at hinatak ako. Lumabas kami at naglakad paakyat. Pa-slant kasi ang lupa sa likod ng bahay niya. Nalaman ko na may hill pala sa likod ng bahay niya at mukhang dadalhin niya ako sa tuktok.

"S-Saan mo ba ako dadalhin? Aray," tanong ko sa kanya. Kumakalat sa braso ko ang init dahil hinahawakan niya ako. Nasaan na ba si Matt?!

"Sa kanya." Nakarating na kami sa tuktok. "Matutuwa siya kapag inalay na kita sa kanya."

Inalay? Mas malaki ang buwan dito sa taas ng hill. Tinulak niya ako kaya napaluhod ako.

"Esishasm meshieto eskiana merisa..."

Mas lalong hindi ko magalaw ang katawan ko. Lumiwanag bigla at nakita kong sobrang liwanag ng buwan.

"Usosieha gisiomi misja hiso viseral koseta zisor..."

Naglabas siya ng kutsilyo at tinusok ito sa kamay niya. Napapikit ako. Dugo na ng dugo ang kamay niya. Kadiri. Bakit kulay itim ang dugo niya? Ano bang nangyayari? Bakit niya ba ako dinala dito? Paano malalaman ni Matt kung nasaan ako?

Nilapit ng witch ang nagdudugo niyang kamay sa noo ko at meron siyang drinawing doon gamit ang dugo niya. Nahilo ako bigla.

"Mahal na Prinsipe, narito na po ang matagal niyo nang hinahanap. Ang bunsong anak ng bunsong hari. Ang Prinsesa Emerald," sabi ng witch habang nakatingin sa buwan. Ang maputing buwan ay unti-unting nagiging itim. Humangin ng malakas. Sa di kalayuan ay may nakita akong lalaki. Sobrang dilim kaya hindi ko siya makita.

"Long time no see, aking prinsesa." Nanlamig ang buong katawan ko dahil sa boses niya. Parang narinig ko na ang boses niya pero hindi ko mawari kung sino siya.

"S-Sino ka... A-Anong kailangan mo sa akin?" natatakot kong sabi.

"Ako ang mag-aalaga, magpoprotekta at magpapahalaga sayo. Kailangan kita, at kakailanganin mo rin ako. Sumama ka na sa akin dahil--" Biglang may sumaksak sa likod ng witch. Kaya't nawala yung lalaki. Naging puti muli ang buwan.

"Matt!" masaya kong sabi. Nagalaw ko na ang katawan ko.

"Walang-hiya ka! Malalagot ka sa mahal na Prinsipe! Mamamatay ka! MAMAMATAY KA!" sigaw ng witch kay Matt bago ito mamatay at maging powder.

Lumabo na ang paligid at bumagsak nalang ako bigla.

"Emerald! Emerald okay ka lang?!"

***

Ang bango. Amoy sabon at strawberry. Ang tamis ng amoy. Dinilat ko na ang mga mata ko at ang una kong nakita ay ang langit.

"Buti naman nagising ka na." Nilapag niya ako sa lupa. "Ang bigat mo!"

Tumingin ako sa paligid at nakitang nasa labas na pala kami ng castle.

"Binuhat mo ako mula doon hanggang dito?!" gulat kong tanong. Grabe, nakakangalay 'yon! Tumayo na ako at sabay na kaming pumasok ng castle.

"Ang tigas ng ulo mo!" Pinitik niya ako sa noo. "Sabi ko sayo wag kang aalis nang hindi ako kasama! Paano kung napahamak ka? Ano nalang ang mangyayari saken?"

"Aray! Hindi ko naman kasalanan eh! Teka, nasaan na nga pala sina Hansel at Gretel?" tanong ko habang nakahawak sa noo ko. Ang sakit niyang mamitik!

He shrugged. "Hindi ko sila nakita."

Napahimas ako ulit sa noo ko. "Nasaan na yung drinawing ng witch sa noo ko? At..." Napasigaw ako sa braso ko. Kulay itim na ito. Anong nangyari?!

Hinatak ako bigla ni Matt at tinitigan ang braso ko. "Ginawa ba 'to sayo ng witch? Dark side siya?"

Um-oo ako. Galit na galit ang mukha niya. "Ito ang mangyayari kapag matagal kang nahawakan ng isang Dark Side."

"L-Lagot ako kapag nakita ito ni Mama at nila ate."

Napapikit si Matt. "Ano pa ang nakita mo bago ako dumating? Binura ko na ang nilagay sa noo mo. Isang symbol ito ng Dark Side."

Bumuntong-hininga ako. Sasabihin ko ba sa kanya?

"May nakausap akong lalaki. Madilim kaya hindi ko siya nakita. Matagal niya na daw akong hinahanap. Siya daw ang mag-aalaga, magpoprotekta at magpapahalaga sa akin. Kailangan niya daw ako at kakailanganin ko daw siya. Naputol na yung sinasabi niya dahil dumating ka," nakayuko kong sabi. "Prinsipe yata siya dahil 'yon ang tawag sa kanya ng witch."

"Ang dark prince..." inis na sabi ni Matt. "Emerald, mangako ka."

"Ano? Mangako ng ano?"

"Na kahit na anong mangyari, gagawin mo ang lahat mapalayo lang sa Dark Prince na 'yon kapag nagkita kayo ulit."

Magkikita kami ulit?!

______________________________________________________________________________

EMERALD (Published Under Pop Fiction) Où les histoires vivent. Découvrez maintenant