Chapter 28 - Rocco

104K 4.1K 544
                                    

CHAPTER 28 - ROCCO

"Sorry talaga." Lumapit sa akin yung lalaki at binuhat ako. Buti nalang at sinuot niya yung bath robe ko kaya hindi na siya nakahubad -_- Infairness. Gwapo nga siya. Pero galit pa rin ako!

*Kokak! Kokak! Kokak!* Asar! Bakit puro kokak lang nasasabi ko?!

"Ang hirap kaya maging palaka. Iiwan kita dito ha? Sorry kung nagsinungaling ako," sabi niya. "Try mo pang magsalita. Matututo ka rin."

*Kokak! Gusto kitang sakalin! Badtrip! Kokak!*

"Oha! Marunong ka nang magsalita!" Argh. Naiirita ako. May gana pa siyang magpatawa!

*Kokak! Ibalik mo na ako sa dati! Kokak!*

"Ayoko." Binaba ako nung lalaki sa lamesa. "Hindi talaga totoo lahat ng sinabi ko. Hindi ako sinumpa ng witch dahil nabroken siya saken. Sinumpa niya ako dahil ninakawan ko siya."

*Kokak! Magnanakaw ka pala eh! Kokak!*

"Pasensya na ha?" Sarkastiko niyang sabi. "Wala kasi akong trabaho eh. Di kagaya niyong mga anak mayaman na hindi na kailangan pang magtrabaho kasi may pera na kayo pangkain."

*Kokak! Kahit na. Masama paring magnakaw. Kokak!*

"Wala ka nang magagawa," Lumapit na siya sa pinto at binuksan ito. "Oo nga pala, ako nga pala si Rocco. Atleast bago kita iwan, alam mo kung ano ang pangalan ko."

*Kokak! Iiwan mo nalang ako dito? Kokak!*

"Anong gusto mo? Isama pa kita?"

*Kokak! Kailangan ba talaga na ako ang maging kapalit sa pagiging palaka mo?! Kokak!*

"Ewan ko. Hindi ko naman alam 'yan eh. Sinumpa lang ako ng witch. Hindi naman niya sinabi saken yung procedures or consequences."

*Kokak! Gumawa ka ng paraan! Kasalanan mo 'to! Kokak!*

"Busy ako. Magnanakaw pako sa castle na 'to. Ang dami palang pera ng mga vampire na 'to 'no?"

Tuluyan na siyang lumabas. Kaasaaaaar! Paano na ako? Forever na ba akong ganito?! Nakakaiyak naman.

Kalma lang. Umisip ka ng paraan Emerald!

Bumukas bigla ang pinto. OO NGA PALA! Muntik ko nang makalimutan sina Matt!

"Nasaan yung babaeng 'yon?" tanong ni Matt.

"Baka lumabas na," sabi naman ni Zac.

"Wala siya sa baba eh."

"Baka naman nasa banyo?" Napakamot sa ulo si Jared.

"Alam niyo ba kung ano yung twitter?" tanong ni Matt. Ugh. Muntik na akong mapa-face palm.

"Hindi eh," sagot ni Zac.

"Eh yung wattpad? Alam niyo ba?"

"Hindi ren. Bakit ba?" sabi ni Brix.

"Si Emerald kasi eh. Nabanggit 'yon." Sana tinanong nalang niya saken -_-

"Uyyyy. Curious ka ah. Yiiieeee," pang-aasar sa kanya ni Zac. Wow. Ganito pala pag magkakasama ang mga lalaki?

Binatukan sila ng malakas ni Matt. "Puro kabadingan na kayo porket nandito tayo sa castle ni Vincent. Nahawa na kayo sa kanya."

"Sus. Baka naman nagseselos ka lang kay Vincent?" sabi naman ni Brix.

"Tumigil na nga kayo," inis na sabi ni Matt.

"Oo nga. Baka nagseselos ka lang. Diba nga, ikaw yung tinutukoy ng tatay ni Emerald?" Teka. Ano yung sinasabi ni Jared? Tinutukoy ng tatay ko? Huh?

"Wag ka nang magsalita, Jared." Umiling nalang si Jared sa sinabi ni Matt.

"Hindi mo ba ipapaalam sa kanya?" tanong ni Zac. Ano ba yung pinag-uusapan nila?

"Hindi niya na kailangan pang malaman," sagot ni Matt. "Tara na, hanapin na natin si Emerald para makauwi na tayo."

Lalabas na dapat sila. Hindi nila ako pwedeng iwan! Ayokong maging palaka forever! Mamamatay ako dito.

*Kokak! WAG NIYO AKONG IWAN! Kokak!*

Napalingon sila bigla.

"May narinig ka ba?" tanong ni Matt kay Zac.

"Oo, parang palaka?" sagot ni Zac sabay turo saken. "Yun oh!"

"Sus. Palaka lang eh," sabi ni Brix. Lumapit siya at binuhat ako. Binuksan niya yung bintana at ihahagis na dapat ako.

*Kokak! Wag! Kokak!*

"Woah," sambit ni Jared.

"Nagsasalita..." sabi naman ni Zac.

*Kokak! Ibaba mo ako Brix. Kokak!*

"Kilala niya ako," gulat na sabi ni Brix.

"Baka chix mo yan dati tapos naging palaka na dahil broken hearted sayo," sabi ni Jared sabay tawa.

*Kokak! Ako 'to! Kokak!*

"Dalhin mo nga dito kama, Brix," utos ni Matt. Nilapag ako ni Brix sa kama.

*Kokak! Matt, ako 'to! Kokak!*

"Sino ka?" tanong ni Matt.

*Kokak! Emerald. Kokak!*

Tinitigan lang nila ako. Tapos maya-maya... tumawa sila bigla nang malakas. Yung tipong naiiyak na sila sa kakatawa.

*Kokak! ATAKIHIN SANA KAYO SA KAKATAWA! Kokak!*

"Seryoso ba 'to?!" natatawang sabi ni Matt.

"Sapakin mo nga ako, Brix! Nananaginip lang yata ako eh!" Ayun. Sinapak ni Brix si Jared. Tapos tumawa nanaman sila. Asar diba?

*Kokak! Tatawa nalang ba kayo diyan o tutulungan niyo na ako? Kokak!*

"Wait," sabi ni Matt tapos tumawa nanaman. "Okay, game na."

*Kokak! Nakakaasar na kayo ha. Kokak!*

"Ano ba kasing nangyari? Bakit ka naging ganyan?" tanong ni Zac.

Kinuwento ko sa kanila ang mga nangyari. Lahat lahat. Kung paano ako niloko ni Rocco. Pati yung storya nya kung bakit siya naging palaka naikwento ko. Kung hindi lang ako naging palaka, baka naawa pa ako kay Rocco. Pero manloloko siya at sinungaling. Ayoko pa naman sa lahat ang mga taong sinungaling. Kaya ang hirap magtiwala eh.

People always break their promises.

Napahugot pa tuloy ako -_-

"Nasaan na siya ngayon?" tanong ni Zac.

*Kokak! Baka nasa kwarto ni Vincent o kaya nina King Vladimir. Kokak!*

"Kapag ba kiniss ka namin magiging tao ka na rin?" tanong ni Jared.

*Kokak! Ewan ko. Kokak!*

"Ang mahalaga ay mahuli muna natin yung Rocco na 'yon para alam natin ang gagawin at para maparusahan siya," sabi ni Matt. Tumayo siya at lumabas ng kwarto. Siguro pupunta na sa kwarto ni Vincent na katabi lang naman ng kwarto ko. Binuhat ako ni Zac at sumunod na kay Matt.

Pagkabukas ng pinto...

Ay nakita namim si Rocco na nakatutok ang kutsilyo sa walang malay na si Vincent.

______________________________________________________________________________

EMERALD (Published Under Pop Fiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon