Chapter 8 - Queen?

150K 5.9K 1.1K
                                    

CHAPTER 8 - QUEEN?

"Ano?!" bigla kong nasabi. Halata sa mga mukha nila ang gulat. Siguro dahil ako ang piniling Queen at hindi si Ate Amethyst. Napatingin ako kay Ate Amethyst, nawala na ang ngiti sa mukha niya. Pati yung iba kong mga ate ay gulat na gulat.

Lumapit si Mama saken at bumulong, "We'll discuss this later."

Lumayo na siya sa akin at lumapit sa ibang mga King at Queen. Ano bang iniisip niya? Bakit ako? WALA AKONG ALAM SA PAGIGING QUEEN! Hindi ko pa nga matanggap yung fact na princess ako eh!

May narinig akong musika. Pagtingin ko sa taas ay nakita ko na ang mga pixies pala ang mga nakanta. Halos isang daan yata silang nakanta.

"Congrats!" Napatingin ako kay Zac.

"Bakit ako?" tanong ko sa kanya. "Kasama ka sa mga nakausap ni Queen sa Great Hall kahapon diba?  Bakit ako ang pinili niya? Ano ang pinag-usapan niyo?"

"Mas maganda siguro kung si Queen Diamond ang magsabi sa inyo ng dahilan," sabi niya. I can't stop myself from rolling my eyes at him. Bakit kailangan pang si Mama ang magsabi saken?

"Okay," sabi ko. "Nasaan sila Matt?"

"Nandiyan lang siguro sila. Magkakasama siguro sila nila Brix at Jared," sagot ni Zac.

"Bakit di ka nila kasama?"

"Humiwalay ako sa kanila para icongratulate ka eh," nakangiti niyang sabi. Magsasalita pa sana ako nang may lumapit sa amin.

"Hi." Nagpaalam na saken si Zac kaya kami nalang dalawa. Kinakabahan ako. Bakit iniwan ako ni Zac? Asar.

Nagbago bigla yung kinakanta ng mga pixie. Pamilyar sa akin 'tong kantang 'to ah?

"Hi, Prince Vincent." Tumayo ako at binati siya. Kanina pa pala ako nakaupo sa throne ko.

Nginitian niya lang din ako. Ang awkward.

"Ah ano-" sabay naming sabi. Natawa tuloy kami. Grabe. Sobrang awkward. Napahawak ako sa leeg ko. Nandoon parin yung bite mark niya. Bakit parang hindi na yata matatanggal 'to?

"Pwede ba kitang masayaw?" alok ni Prince Vincent. Tumingin ako sa paligid. Halos lahat ay nagsasayaw habang yung iba naman ay nakain at nag-uusap. Wala naman sigurong masama kung papayag ako.

"Okay." Hinawakan niya yung kamay ko at dinala ako sa gitna ng Great Hall kung saan nagsasayaw yung iba. Pinatong ko yung kamay ko sa balikat niya habang siya naman ay hinawakan ang bewang ko.

♬♪ Give me love like her
'cause lately I've been waking up alone,
Paint splattered teardrops on my shirt,
Told you I'd let them go. ♪♬

"Sorry," sabi niya bigla. Patuloy parin kami sa pagsayaw. Seryoso siyang nakatingin sa mga mata ko. Kakaiba talaga ang mata niya. Hindi tulad noon na pulang pula. Ngayon ay gold na medyo brown. Ang ganda.

"Para saan?"

"Sa nangyari noon. Noong... alam mo na. Noong kinagat kita," nakayuko niyang sabi.

"Alam ko namang hindi mo kasalanan eh."

♬♪ Give a little time to me, or burn this out,
We'll play hide and seek to turn this around,
And all I want is the taste that your lips allow,
My, my, My, my, oh give me love ♪♬

"Congratulations nga pala," sabi niya. "Unexpected talaga. Ikaw ang next queen!"

"Don't worry, hindi lang kayo ang nasurprise."

"What do you mean?" naguguluhan niyang tanong. "Ngayon mo lang din nalaman?"

"Obviously," mapait kong sabi. "Wala kaming alam ng mga ate ko. Kaya nga gulat na gulat ako eh."

"Relax lang. Bakit mukhang hindi ka masaya?"

"Kasi hindi pa ako ready. Grabe, information overload na nga ako nang dalhin nila ako dito eh. Tapos biglaan pa ang announcement na next to the throne ako. Paano na si Ate Amethyst? Matagal niya na yatang pinaghahandaan ang pagiging Queen niya. Sa tingin ko'y lubha siyang umasa't nasaktan," malungkot kong sabi.

Nginitian niya ako. "Kaya mo yan. Naniniwala akong kakayanin mo 'tong lahat."

♬♪ You know I'll fight my corner,
And that tonight I'll call ya,
After my blood is drowning in alcohol,
No I just wanna hold ya. ♪♬

Patuloy niya lang akong sinayaw. Nakakalunod ang mga tingin niya. Ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya.

Di na tulad noon.

♬♪ Give a little time to me, or burn this out,
We'll play hide and seek to turn this around,
And all I want is the taste that your lips allow,
My, my, my, my, oh give me love,
My, my, my, my, oh give me love,
My, my, my, my, oh give me love,
My, my, my, my, oh give me love, 
My my, my, my, oh give me love. ♪♬

"Mukhang close na kayo ah?" Napatigil kami sa pagsayaw nang lumapit si Matt.

"Matt..."

"Princess Emerald, salamat sa pagsayaw sa akin. Babalik na ako kay Vladimir," paalam sa akin ni Vincent. Tinignan niya si Matt bago umalis.

"Bakit ka lumalapit doon?" inis niyang tanong. Anong problema nito?

"Bakit? Nagsorry na siya. Pinatawad ko na," sabi ko.

"Paano kung saktan ka niya ulit? Tandaan mo na muntik ka na niyang patayin. A vampire will always be a vampire. A monster will always be a monster," sabi niya. May halimaw bang ganon kagwapo? Aish. Nababaliw na yata ako. Bakit ko ba iniisip 'to.

"Anong pinagkaiba nila sa inyo? Lahat kayo ay may weird powers or magic or whatever. Pare-parehas lang kayo," sabi ko. Tsk. Nahahighblood ako. Pero nagbago bigla yung mukha niya. Mula sa inis ay naging galit ang facial expression niya.

"Stop saying na kaparehas lang namin sila. Kahit kailan ay hindi namin magiging kaparehas ang mga halimaw na 'yon. Wala kang alam, Emerald," galit niyang sabi. "WALA KANG ALAM."

______________________________________________________________________________

EMERALD (Published Under Pop Fiction) Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz