Chapter 24 - Bad Dogs

120K 4.4K 2.4K
                                    

Random question:

Sino ang favorite niyong love team dito? Comment below :))

-Onneechan

______________________________________________________________________________

CHAPTER 24 - BAD DOGS

"Ano?!" biglang tanong ni Meredith.

"Anong sinabi mo?" sabi naman ni Felicity.

"W-Werewolf..." bulong ko. Naalala ko yung mga movies na napanood ko noon about sa werewolves. It all makes sense. Werewolf nga yung lalaki sa panaginip ko. Tama nga yung sa twilight. Gwapo nga talaga ang mga werewolf.

"Emerald, hindi mo dapat sinasabi 'yan," bulong ni Lucinda.

"Ha? Bakit?"

"Felicity, tawagin mo nga si Matt sa kwarto niya," utos ni Meredith. "Seriously, Emerald. Saan mo napulot yung... yung word na 'yon?"

"Ha? Bakit? Anong meron sa werewo--"

"SHH! WAG MONG SABIHIN!" Tinakpan ni Meredith yung bibig ko. "Maririnig ka nila."

"Ha?" naguguluhan kong sabi.

"Malakas ang pandinig nila at kapag binigkas mo ang tawag sa kanila, maririnig ka agad nila," paliwanag ni Lucinda.

"Kasama ba sila sa Dark Side?" tanong ko.

"Hindi. Mababait sila basta wag ka lang magkakamali na tumuntong sa teritoryo nila nang walang paalam," sabi naman ni Meredith.

Maya-maya'y dumating na si Matt.

"Bakit?" nakasimangot niyang tanong. Nainis ako bigla. Bakit ang sungit niya palagi saken? Ano ba nagawa ko?

Bakit kapag si Red naman ang kausap niya ay ang bait bait niya?

"Si Emerald kasi--"

"Meredith, shut up." Tumayo ako at binuksan ang pinto ng kwarto ko. "Matt, labas."

"Ha?"

"LABAS!" Medyo naguluhan si Matt kaya lumabas nalang siya. Malakas kong sinara ang pinto.

"Ano... bakit... ha?" naguguluhang sabi ni Felicity.

"Emerald, Matt needs to know this," sabi ni Meredith.

"Magkaaway ba kayo?" tanong ni Lucinda. Hindi ko sila pinansin at pumasok na ako sa banyo.

"Bakit ba kailangan kong sabihin kay Matt?!" inis kong sigaw.

"Because... he's like your number 1 protector, knight in shing armor, etc." sagot ni Felicity.

Knight in shining armor? Ew.

"Nandiyan naman sina Jared, Zac at Brix diba? Tsaka diba dapat kay Mama ko sinasabi?" Duh. Si Matt ba ang Queen dito?

Naligo nako't pagkatapos ay inayusan na ako nina Meredith. Hindi parin mawala sa isip ko yung panaginip ko. Bakit hinahanap ng werewolf si Red? Naalala ko yung sinabi ni Red kahapon. May tinatakbuhan daw siya. Yun kaya ang tinatakbuhan ni Red? Yung werewolf?

Bakit naman niya tatakbuhan ang isang werewolf na pag naging tao ay kamukha ni Jacob sa twilight? Tall, dark and handsome. Tapos may abs na--

"Emerald, namumula ka. Okay ka lang? May lagnat ka ba?"

*Malakas na katok*

"Grabe naman, ang lakas naman kumatok. Ang OA." Lumapit si Felicity sa pinto. "Sino ba 'yon?"

EMERALD (Published Under Pop Fiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon