Chapter 10 - Drowning Emerald

142K 5.5K 349
                                    

CHAPTER 10 - DROWNING EMERALD

"Ano ba Francis! Pagod nako kakatakbo. Saan ba tayo pupunta?!" naiirita kong sabi.

"Dito," nakangiti niyang sabi. Tumingin ako sa harap at nakita ang tinutukoy niya. Ito pala ang tinakbo namin. Mula sa castle hanggang dito sa pinakaloob ng forest. Ang ganda.

May waterfalls. Sa paligid na ito ay may iba't ibang malalaking bulaklak. OO MALALAKI TALAGA. Kasing laki ng isang average size na human face. Tapos Crystal clear talaga ang tubig. Kitang kita ang mga makukulay na isda.

Makukulay talaga. As in. Literal. Rainbow fish. RAINBOW. Glow in the dark pa yung iba. Ang ganda.

"Speechless?" Nginitian niya ako. Nasinagan ng araw yung buhok niya kaya napapikit ako. NAGSHISHINE NGA TALAGA YUNG BUHOK NIYA KAPAG NAAARAWAN.

"Sobrang ganda," sabi ko. "Anong tawag sa lugar na 'to?"

"Emerald."

"Ha?"

"Emerald ang tawag dito."

"B-Bakit?"

"Ito ang tinawag dito ng tatay mo bago ka isinilang. Hindi pa nila alam kung babae ba o lalaki ang magiging bunsong anak nila pero nang matagpuan ng tatay mo ang part ng forest na 'to, naisip niyang tinadhana na makita niya ang magandang lugar 'to. Isa daw itong pahiwatig na magiging babae ang anak niya. Kaya Emerald ang tinawag niya sa lugar na 'to." Tumingin si Francis sa waterfalls.

"Ang ganda. Grabe."

"Kagaya mo," sabay tingin saken. Ngumiti nanaman siya. Bukod sa nakakasilaw na nga ang golden hair niya, nakakasilaw pa ang kaputian ng mga ngipin niya. Perfect na perfect naman itsura nito!

Napatingin kami sa likod nang may narinig kaming kaluskos. Hinatak ako bigla ni Francis papalapit sa kanya.

"Wag ka maingay," bulong niya saken. Nakarinig nanaman kami ng kaluskos. At sa isang iglap ay may natumbang puno.

"Anong nangyayari?" tanong ko.

"Shhh," sabi ni Francis. "Hindi lang tayong dalawa ang nandito."

Umatras kami papalapit sa tubig. May narinig nanaman kaming kaluskos. Wala na ang magagandang isda sa tubig. Parang nagtago na sila. Parang may tinataguan sila. Pero, sino?

"Narinig mo 'yon?" tanong ni Francis.

"Yung ano? Yung kaluskos?"

"Hindi lang 'yon. Yung isa pa. Parang may gumalaw sa tubig."

"Ha? Malamang may gagalaw sa tubig, may waterfalls eh!"

"Iba yung tunog eh. Parang.. nevermind." Tumingin ulit siya sa paligid samantalang ako ay tumingin ulit sa tubig. Wala parin yung mga isda. Nasaan na sila?

"Teka lang Emerald ha? Parang may nakita akong nakinang doon eh," sabi ni Francis. Naglakad siya palapit sa isang puno. Pagtingin ko ulit sa tubig ay parang may nakita rin ako na nakinang. Parang gold? Lumapit ako at nilublob ang kamay ko sa tubig.

"EMERALD LUMAYO KA DIYAN DALI!" sigaw ni Francis. Nagtataka akong lumingon sa kanya. Bakit?

Bago ko pa marinig ang boses niya ay may humatak na sa akin papunta sa tubig.

Padilim na nang padilim.

Palalim nang palalim ang paglubog ko sa tubig.

Pahigpit pa nang pahigpit ang nakahawak sa kamay ko at humihila sa akin.

Hindi na ako makahinga. Wala na akong makita. Ang tanging naririnig ko lang ay isang maganda boses. Kumakanta siya at nakakaantok ang kanyang boses.

Sino ba 'tong humihila sa akin pababa?

Francis! Tulong!

EMERALD (Published Under Pop Fiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon