Chapter 23 - Howl

124K 4.6K 1.9K
                                    

Hello :)

Dedicated po ang chapter na ito kay IAmNathE dahil siya ang unang nakahula kung ano ang susunod na story sa Emerald :))

-Onneechan

______________________________________________________________________________

CHAPTER 23 - HOWL

"Oh my God, what happened to you?!"

Punong puno ng putik ang paa niya at may mga sugat siya sa kamay at braso. Gulo gulo rin ang buhok niya. Mukhang malayo pa ang itinakbo niya.

Sino ba 'to?

"Meredith, dalhin niyo siya sa isang spare room natin at paliguin niyo. Paghandaan niyo na rin siya ng damit pamalit," utos ni Mama. "Red, tell me what happened later, okay?"

"Sino ba siya?" tanong ko kanila Matt habang naglalakad kami papunta sa Dining Hall. Nagpaluto kasi si Mama ng mga pagkain para daw sa pagdating ni Red.

"Oo nga pala, hindi mo nga pala kilala si Red," sabi ni Jared.

"She's your cousin," sabi naman ni Zac. Tatawa at aasarin ko sana siya kasi nag-english siya bigla pero tinamad na ako kaya nanahimik nalang ako.

"Ang ganda parin talaga ni Red," sabi naman ni Brix. Napatingin siya sa akin at kumindat, "But baby, you're more beautiful."

Napatawa ako nang malakas nung sabay siyang binatukan ni Zac at ni Jared.

"Ang ingay niyo, umayos nga kayo." Inirapan ko nalang si Matt sa sinabi niya. Ang KJ niya -_-

"Sus, crush mo nga si Red dati diba." Napatingin ako sa sinabi ni Brix.

"Oo nga pala! Kaya pala masungit ka, Matt! Nandiyan kasi si Red!" natatawang sabi ni Jared. Nanahimik nalang ako kahit medyo curious ako.

Naging crush ni Matt si Red?

"Past is past," inis na sabi ni Matt.

"Bulok na 'yang quote mo, kadiri." Tumawa pa ng malakas sina Brix habang si Matt ay nakasimangot.

Umupo na ako sa tabi ni Ate Jade at nasa tapat ko naman si Ate Sapphire. Si Red nalang ang hinihintay namin. Mukhang excited at masaya sina Ate Sapphire nung nakita nila si Red. Kinukwento nila ngayon yung mga panahong kasama nila si Red.

Minsan iniisip ko kung ano ba ang feeling na lumaki sa mundong 'to. Kung ano ba ang feeling na makasama sila Ate sa paglaki. Kung magbabago ba ang ugali ko ngayon kapag nagbago ang nakaraan ko.

Pero minsan naiisip ko din kung ano kaya ang mararamdaman ko kapag biglaan ako nagising at panaginip lang pala ang lahat ng ito.

Malulungkot kaya ako o matutuwa?

Bumukas ang malaking pinto ng Dining Room at pumasok si Red. Suot niya parin ang red hood na suot niya kanina. Maganda siya. Blonde at straight ang buhok. May pagkapink ang mga pisngi at light blue ang mga mata... kagaya ng mga mata ni Matt. Bagay sila.

Ngayon alam ko na kung bakit siya nagustuhan ni Matt.

Napahawak ako sa puso ko. Nahihirapan ako huminga. Wala naman akong asthma. Mabilis kong kinuha yung baso ng tubig sa lamesa at uminom.

"Red!" masayang sabi ni Mama. "Sit down."

"H-Hello po," bati ni Red. Napatingin siya sa akin at ngumiti. "Hello, Emerald!"

"Hello," bati ko. Ngumiti rin ako pero mukhang awkward yata yung pagkakangiti ko.

Nagsimula na kaming kumain. Hindi namin maiwasan na mapatingin kay Red. Grabe, parang hindi na siya nanguya. Kulang nalang ay pati plato kainin niya. Parang isang buwan siyang hindi kumain.

EMERALD (Published Under Pop Fiction) Where stories live. Discover now