Chapter 38 - Aeric

103K 4.2K 1.1K
                                    

CHAPTER 38 - AERIC

"Ano?!" sabay-sabay naming sabi nila Matt.

"Ang gulo naman ng buhay mo," sambit ni Jared.

"Akala ko ba galing ka sa mundo nila Emerald? Paano ka naging mermaid?" tanong ni Zac.

"Pati ba si Zeke ay mermaid din?" tanong ko.

"Sino ba talaga yung Zeke?" tanong ni Matt.

"Hindi ba kayo nagugutom?" singit na tanong ni Brix.

"Ganito po kasi 'yon." Huminga ng malalim si Aerielle. "Diba po, hinabol ko si Kuya Zeke nung may kumuha sa kanya papunta dito? Tapos diba naligaw ako at hindi ko na nakita si Kuya? Doon ko nakilala si Ursula."

"URSULA?!" malakas ba sabi nina Zac. Teka nga. Sino ba 'yung Ursula?

"Opo, si Ursula. Tinulungan niya ako. Binigyan ng matitirhan at makakain. Pero sabi niya lahat ng bagay ay may kapalit. Hanggang sa nagising nalang ako na half human, half fish." Tumingin nanaman siya sa bintana. Sino ba yung Ursula na 'yan? -_-

"Napunta ako sa dagat. Hanggang doon lang ako. Nagtago. Hanggang sa nakilala ko si Eric. Isa siyang Modar. Nalulunod kasi siya at niligtas ko siya. Una, nagulat siya kasi isang mermaid ang nagligtas sa kanya. Pero eventually bumabalik-balik na siya para makausap ako. We fell in love," kwento ni Aerielle.

"Sinabi niya na mahal ka niya?" tanong ko.

"Minsan hindi na kailangan pa ang mga salitang Mahal Kita para malaman kung mahal ka ba ng isang tao."

Ha?

"Gustong gusto ko nang maging tao ulit. Pero ayaw ni Ursula. Ito daw ang kapalit ng pagtulong niya sa akin," dugtong ni Aerielle sa kwento niya. "Sinubukan akong itakas ni Eric. Dadalhin nalang daw niya ako sa kanila. May lake daw sila sa tabi ng bahay nila. Nagalit ako. Nababaliw ba siya?! Dadalhin niya ako sa bahay niya at ilalagay sa lake nila? ANO AKO?! ALAGANG ISDA? Simula 'non, hindi niya na ako binalikan."

Tumutulo na bigla ang mga luha ni Aerielle. "Mahal ko siya. Kaya ninakaw ko yung isang potion ni Ursula. Potion na magbabalik sa pagiging tao ko. Alam kong galit na galit na siguro si Ursula ngayon at alam kong hinahanap niya na ako. Pero wala akong pakialam. Mahal ko si Eric. Ipaglalaban ko siya. Kaya hinanap ko siya. May nagturo sa akin kung saan siya nakatira."

"Nagkita pala kayo eh," sabi ni Jared.

"Nakita ko siya. Pero hindi niya ako nakita. May kasama na siyang iba. Kinalimutan niya na ako."

Niyakap ko si Aerielle. Ang gulo ng naging buhay niya. Kung hindi lang kinuha ng Dark Side si Zeke... baka payapa silang nasa mundo namin dati.

"Am I not worth remembering? Am I not worth fighting for?" mahinang sabi ni Aerielle. Ang sakit. Tagos sa puso yung sinabi niya.

Umupo si Matt sa kabilang gilid ni Aerielle at humiga bigla. Wow ha. Sa kanya ba 'tong kwartong 'to? Akin 'to diba?

"Lahat ng bagay may kapalit," sabi ni Matt. "Yan ang sabi ni Ursula sayo diba?"

Um-oo naman si Aerielle.

"Yang pagmamahal mo, 'yang sobrang pagmamahal mo kay Eric, someday babalik din sayo ang ganyang klase ng pagmamahal. Masusuklian din 'yang pagmamahal mo. Pwedeng si Eric, pero pwede ding ibang tao. Hindi lang si Eric ang mamahalin mo." Tumayo na si Matt at nagstretch. Ang dami palang alam nito sa pag-ibig. Pumalakpak naman sina Zac at sumipol pa. Tuwang-tuwa sila sa kaibigan nila na naging cool bigla kasi ang galing mag-advice.

Tumigil na sa pag-iyak si Aerielle at nakatingin kay Matt. "Paano kung ayoko ng iba? Pano kung si Eric lang ang gusto ko?"

"Aerielle, sa tingin ko mas mahalaga kung mahanap na muna natin ang kuya mo para makabalik na kayo sa mundo niyo. Hindi kayo safe dito," sabi ko.

"Paano si Eric..." mahina niyang sabi.

"Ikaw na nagsabi na may kasama na siyang iba diba? Hindi ka na niya mahal."

"Ouch," bulong nina Brix. "Ang hard naman."

"Dadalhin ka na nila Matt papunta sa mundo natin dati. Kami na ang maghahanap kay Zeke," sabi ko.

Nagtataka siguro kayo kung bakit ang sungit ko. Naiinis kasi ako. Naiinis ako sa Eric na sinasabi ni Aerielle. Ayoko kasi sa lahat ay yung lalaking nang-iiwan. Yung lalaking tinuturing na parang damit lang ang mga babae kung magpalit.

Pinatulog muna namin si Aerielle sa isang guest room ng castle. Gabi na rin kasi. Delikado na. Gabing gabi na. Ngayon palang ako matutulog. Nakakapagod. Ang dami kong ginawa. Pero sa kabila ng mga ginawa ko...

Si Zeke...

2 years na ang nakalipas mula nung huli kong marinig ang pangalan niya. Zeke was my boyfriend 2 years ago. Until sa nawala siya bigla. Akala ko iniwan niya ako. Pero naipaliwanag na ni Aerielle kanina na kinuha siya ng dark side.

Kailangan kong mahanap si Zeke. Hindi para sa akin. Kundi para kay Aerielle.

****

"Sasama ka?" bungad ni Matt pagkakita niya palang sa akin sa labas ng castle.

"Oo naman," sagot ko. Katabi ko si Aerielle. Hawak niya na ang mga gamit niya. Dadalhin na namin siya sa mundo namin dati.

"Bakit?"

"Gusto ko eh."

Tinitigan lang kami ni Aerielle.

"Oy, tara na Matt! Alis na tayo!" sigaw ni Brix mula a chariot.

"Sasama daw si Emerald!" sagot ni Matt.

"Yehey! Tara na!" sigaw naman ni Jared. Napangiti nalang ako. Pasakay na sana kami nang may marinig kami. Parang may natawag.

"Aerielle!" Sino 'yon? Sa di kalayuan ay may lalaki na nakasakay sa kabayo at papunta sa amin.

"Sino 'yon?" tanong ni Matt.

"Eric..." sambit ni Aerielle.

Si Eric 'yon?!

Bumaba si Eric sa white horse at lumapit sa amin. Nagbigay-pugay muna siya sa akin bago humarap kay Aerielle.

"Hindi ka na mermaid..." hinihingal na sabi ni Eric. Gwapo nga siya. Black hair. Mukha siyang disney prince.

"Bakit ka nandito Eric?" tanong ni Aerielle. Mukhang iiyak nanaman siya.

"Hinanap kita. Bumalik ako sa dalampasigan pero wala ka na. Nakita ko si Sebastian. Sabi niya dito ka daw pumunta. Hinanap kita, Aerielle," sabi ni Eric.

"Anong kailangan mo, Eric? Bakit kailangan mo pa akong hanapin?"

"Hindi na natuloy ang kasal namin, Aerielle. Hindi ko talaga siya mahal. Pinilit lang ako ng mga magulang ko. Bakit ko naman papakasalan ang taong hindi ko naman mahal?"

Awwwwwwwwww.

Kinikilig ako kaasar!

"Ikaw ang gusto kong pakasalan. Ikaw ang mahal ko."

______________________________________________________________________________

EMERALD (Published Under Pop Fiction) Where stories live. Discover now