Chapter 6 - Dark Blood

184K 6.3K 1.7K
                                    

SA WAKAS.

-Onneechan

_______________________________________________________________

CHAPTER 6 - DARK BLOOD

"Teka.. muntik na akong maging vampire?!" Napatayo ako bigla.

"Ngayon lang nag-sink in sa utak mo 'yan?" naiiritang tanong ni Matt.

"Paanong.. anong ginawa ni Ate Amethyst?" tanong ko.

"Ginamit niya yung kwintas niya," sagot ni Matt. Ha? Ano daw? Kwintas?

Napansin ni Matt na mukha akong tangang nakasimangot dahil hindi ko maintindihan kaya nagsalita siya muli,"Ang kwintas ni Amethyst ay may healing power. Or more like, hinihigop ng kwintas nito ang sakit."

Napanganga ako. WTF. I can't believe it. Kung totoo 'to, bakit hindi parin nasosolusyunan ang cancer o ebola virus?

"Si Jade naman ay may Jade earrings. Malakas ang senses ni Jade. Kaya niyang maramdaman kung sino at paparating kahit malayo pa lamang sila. Minsan ay nakikita niya rin ang future pero bihira niya lang magawa," dugtong ni Matt. Naalala ko na nalaman ka agad ni Ate Jade ba papunta ang Vladimirs dito.

"Si Ruby ay may Ruby ring. Kaya niyang macontrol ang fire. At si Sapphire naman ay may Sapphire bracelets. She can ward off negative thoughts. Kaya niya tanggalin ang mga malulungkot na alaala mo. Pero she has a limitation. Negative memories lang ang kaya niyang burahin sa utak mo. Matitira parin ang happy thoughts sa brain mo," patuloy na sabi ni Matt. Umupo ako ulit sa kama ko. WTF. Too much information. Nananaginip lang talaga ako. Nakadrugs ba ako? Ilang araw na akong nandito. Ang haba naman yata ng panaginip ko.

Isa akong princess na may nanay na queen at apat na kapatid. Nasa lugar ako na puro magic o kung ano anong kakaiba. Nababaliw na yata ako.

"Ano 'yang suot mo?" turo ni Matt sa nakasabit sa leeg ko. "Locket?" nagtataka kong sabi.

"Emerald Locket?" tanong niya. Um-oo ako. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang locket ko. Pagbukas niya ay orasan pala ang laman ng locket. Akala ko picture.

"Orasan?" bulong niya.

"Bakit?" tanong ko. Tumayo siya at binuksan ang pinto ng kwarto ko.

"Bumaba ka nalang sa dining room kapag tapos ka nang mag-ayos," utos niya bago siya lumabas ng kwarto ko. Anong problema niya? At nasaan sila Meredith? Bakit wala sila dito?

Napatingin ako sa bintana. What the hell? Tumayo ako at binuksan ito. Naramdaman ko ang malamig na dampi ng hangin. Snow. It's snowing! Nilahad ko ang kamay ko sa labas ng binatana. First time kong makawitness ng snow!

Sinara ko agad iyon at pumasok sa banyo upang maligo. Bumaba kaagad ako at pumunta sa dining room. There I saw my mother sitting with Zac. Nasaan yung iba?

"Goodmorning," nakangiting bati sa akin ni Zac. Nginitian ko lang siya at umupo na. Sobrang dami nanamang pagkain na nakahain. May malaking chicken, strawberry cakes, pastas, fruit salad, different kinds of soups, roasted fishes, sandwiches, bacon, chocolate cupcakes, at kung ano ano pa.

"Okay ka na?" Napatingin ako kay mother. Um-oo ako at nagsimulang kumain. Wala akong ganang pag-usapan ang mga nangyari. Pero ang dami kong tanong sa isip ko. Ano nang nangyari kay Vincent? Ano na nangyari sa Vladimirs? Ganoon nalang? Pinabalik nalang sila sa lugar nila?

EMERALD (Published Under Pop Fiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon