Chapter 9 - 4 Kingdoms, 3 Suitors

162K 5.8K 2.5K
                                    

CHAPTER 9 - 4 KINGDOMS, 3 SUITORS

Tahimik kaming nakaupo habang palakad-lakad si Mama. Tapos na yung party at kami nalang magkakapatid at si Mama ang nandito. Pinauna niya nang magpahinga sina Meredith at Matt.

"Bakit, Mother?" mahinang tanong ni Amethyst. "Bakit si Emerald?"

"Diba kinasal ka na sa panganay na anak ni King Fernee? Hindi ikaw ang pinili ko dahil magiging Queen ka na doon sa kaharian nila, Amethyst," sagot ni Mama. "Iyon din ang dahilan ko sa inyo Ruby, Jade at Sapphire. Si Ruby ay kinasal na kay King Vladimir, si Jade ay kinasal na sa panganay na anak ni King Patrick, at Sapphire naman ay kinasal na sa panganay na anak ni King Julius. Magiging Queen na kayo sa mga kaharian nila."

Tumingin siya sa akin. "Si Emerald nalang ang hindi engaged."

"Hindi pa ako handa," sabi ko.

"Exactly!" sabi naman ni Ate Ruby.

"I'll train you," sabi ni Mama. "Wala ka pa namang asawa eh. Wala ka pa ngang napipili eh!"

"Kailangan ba talaga ng King?" stressed kong sabi. Tinignan ko ang mga ate ko at humingi ng tulong.

"Kaya mo 'yan!" sabi ni Sapphire.

"Kahit naiinggit ako sayo, tutulungan parin kita," sabi naman ni Amethyst.

"You must rest na. May mga bisita tayo bukas," sabi ni Mama.

Napasimangot naman ako. "Sino po?"

"You'll see bukas."

Dahan-dahan na akong umakyat papunta sa kwarto ko. Ayoko. Ayoko pang maging Queen. Ayoko pang magpakasal!

"Okay ka lang?" Napatingin ako sa gilid ko.

"Bakit gising ka pa, Matt?" tanong ko.

"Hindi ako makatulog eh," sabi niya. "So, okay ka lang ba?"

"Mukha ba akong okay?"

"Nagtatanong ako ng maayos diba? Sana sinasagot mo din ako ng maayos," naiirita niyang sabi. Natawa naman ako.

"Hindi ako okay," sabi ko. Napabuntong-hininga nanaman ako. Nasa tapat na pala kami ng kwarto namin dalawa.

Binuksan ko na yung kwarto ko. "Hindi pa ako handa Matt. Paano kung pumalpak ako?"

"Knowing you, papalpak ka talaga."

"Ouch," naiinis kong sabi kaya natawa siya ng bongga. Ang OA naman nito tumawa (._.)

"Lahat naman tayo nagkakamali diba? Di porket Queen ka ay perpekto ka na. Kaya mo 'yan." Pumasok na siya sa kwarto niya at agad na sinara ang pinto.

Anong nakain 'non? Bakit parang binasbasan siya ng anghel at bumait siya bigla?

~*~*~*~*~*~*~*~*~

"Emerald!" Napaupo ako bigla dahil sa sigaw ni Lucinda at ni Felicity.

"Bakit?! Anong meron?!" natataranta kong tanong. Nasilaw ako sa sikat ng araw mula sa malaki kong bintana.

"Magbihis ka na! Mag-ayos ka na! Dali!" nagmamadali nilang sabi. Hinatak nila ako patayo at kinaladkad sa banyo. Hinuhubaran nila ako!

EMERALD (Published Under Pop Fiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon