X2

89K 2.4K 202
                                    

JILLIANE POV

WALA sa sariling tinahak ko ang dinaanan nung gwapong hambog. Mas binilisan ko ang paglalakad kasi madilim na. Sa ngayon ay wala akong balak na bumalik sa mansion namin. Galit ako sa lahat at gusto ko munang lumayo sa kanila.

Patakbo na ako kung lumakad kahit nananakit na ang panit sa paa ko dahil sa heels na suot ko. Hanggang sa matanaw ko ang isang bulto ng katawan. Alam kong ‘yun yung gwapong hambog. Malakas ang radar ko pagdating sa gwapo. Tumigil ako sa paglalakad at nanatiling nakatingin sa kanya kahit nakatalikod siya sa gawi ko. May kausap yata sa phone.

Maya-maya pa ay mabilis siyang naglakad palapit sa isang magandang kotse. Waaaa! Aalis na siya? Kailangan ko ng matutuluyan! Kahit mamasukan akong katulong ayos lang basta dun sa gwapong hambog saka gabi na. Kailangan ko ng mapaglilipasan ng gabi. Siya lang ang anditong pagala-gala kaya no choice, sa kanya ako hihingi ng tulong. Kakapalan ko na ang mukha ko.

“Gwapong hambog, wait!” sigaw ko with matching pag-tili.

Napatigil siya nang akma na niyang bubuksan ang pinto ng kotse niya saka tumingin sa’ken. Seryoso pa rin ang mukha niya.  Tumakbo ako palapit sa kotse niya. Hinihingal pa ako. 

“A-Ano..pwede bang, ano..”

“NO.”

Grabe! Wala pa nga akong sinasabi, no agad? Ang sungit nito. At ang rude talaga nito to the highest level. “Teka naman, wala pa akong sina—“

“I said, no.” Sabi niya. Saka tuluyan nang binuksan ang pinto ng kotse niya. Hanla! Kailangang ko talaga  ng matutuluyan ngayong gabi!  Kahit magbayad ako, kahit magkatulong ako..ah basta!

Hala, hala. Pina-andar na niya ang sasakyan nya. ‘Di maaari! 

“AHHHHHH! Aw—www..” sabi ko saka humawak sa tiyan ko. Magagamit ko ngayon ang acting skills ko.

Maya maya lang ay nasa harap ko na ang gwapong hambog. “What happened?”

“Aw—ww, ang sakit...aww..”  Acting pa more!

“Fuck.” He hissed then carry me to his car. Hindi na ako pumalag. Eto na nga oh, isasakay na ako. Makakausap ko na siya about sa pakikiusap ko na baka pwedeng makitulog sa kanila.

Sa totoo lang, pwede namang sa mga kaibigan ko ako humingin ng tulong pero alam kong mahahanap agad ako ng pamilya ko kung doon ako hihingi ng tulong. Alam kong susuyurin nila lahat ng kakilala ko. Kaya mas mabuti ng humingi ng tulong sa hindi ko kakilala. Mukha naman siyang mabait kahit hambog eh.

XBANG: Xking SalvadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon