X17

49K 1.5K 116
                                    

JILLIANE POV

NATAHIMIK ako. Hindi ko alam kung paano ako magre-react sa sinabi ni Shawn. He just mentioned my name, hindi lang basta pangalan ko. Kundi buong pangalan. At hindi lang basta buong pangalan ko, kundi ang tunay kong pangalan. Paano niya nalaman? Ito na ba ang katapusan ng ugnayan ko sa kanila-sa Xbang? Isusumbong kaya niya ako sa hambog na nagpanggap akong ibang tao? Hala..

"Hey."

Napalunok ako. "K-kase, Shawn.." pina-imbestigahan niya kaya ako kaya niya nalaman? So posibleng buong pagkatao ko ay alam na niya. Lagot na talaga. Im super double dead.

He smiled at me and tapped my shoulder. "What's wrong? Dont worry. Kung iniisip mo na tino-torture kita, no I did not. I just want to know things about you. About the real you."

Nabawasan naman ang kaba ko dahil sa sinabi niya pero paano ang hambog? Baka malaman niya. Baka sabihin niyang impostor ako at poser. Waaaa! Lagot na. Baka basta nalang niya ako ipatapon sa Amerika-whuuutt? Sa Amerika talaga? Naisip ko pa 'yun, eh lagot na talaga ako.

"Paano mo nalaman?" tanong ko. Sinusubukan kog kumalma pero mahirap. Pinagpapawisan yata ako ng malamig.

"Hindi na mahalaga kung saan ko nalaman. What important is, I know now the real you. And seriously I really want to know about you so tell me about yourself, Jilliane."

"H-Hindi ka galit? Kasi ano, niloko ko kayo.."

"No. Why should I? Alam kong may rason ka kaya mo nagawang magpanggap. And, trust me. I'm willing to listen."

Nakakapanibago si Shawn. Kasi warfreak siya ng Xbang pero ang kalmado lang niya ngayong nalaman niyang nagsisinungaling ako sa kanila. Na niloloko ko sila. Sa totoo lang, dapat nagwawala na siya o kaya sinisigawan na dapat niya ako pero hindi. Pero handa ba akong mag-kwento kay Shawn kung paano ako umabot sa ganitong sitwasyon? Kung bakit ako naglayas sa'min? Pero natatakot ako. Alam kong kahit kaunti ay may galit or tampo si Shawn dahil niloko ko sila-ang buong Xbang. Paano 'pag nalaman nila? Lalo na ang hambog? Baka bugbugin nila ako isa-isa. Baka isabit nila ako sa pader para gawing dart board. O kaya isabit nila ako sa mahaba at malaking stick tapos ili-litson nila ako. Waaaa!

"You're shaking. Are you okay?"

Tumingin ako sa mga mata ni Shawn. Mukha naman siyang sincere sa mga sinasabi niya at wala naman akong nakikitang galit. Magku-kwento ba ako sa kanya? Wala na naman akong takas dahil alam na niya.

"Shawn natatakot ako. Kapag nalaman ng hambog, nina Seth, nina Zaine.."

"I'm here. Trust me. Hindi nila malalaman." He winks at me. "Only if you'll tell me why did you do this. Why do you need to lie. Again, I'm willing to listen."

Patay na. No choice na nga. Kapag hindi ko kinuwento, siguradong palalayasin na ako sa mansion ng hambog dahil sigurado ding sasabihin ni Shawn sa kanila ang tungkol sa akin.

Huminga ako ng malalim. "N-naglayas ako.." Panimula ko.

"Why?"

"Ganito kasi iyon." Huminga ulit ako ng isa pang malalim para kumalma na ako ng tuluyan. "Alam mo iyong ang saya saya ko sa pamilya ko, nakukuha ko lahat ng gusto ko. Kaya mahal na mahal ko ang pamilya ko, pero alam mo 'yung feeling na feeling mo niloko ka nila?"

"Exactly what you did to whole Xbang." Sabi niya unintetionally.

Napakamot ako sa ulo ko. Oo nga naman. Ginagawa ko pala sa iba ang ginawa sa'kin ng pamilya ko. But it wasn't my intention.

"'Yun na nga. Niloko nila ako. Nagsinungaling sila sa akin. Isang napakalaking kasinungalingan." Nagsimula ng manubig ang mga mata ko.

Naalala ko na naman ang time na iyon, ang nangyari sa mansyon bago ako maglayas.

XBANG: Xking SalvadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon