X5

90.3K 2.5K 479
                                    

JILLIAN POV

Kababalik ko lang dito sa library at naabutan kong natutulog na si Kieffer at si Seth, may pinapanood sa iPad na hawak niya. Si XKing tahimik lan na nakaupo sa one seater couch. Pero nang pumasok ako, lahat sila ang sama ng tingin sa’ken. Medyo napatagal ako..

“Akala namin, tumakas ka na. Tagal mo. Tch.” Sabi ni Zaine.

“A-Ah, medyo naligaw kasi ako eh.” Sagot ko na napapakamot pa ako sa ulo ko. Totoo naman eh. Bakit kasi sobrang laki ng mansyong ito, ano? Eh dalawa lang naman silang nakatira dito ng paren Maximo. 

“Wahahaha! Kasalanan mo pala XKing. Paliitin mo nga ‘tong mansion mo. Nakakahiya naman kay Jillian. Naligaw pa.” Tawa-tawang sabi ni Seth. Aba loko ‘tong..psh! pasalamat talaga sila hindi ako makapag-taray eh.

“Shut up, Ocampo.” Singit ni XKing saka tumingin kay Zaine. “Ituloy mo na ang pagpapaliwanang.”

So this is it? Ano kayang ipapa-trabaho nila sa’ken? Sana naman kaya ko, ‘no? Kasi ‘pag hindi, for sure mapapatapon ako sa ilog pasig ng wala sa oras. Mapapalayas ako dito sa mansion ng hambog. That’s a no, no! So dapat kayanin ko. Fighting!

“Ano  ba ‘yon?” tanong ko nakatayo ako sa harap nilang lahat.

“Baka gusto mong umupo ulit? Tch.” Sabi ni Ace. Sungit!

Naupo ulit ako sa inupuan ko kanina. Pinag-gigitnaan na naman nila ako. Pakiramdam ko napapalibutan ako ng mga itim na espiritu eh.

“Ikaw. Miss Jilliane Santos ay magiging letter “s” namin.”

“S” daw. At kelangan, initial lang? “Anong ibig sabihin ng ‘s’ na iyan?” tanong ko.

“What do you think, Miss Jilliane?” Ace said then smirked.

Napalunok ako. Kinakabahan naman ako. Anong letter ‘s’ iyon? Bakit ba pa-thrill pa ang mga gangster na’to? 

Letter ‘s’ means..sex slave? Oh my god! 

O kaya slave lang, hm, pwede naman. 

O baka supulturero? Hala! Ako ang paglilibingin nila ng mga pinatay nila?

Hindi, hindi. Baka naman secretary? Wow sosyal ang dating.

Pero pwede ding snatcher? Naku uutusan nila akong gawin ‘yun kahit ganito sila kayaman. Huhuhu.

O kaya, singer? Pakakantahin nila ako? Boses ipis pa naman ako.

Ay naku! Baka naman kaya sexy dancer? Uhlala! Magaling naman akong sumayaw. Di ko lang alam kung sexy ako. Sabi kasi ng mga pinsan ko wala daw akong curves. Flat pa daw ako. 

XBANG: Xking SalvadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon