X4

79.8K 2.3K 507
                                    

JILLIANE POV

HALOS lumuwa ang mga mata ko sa bumungad sa’ken sa library niya. Limang lalaki na pulos naka-itim. At aaminin ko, lahat sila makalaglag-panty sa ka-gwapuhan. Mga nakasimangot nga lang—parang may galit sa mundo. Jusko! Library ba talaga ‘to o...impyerno?

“Jilliane Santos.” Sambit ng hambog na parang pinapakilala ako dun sa mga lalaking prenteng nakaupo sa malaking couch.

“Maganda pala Xking. Pwede bang sa’ken muna kahit isang gabi lang?”

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nung lalaking mukhang pinaka-badboy sa kanila na parang naka-eyeliner pa? May kalahi pala si Baekhyun ng EXO dito eh. Baka fan? Kung ‘di nyo natatanong, may pagka-KPOP fan din ako pero hindi naman super. Tama lang. ‘Yung mga pinsan ko kasi kulang nalang mahimatay kapag napapanood ang mga KPOP bias nila sa myx. TV lang  ‘yun ha! Kaya ayun nahawa ako. 

“Fuck you, David.” Sabi ng hambog. Aba pinagtatanggol ako. Yeeeee. Kikiligin na  ba ako?

“Miss, upo ka dito.” Nakangiting sabi nung isang lalaking mukhang mabait kasi nakangiti na. Sa kanilang anim kasama ang hambog, puro sila serious face. May dinaramdam kaya ang mga ‘to?

Kinabahan ako. Uupo ba ako d’on? Eh jusko, sa gitna nila ako pinapaupo. Kumusta naman ‘yun ? Ano ‘to? Talk show at ako ang guest? Ganern? 

“A-Ah, sino ba kayo? KPOP group ba kayo?”  tanong ko. Malay mo ‘di ba?

Bahagya akong napaurong nang lahat sila nag-poker face sa’ken. Bakeeeetttt?

“Tch.”

Hala! Galit ang hambog. Bigla nalang niya akong nilapitan saka tiningnan ng masama. “Do we looked like a KPOP group? What the fuck. Aren’t you afraid of us?”

Nakakatakot nga sila pero kasi...all black tapos may naka-eyeliner. Merong may kulay ang buhok. Mga mukhang may lahi. Masisisi niya ba ako kung isipin kong KPOP group sila? Psh. “S-sino ba kasi kayo?”

“XBANG.” Madiin na sagot nung isang masungit na lalaki. 

“Kaanu-ano niyo ang BIGBANG? Waaaa crush ko dun si Top!” bigla akong natuwa at hindi ko napansin na ang lakas pala ng boses ko. Para tuloy akong timang na biglang natahimik at napatungo. Pakiramdam ko namumula ang mukha ko sa hiya.

“WHAT THE HELL.”

“SHIT.”

“THIS WOMAN IS GETTING INTO MY NERVES.”

XBANG: Xking SalvadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon