X29

43.4K 1.5K 233
                                    

JILLIANE

TAHIKIM akong nakaupo sa sofa sa loob ng library ng mansyon ng mga Villafuerte-ang kinikilala kong pamilya. Ilang linggo na akong narito pero ni minsan ay hindi ko s ila kinausap. Galit pa din ako, puno ng hinagpis ang puso ko at hindi ko na kinakaya ang mga panlolokong ginagawa sa akin.

Ang pamilya ko..
Ang taong minahal ko..

And worst part is, kung sino ang naging totoo sa akin at hindi ako niloko, iyon pa ang nawala. Tinatanggap ko ng wala na si Shawn pero may pag-asa pa rin dito sa puso ko na sa tamang pagkakataon, makasalubong ko siya at sabihin niyang, 'Hey, I'm fucking alive. Don't you dare cry again.' Sana siya nalang ang minahal ko at sana siya lang ang pinagkatiwalaan ko.

Sa pagmumukmok at pagkukulong ko sa kwarto ko ay na-realize ko na walang mangyayari kung hindi ako kikilos. Narito ako, hinihintay ang mga magulang ko upang linawin ang lahat ng tungkol sa pagkatao ko. Ang plano nila, lahat ng issues. Masaya sana ako kasi inampon nila ako, thankful ako sa bagay na iyon pero ang malaman ang main reason kung bakit nila ako inampon, hindi ko matanggap. Mamayang hapon ay magkikita kami ni Peter at ibibigay na niya sa akin ang lahat ng impormasyong nakalap niya tungkol kay Xking Salvador. Kaya ngayon, pamilya ko muna ang haharapin ko. Baka kasi hindi ko kayanin ang malalaman ko kay Peter.

Kung narito lang sana si Shawn..

Bumukas ang pintuan at pumasok ang dalawang nasa mid fifties. Matatanda na sila pero nasa tikas at itsura pa rin nila ang pagiging galante.

"Iha..."

I cleared my throat. Mahina ang loob ko pagdating sa kinilala kong ina. Dahil naging mabuti siyang ina sa akin. Sa ngayon, kailangan kong maging matigas. Kailangan kong kontrolin ang isip at puso ko...para sa sarili ko.

"Don't.." mahina kong sabi. Ayokong lapitan nila ako. Ayokong hawakan nila ako.

Naintindihan naman niya ang ikinikilos ko kaya napabuntong-hininga na lamang siya saka sila umupo sa harap ko.

"You're not getting any younger. You're a smart lady. Inaasahan koang araw na ito." Seryosong sabi ng Papa ko-kinilalang ama.

"I am thankful that you adopted me. You raised me like I'm from your own flesh. But what made me feel mad is... why are you using me? For whom? For what? I can't understand the reason. And I am here in front of you to listen to your story." I said-lifeless.

Nagsimulang umiyak ang Mama ko-kinilalang ina.

"Jilliane, anak.."

"I'll tell you the whole story." Sabi ni Papa na seryosong nakatitig sa akin. Hindi ako nagpatalo, nakipagtitigan ako.

At alam kong makikita niya sa mga mata ko ang Jilliane na halos wala ng buhay, wala ng kasiyahan, wala ng pag-asa.

"Ramon.." napansin ko ang paghawak ng Mama ko sa braso ng Papa ko. And that gestures means, pinipigilan niya ito. May karapatan akong malaman ang lahat lahat. Ang totoong katauhan ko, ang lahat, ang mga dahilan kung bakit at paano ako naging isang Villafuerte.

Huminga ng malalim si Papa. "She need to know. Hindi na siya bata. May sarili na siyang isip. Hindi na siya ang Jilliane natin na... may pagka-isip-bata. She's grown up."

"Pero..."

"Let us face the consequences of our action, Lia." Sabi ni Papa kay Mama.

Nanatili akong nakatingin ng seryoso sa kanila. Tama sila. Hindi na ako iyong babaeng isip bata, clumsy, maingay, makulit at masiyahin. Dahil isa na akong taong unti-unting sinasaraduhan ang puso at ngiti para sa kanila.

"Tell me..." mahinang usal ko.

Tumikhim si Papa saka tumingin sa kawalan.

"You were five years old when we adopted you. Hindi ko alam kung natatandaan mo o hindi, pero ang sabi ng doctor noon, mahina ang memorya mo. But believe me, inampon ka namin dahil wala kaming anak. Nasa pulitika ako, at alam natin na kapag nasa pulitika ka, hindi ka mawawalan ng kaaway. May isang tao na nakabangga ko. Hindi sa pagiging politician ko, kung hindi dahil sa pagiging businessman ko. Ang ugat ng away? Fame, wealth and family. Fame, dahil nag-aagawan kami sa pwesto sa pinakamagaling na businessman noon. Wealth, dahil nagpapayamanan kami. Mayayabang kami, e. And family... he's the ex-boyfriend of your Mom in her teenage days. Galit ako, selos at kung anu-ano pa."

XBANG: Xking SalvadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon